7

2.4K 90 0
                                    


Seducing Her Heartthrob Husband

By: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 7

Sa sobrang pagod, hindi na niya namalayan
na nakatulog na pala siya. Paggtingin niya
sa wall clock ay mag- aalas n'webe na ng
gabi.
Dalawang oras na pala siyang nakatulog.
Agad siyang bumangon at dali-daling
nagpalit ng damit at bumaba para kumain.
Medyo nagugutom na rin kasi siya.
Pagkababa niya, sakto namang kakaupo lang
ng asawa para kumain din. Naisip ni Janine
na nakipag-telebabad pa siguro ito sa
Maricar na 'yon. Nakita kasi niya itong may
kausap sa cellphone noong pababa na siya
ng hagdan.
Umupo siya sa katapat nito. Hindi na niya
pinansin kung magkaharap man sila o hindi.
Wala naman siyang dapat ikahiya rito. Panay
ang kuha niya ng pagkain dahil ang sasarap
ng seafoods na niluto ng katulong nila.
Malalaking hipon, talangka at may adobong
pusit pa.
Sarap na sarap siya sa pagkain nang
maramdamang may pares ng mga mata na
nakatingin sa kan'ya. Oo nga pala, nasa
harap lang niya ang asawa niya.
"Enjoying the food honey?" amused na wika
nito habang nakangiti itong natitig sa
kan'ya.
"Ahmmm... Ba't 'di ka na lang kaya kumain?
Hindi 'yong ako ang binabantayan mo
d'yan," sabi niya dito habang ipinagpatuloy
ang pag papak ng hipon.
"You know what? Ikaw pa lang ang babaeng
walang pakundangang kumain sa harapan ko
ng ganyan," wika nito at inumpisahan na
ring kumain.
"Ah, siguro may mga gusto 'yon sa 'yo kaya
mahinhing kumilos?" patanong na sagot niya
tapos ininom ang apple juice na nasa kanang
bahagi niya. Mahirap na. Baka mabulunan pa
siya sa harap ng asawa. Baka mas matuwa
pa ito kapag matigok siya.
"E, bakit ikaw? Wala ka bang gusto sa akin?
My dear wife?" panunuksong tanong nito.
"Gusto mong makipagtuksuhan ha," bulong
ng isip niya.
"Bakit? Meron ba akong dapat magustuhan
sayo, HONEY?" in-emphasized pa talaga niya
ang salitang 'honey'.
"Bakit? Wala ba?" balik-tanong nito sa
kan'ya habang kumakain na rin.
"Ahm... sa tingin ko, wala. Isa ka lang
ordinaryong lalaki sa paningin ko and I
think, Marky is more handsome than you,
honey?" panunuya niya rito na nakangiti at
kinikilig pa habang sinasabi niya ang
pangalan ni Marky.
"So? That's it! You like him huh?" sabi nito
at binagsak ang kutsara sabay tayo.
"Ate Mia, tapos na po ako. Pakiligpit na lang
pagkatapos ni JANINE kumain," sabi nito at
padabog na umakyat patungo sa kwarto.
"Problema no'n?" tanong niya kay Ate Mia.
"Hindi ko po alam, Ma'am. Nag-away ba
kayo?" nagtatakang tanong din nito.
"'Di po," tanggi niya. Wala naman talaga.
Pagkaakyat niya, dumiretso siya sa restroom
at nagtoothbrush. Nakita pa niya ang asawa
na naninigarilyo sa veranda.
Pagkalabas ni Janine, nasa kama na ang
asawa at nakahiga. Naupo muna siya sa
harap ng dresser at nagsuklay. Medyo
mahaba na rin ang maalon- alon niyang
buhok, lagpas balikat na.
Pinagmasdan niya ang sarili sa salamin.
Mahahaba ang kaniyang pilik mata. Hindi
naman siya pango, sakto lang. Mapupula ang
mga labi na bumagay sa heart shape niyang
mukha. Dahil medyo matagal na rin siya rito
sa Maynila ay napansin niyang pumuti na rin
at kuminis ang kutis niya. Siguro nasanay na
siya sa tubig o mga sabon na ginagamit.
Gano'n naman kapag nasa probinsya ka
lumaki. Minsan nasa panahon o tubig din
nakasalalay ang kutis ng tao. Kaya kapag
may mga dalaga na pumupunta sa Maynila,
kapag umuwi ng probinsya ay maputi na.
Maganda naman siya kung tingnan. Marami
rin ang nanliligaw na kaklase niya noong
high school palang siya. 'Yon nga lang,
simple lang talaga siyang mag-ayos.
"Naku, pasalamat ang Maricar na 'yon dahil
ipinanganak ako sa probinsya at sa bandang
bundok pa," nasabi niya sa sarili.
"Konting tiis pa Janine. Gaganda ka rin,"
pabulong na sabi niya sa sarili at kinurot-
kurot pa niya ang pisngi. Napangiti siya sa
sariling repleksyon sa salamin ngunit agad
itong napawi nang makita niya sa salamin
ang asawa na nakaupo at nakasandal sa
headboard ng kama na nakangiting
nakatingin sa kan'ya.
Napayuko siya at pasimpleng kinuha ang
suklay at nagsuklay ulit ng buhok.
"Done talking to your self, my dear wife?"
nakataas ang kilay nito at halatang
nagpipigil ng tawa.
"Huh? Nagpa-praktis lang ako, noh?Matagal
na kasi akong hindi nagde-declaim," palusot
niya sa asawa at tumayo para mahiga sa tabi
nito.
Totoo naman na nagde-declaim siya noong
high school pa siya. Magaling kasi siyang
umarte. Lagi nga siyang nananalo sa contest.
Minsan sa buhay niya, pinangarap din niyang
maging artista kaso imposibleng mangyari
iyon.
Nahiga na siya. Mag-iisang oras na ang
nakalipas na walang umiimik sa kanila.
Talikuran ang position nila. Hindi makatulog
si Janine. Hindi rin kasi siya kampante na
katabi ang lalaki. Kahit mahirap lang sila,
may sarili naman siyang kwarto noon sa
probinsya.

Seducing Her Heartthrob HusbandWhere stories live. Discover now