29

2.4K 92 0
                                    

Seducing her Heartthrob Husband

By: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 29

"Gano'n na ba kababa ang tingin mo sa
akin? Kung sanay ka sa mga babaeng
nagpapagamit sa iba o ipagamit ang
katawan sa iba, puwes, wala na akong
magawa. And please, leave me alone!" Galit
niyang sabi. Pagod siya! Pagod na pagod na
siya kaya hindi niya napigilang tumulo ang
mga luha at napahagulgol sa sobrang sama
ng loob.
"I'm sorry, look... I... Shit! I'm sorry. I didn't
mean to hurt you," malumanay na sabi ni
James at niyakap siya.
"Sorry., I just want to make the things work
out," tinulak siya ni Janine palayo.
"Umalis ka sa harapan ko, please lang!
Ayokong makita ka," tuloy-tuloy ang pag-
agos ng kaniyang mga luha. Namamanhid na
ang buo niyang katawan.
"I.. J-Janine... Jus--" Hindi siya makabuo ng
kahit isang pangungusap.
"I said, get out!' Pasigaw na wika ni Janine
habang itinuturo ang pintuan. Galit siya sa
asawa dahil sa mga pinaparatang nito sa
kaniya.
"You take a rest, I'm sorry." Lumabas na ito.
Napaupo si Janine sa kama at humagulgol
ng iyak. Iniisip pa lang niya na matatapos na
ang relasyon at kasal nila, labis na siyang
nasaktan lalo na ang isiping hindi na niya ito
makikita. Hindi niya kayang makikitang si
Maricar ang kasama nito araw-araw.
Magdamag siyang hindi nakatulog. Iyak lang
siya nang iyak. Sabado naman kinabukasan
at wala silang pasok.
Tanghali na siya nang magising. Hindi niya
nakita ang asawa at ang mga magulang nito
ang nadatnan na kumakain sa dining kaya
sumabay na siya sa mga ito.
"Hija, kumain ka ng marami." Alok ng
ginang.
"Salamat po," mahina niyang sabi. Nagtataka
siya kung bakit hindi siya tinatanong ng
mag-asawa e halata namang namumugto
ang kaniyang mga mata sa kakaiyak kagabi.
Pagkatapos kumain ay dumiretso siya sa
library para magbasa ng notes dahil malapit
na ang prelim exam nila at para na rin
makalimutan ang asawa kahit sandali lang.
"Hija, can we talk?" ani ng ginang.
Kakapasok lang nito.
"Sure po," tiniklop niya ang aklat na
binabasa.
"Janine, may sasabihin kami sa 'yo." Nag-
aalangan pa si Veronica pero hindi kumikibo
si Janine dahil gusto niyang malaman ang
totoo. Sa tingin niya ay ito ang kasagutan sa
mga nangyayari sa kanila ng asawa niya
"Napadaan kami sa kwarto ninyo kagabi at
narinig namin ang pag- aaway ninyo,"
nahihiyang sabi ng ginang. "Pagpasensiyahan
mo na ang batang iyon, gano'n talaga siya
kapag mainit ang ulo. Nagpapasalamat kami
sa 'yo dahil natitiis mo ang ugali niya," ma-
otoridad na sabi ng matandang lalaki.
"Kaya kami umuwi ay may dapat kang
malaman," tiningnan siya ng lalaki sa mga
mata. Napayoko si Janine dahil ang mga
mata ng asawa ang kaniyang nakikita.
Ngayon, alam na niya kung saan ito
nagmana. Kuhang-kuha nito ang lahat ng
anggulo sa ama. Tindig, pananalita at
kakisigan. Kahit matanda na ang ama nito,
hindi nawawala ang sex appeal ni Mr.
Alcarde.
"About sa kasunduan," nakakunot ang noong
palipat-lipat na tumitingin siya sa mag-
asawa. "A-A no po ang tungkol sa
kasunduan? " kinakabahan siya.
"May nakitang bagong last will and
testament ang attorney ng lolo mo sa volt
nito at valid daw iyon dahil may pirma niya
at ng mga witnesses pa. Ayon sa
imbestigasyon ay sa lolo mo talaga iyon at
nahanap na rin ang dalawang witnesses na
dating secretary at driver ninyo at
pinangatawan nila na totoo nga ang huling
habilin ni Don Alfonso," napabuntong
hininga ang lalaki.
"A-Ano... Ano po ang sabi sa last will niya?"
nagtataka niyang tanong. Kung ano man
iyon, malakas ang pakiramdam niya na hindi
niya ito magugustuhan.
"Pinawalang bisa na raw niya ang unang
testamento. Ang kalahati ay direktang ibigay
sa iyo ang mana mo at ang kalahati ay hindi
na namin alam, hija. Masyado raw personal
at ang attorney lang ang nakakaalam,"
paliwanag ng lalaki. Tahimik lang din ang
asawa nito.
"Si James po? Alam na po ba niya ito?"
mahinang tanong niya. Gusto niyang maiyak
dahil pakiramdam niya, naloko siya.
Pumasok siya sa isang matinding desisyon at
responsibilidad bilang may asawa pero lahat
ng ito ay isa lang palang malaking
pagkakamali?
"Oo, noong gabing sinundo niya kami,
ipinaalam namin sa kaniya ang lahat. Hija,
alam kong mahal ka ng anak ko, please,
pag-usapan ninyo ito. Maayos pa ang
problema ninyo," pakiusap ng ginang
habang hinahawakan siya sa kamay.
"Hindi ko po alam. Sige po, mag-aaral pa ho
ako. Doon na lang ako sa kwarto," hindi na
niya narinig pa ang sinasabi ng mag-asawa.
Dumiretso na siya sa kwarto at umiyak ng
umaiyak.
Kaya pala nagbago na ang asawa niya. Kaya
pala ganu'n na lang kung ituring siya. kaya
pala para na siyang basura rito dahil iiwan
na siya nito.
Wala nang rason pa para magsama pa sila.
Kung wala nang bisa ang unang testamento
ng kaniyang lolo, ibig sabihin, wala na ring
bisa ang last will ng lolo ni James dahil
nakasalaysay o nakasulat sa testament ng
lolo nito na kung ano ang hiling ng lolo
niya, ay iyon ang dapat masunod.
Naisipan niyang umpisahan na niya ang mag-
impake at maghanap ng bagong matitirhan.
Magpapatulong na lang siya kay Jessy para
maghanap. Tutal, may pera na rin siya.
Sobrang laki naman ang namana niya mula
sa yumaong kamag-anak. Hindi lang pera
kundi ari-arian na rin ng Lolo Alfonso
niya.
Kahit medyo pagod ay pumasok pa rin siya
pagka lunes. Dalawang araw nang hindi
umuuwi ang asawa. Naisip ni Janine na baka
nagpaparty na rin iyon dahil magbubuhay
binata na.

Seducing Her Heartthrob HusbandTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang