1

7.7K 139 2
                                    

Seducing Her Heartthrob Husband



by: sha_sha0808 Ash Simon


CHAPTER 1

"You may kiss the bride," isang halik ang nagpukaw sa kanya para matauhan siya at
bumalik sa reyalidad bago niya marealize na isa na siyang Mrs. Alcarde at sa harap niya
ay ang napaka gwapong asawa na last week lang niya nakita at ito ngayon ang
pangalawa nilang pagkikita at sa kasal na nila.
Hindi kasiyahan ang nakikita niya sa mukha ng binata kundi ang pagkainis at pagkasuklam sa kaniya. Pero hindi niya ito pinansin. Sa halip ay humarap siya sa mga
witness ng kasal nila at ubod tamis na ngumiti.
Apat lang ang naging witness nila.

Ang magulang ng binata at ang dalawa nitong
kaibigan. Malungkot na yumuko siya. Sana kung buhay pa ang mga magulang niya, e di,
nando'n din ang mga ito.
Wala rin ang bestfriend niya kasi naiwan sa Probinsya at higit sa lahat, sikreto lang ang
pagpapakasal nila ng binata. Walang nakakaalam maliban sa kanilang anim.
"O, ano pa tinutunganga mo d'yan?sakay na!" Singhal ng binata habang nasa drivers
seat na ito.Hindi man lang siya nito pinagbuksan ng pinto ng kotse. Sila nalang
pala ang naiwan sa munisipyo.
Mayor lang kasi ang nagkasal sa kanila. Ang mga kaibigan nito ay may kanya- kanya ring
kotse kaya silang dalawa nalang ang nagsama sa sasakyan nito dahil sila naman ang mag- asawa.
Sa bahay ng binata sila di-diretso. May
kaunting salo- salo kasing hinanda ang mga magulang nito para sa kanila.
Mabait naman sina Mr. and Mrs. Alcarde sa kaniya. Tuwang- tuwa nga ang ginang sa
kaniya dahil wala itong anak na babae at nag- iisa nga lang si James na anak.
Pagkatapos ng handaan, dumiretso sila sa kanilang kwarto. Doon na rin silang dalawa titira sa mansion dahil ang mag asawa ay
babalik na kinabukasan sa Canada.

Doon ang main branch ng kanilang mga
negosyo at ang branch dito sa Pinas ay ipinagkatiwala sa mga malalapit na kamag
anak. Masasabing mayaman ang pamilya ng napangasawa ni Janine.

Ito ang pangalawang pinakamayaman na
negosyante sa Pilipinas at pang- walo sa buong Asia.
Kaya ang dalawang palapag na bahay nila ay sobrang laki at halos hindi mo malibot ang
buong kabahayan sa isang araw lang kung baguhan ka lang dito dahil magkakamali ka
sa pasikot-sikot na daan.
May apat din na katulong, dalawang guwardiya na palitan sa duty, at isang driver.

May malawak na swimming pool sa likod at harap ng bahay.
Medyo maliit lng ang nasa likod dahil private
pool ito. Para lang daw kay James lalo na 'pag ayaw nitong mag- swimming na may
nakakakita.
Nakakapasok lang ang katulong kung maglilinis ang mga ito. Paano nga ba niya
napangasawa ang lalaki? Nagulat nalang s'ya na isang araw ay may kumatok na lalaki sa
maliit na bahay n'ya.
Gawa iyon sa kawayan. 'Yun lang ang tanging naiwan ng mga magulang niya sakanya. Ang pagkakaalam niya ay wala ng
pamilya ang nanay at tatay niya. Naunang namatay ang nanay n'ya dahil sa sakit na
tuberculosis. Wala silang sapat na pera para ipagamot kaya mas lumala ang sakit
hanggang sa ikamatay na nga nito. At noong isang buwan, sumunod na rin ang
tatay niya dahil sa sakit sa puso. Dalawang linggo matapos mailibing ang ama, may
lalaking nagpakilala na detective raw ito at matagal nang hinahanap ang mga magulang
niya.

Doon din niya nalaman na heredera pala ang
nanay niya at nag- iisang anak ni Don Alfonso Villamore. Tumakas ito ng
ipinagkasundo ng lolo niya sa daddy ni James.
Matalik na magkaibigan ang lolo ni James at ang lolo niya. Sa katunayan, sila ang
magkasosyo sa lahat ng negosyo kaya ayaw na nilang may pumasok pa na ibang tao at
para 'di na mapunta sa iba kaya naisipan nilang ipagkasundo nalang ang kanilang mga
anak.

Kaso, sa kasamaang palad, hindi nila mahal
ang isa't- isa. Mag bestfriend ang tatay nila
ni James at gayon din ang nanay nila at matagal ng magkasintahan ang mga
magulang ni James. Na si tita Veronica niya at tito Alfonso.
Kaya mas pinili nalang ng kanyang mga magulang na magtanan kesa silang apat na
magbarkada ang masasaktan. Sa loob ng labing- walong taong gulang niya sa mundo,
masasabi niyang mahal ng mga magulang niya ang isa't- isa. Hanga siya sa pagmamahalan ng mga ito kahit hindi sila
ganun kayaman.
Minsan, naisip niya na sana makatagpo rin
siya ng lalaking kasing bait ng tatay niya. Nang dumating siya sa Maynila, doon nila
sinabi na kahit patay na ang mga lolo nila ay tuloy parin ang kasunduan.
Dahil ayon dito, kung hindi pa sila maikasal sa oras na mag- nineteen siya, lahat ng ari-
arian ng dalawang pamilya; kompanya,
bahay, lupa at savings sa bangko ay mapupunta sa charity.
Matagal na palang alam ng lolo niya kung nasaan sila ng mga magulang niya at alam
nito ang lahat- lahat sa kaniya pati ang kaarawan niya.
Ayaw ding matapon ang lahat ng
pinaghirapan ng magulang ni James kaya nagmamakaawa ang mga ito sa kanila na
magpakasal na lang.

Seducing Her Heartthrob HusbandWhere stories live. Discover now