11

2.3K 92 0
                                    

Seducing her Heartthrob Husband

By: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 11

Magkatabi ang magkaibigang natulog sa
iisang kwarto at si Marky naman ay nasa
kabilang kwarto. Si Janine na rin ang
nagbihis sa kaibigan dahil sobrang lasing ito.
'Buti na lang, may mga damit ng babae si
Marky dito sa condo. Kay Jessy naman daw
ito dahil dito ito madalas matulog noong
nandito pa ito sa 'Pinas at ang binata rin
ang takbuhan niya sa tuwing mag- aaway
sila ni Francis noon.
Pagkagising nilang magkaibigan ay may
lutong lugaw na. Handa na rin ang iba pang
almusal.
"Wow! Kahit kailan, ang sarap mo talaga
magluto 'insan," proud na sabi ni Jessy.
"Oo naman, ako pa!" Pagmamayabang ng
binata. Ang cute nito tingnan. Naka t-shirt
na kulay puti na medyo hapit sa katawan at
nakashorts na pambahay lang.
Makikita mo ang mga muscles nito sa braso
pero para kay Janine, mas pogi pa rin ang
asawa niya.
"O, ngingiti-ngiti mo riyan? 'Wag mong
sabihing inlove ka na kay 'Insan?" panunukso
ni Jessy sa kaibigan habang kumukuha ng
lugaw at naupo na rin sa mesa.
"Uy, 'di a." Todo tanggi ng dalaga.
"Sus, hindi raw. Bagay naman kayo, a." Sabi
nito. Natawa si Marky sa kanila.
"Tumahimik ka nga d'yan, friend. Palibhasa,
hindi ka na nakainom. Ikaw nga d'yan,
hanggang ngayon e patay na patay pa kay
Francis." Tukso rin ni Janine sa kaibigan
"Okay. Sabi ko nga, 'di ka inlove sa pinsan
ko." Napangiti si Janine. Ngayon alam na
niya kung ano ang igaganti niya rito kapag
tinutukso siya sa pinsan nito. Pagkatapos
nilang kumain, nagtaxi na lang si Janine
pauwi. Pasado alas otso na nang makarating
siya sa mansion.
"Where the hell you came from?"
Pagkabukas na pagkabukas niya ay ang galit
na asawa ang nadatnan.
"H-Ha? Ah... Kasama ko lang si Jessy?" ewan
ba niya. Totoo namang kasama niya si Jessy.
"Jessy? Wow ha. Wala ka bang asawa?At
parang barkada na lang ang inaatupag mo?
Ang aga-aga, amoy
alak ka? Janine naman! Ilang taon ka na ba?"
tumaas na ang boses nito.
"Ah, sorry. Nakalimutan kong may asawa na
ako dahil unang-una, wala naman palagi rito
at ayun, busy palagi sa pakikipagtalik sa
iba!" Akala ng loko, ito lang may karapatang
magalit? Pwes, lalaban siya!
"E ano'ng gusto mo? Dito lang din ako sa
bahay? Bakit? Kapag hindi ba ako aalis,
makikipagtalik ka sa akin? Hindi naman, 'di
ba?" Galit na rin si James sa asawa.
"Ganoon ba? E di, bahala ka sa buhay mo at
bahala rin ako sa buhay ko para tapos!
Walang pakialaman mula ngayon. Lilipat na
ako ng kwarto! Doon na lang ako sa kabila
matutulog!" Sabay takbo ni Janine papunta
sa kabilang kwarto.
Naiinis siya!
"Fine! Huwag kang umasa na pipigilan kita
dahil wala naman akong balak na patulan
ka!" sigaw ni James kaya napatigil ang
asawa. Nasa punon-hagdan na ito.
"Ang kaapal ng pagmumukha mo! Mas
lalong wala akong balak na patulan ka!"
Dali-dali siyang pumanhik sa kwarto.
"Nakakainis! Nakakainis! At nakakainis! Wala
palang balak na patulan, ha. E di tingnan
natin," bulong niya sa sarili.
Wala na silang pansinan sa buong araw kahit
na magkasalubong pa sila sa loob ng bahay.
Kinaumagahan, maaga pa siyang nagpahatid
kay Mang Tikoy dahil may gagawin pa siyang
assignment sa library. Sakto namang
papunta rin si Jessy dito dahil hindi rin pala
ito nakagawa.
" Hi Jessy, the looser." Bati ng isang
kaibigan ni Maricar. Napadaan kasi sila sa
classroom ng mga ito at sakto namang
nakaupo ang mga estudyante sa labas ng
classroom dahil maaga pa naman. Dire-
diretso lang sila pero hinarangan sila ng
magbabarkada.
"Hey, guys! I just want to
introduce my friend, Jessy. Isang malanding
babae na patay na patay sa boyfriend kong
si Francis at heto pala ang dakila niyang
alalay na halos sa sobrang kapangitan ay
wala ng pumatol. Pareho silang loser,"
nagtawanan pa ang magbarkada pati na rin
ang ibang estudyante ay nakipagtawanan na
rin. Hindi na kaya pa ni Janine ang mga
pangyayari.
"Hoy! Babaeng mukhang tikling, ikaw kaya
ang mang-aagaw! Nauna kaya si Jessy sayo.
Inagaw mo lang dahil may pagka ahas ka
rin!" Sabat ni Janine. Si Jessy kasi ay tahimik
lang. Hindi nito ugaling makipag-away.
"Tumahimik ka d'yan! Ipagtatanggol mo pa
ang kaibigan mo? Bagay nga kayo. Ew!
Bakit ba kayo napasok sa school na ito?"
malanding sabat ni Maricar.
"Grabe lang sila makapanglait. Parang hindi
nila naging kaibigan si Jessy," nasaisip ni
Janine.
"M as pangit kayo at sa ugali n'yo, hindi
dapat kayo nandito!" Pinagtitinginan na sila
ng ibang mga estudyante.
"Janine, tara na." Hinihila siyaa ni Jessy.
"Ab a! Kapal ng mukha mo para sabihin na
pangit ako, a. At ano ang pruweba mo na
maganda ka? E wala ngang papatol na lalaki
sa 'yo!" sabi nito habang nakapamewang pa.
Naiinis na si Janine rito. Kung p'wede lang,
kanina pa n'ya ito sinampal sa katotohanang;
Ang boyfriend nito ay asawa na niya.
"Talaga? Maganda ka? Kung mas maganda
ka, ibig sabihin, kampante ka na hahabulin
ka ng boyfriend mo kapag iniwan mo siya?"
tanong niya rito.
"Oo naman! Mahal ako no'n at hindi ako
ipagpalit kahit kanino lalo na sa 'yo!"
Pagmamayabang nito sa lahat. Sakto
namang nakita ni Janine na kakapasok lang
ng kotse ng asawa.
"Ow, talaga? I doubt," hamon niya dito.
"Don't try me!" Kampanteng sagot ni
Maricar.

Seducing Her Heartthrob HusbandWhere stories live. Discover now