10

2.4K 96 0
                                    

Seducing her Heartthrob Husband

By: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 10

Hindi ito tumitigil sa pagkain dahil hindi
makatingin kay Jessy nang diretso. Si Janine
ay tahimik na rin na inuubos ang pagkain
dahil hindi rin siya komportable na kaharap
ang asawa at sinusubuan pa talaga ng
malanding babae sa harap niya.
"Ang sarap nilang tusukin ng kutsara!"
Naiinis na bulong ni Janine.
"Hi, guys. Hello, sweetheart. Hi, friend
Maricar, I. missed you," sabi ng kakarating
lang na babae. Maiksi ang buhok nito at
naka miniskirt din. Ang kapal pa ng makeup
nito na naka noseline pa. Agad na hinalikan
nito si Francis sa pisngi.
Ang lalaki naman ay nagulat at agad na
napasulyap kay Jessy.
"Tara na, Jan. May gagawin pa pala tayong
assignment sa english," yaya ni Jessy sa
kaibigan at padabog na lumabas.
Sumunod si Janine rito dahil hindi na rin niya
masikmura ang mga kasama sa table.
"Dahan-dahan lang. Ayaw ko pang mamatay
na virgin!" Sigaw ni Janine. Sobrang bilis
kasi niyang magpatakbo. Mabuti na lang
dahil linggo kaya walang masyadong nagba-
biyahe.
"Nakakainis!" Hinampas nito ang manibela
sabay preno.
"Ex mo si Francis, 'di ba?" tanong ni Janine.
Napansin niyang namula sa galit ang mukha
ng kaibigan. Hinulaan lang niya na baka may
namagitan sa dalawa.
"' Wag na 'wag mong i-mention ang
pangalan ng hayop na 'yon sa harap ko!"
galit na sabi nito at pinaandar muli ang
sasakyan.
"Bitter ka pa rin?" ani Janine.
"Ang kapal ng pagmumukha! Ipagpalit ako
sa mukhang tikling na 'yon? My gosh!" Mas
galit na ito ngayon.
Hindi naman siya tanga para hindi
mahulaang dating magkasintahan ang mga
ito. Sa tingin at kilos pa lang ay malalaman
mo nang may relasyon ang mga ito. Dumaan
muna sila sa bar na nadaanan nila. Nag-
order si Jessy ng maiinom. Walang ideya si
Janine kung ano ang inorder nito dahil pang
sosyal. Hindi niya maintindihan ang pangalan
basta ang alam niya, umaapoy ito bago
ibigay ng bartender.
Ang sa kaniya ay tanduay ice. Iyon lang kasi
ang alam niyang inumin. Para sa kaniya, okay
lang naman ang lasa. Parang softdrinks lang
na medyo matapang. Ang kasama niya ay
lasing na lasing na. Hindi alam ni Janine
kung paano umuwi at medyo tipsy na rin
siya.
"Hayup na Francis! Ga... Go huk... Walang
kwenta! Huk. Mataposh kong ibigay lahat-
lahat sha kan'ya, iiwan ako para lang sha
pangit na hayop na babaeng iyon? huk."
sabay iyak ni Jessy.
Magbabarkada sila noon nina Maricar. Ang
problema, may gusto pala si Sharon kay
Francis at kinukunsinti pa nina Maricar na
agawin ang binata sa kay Jessy.
Mula firstyear high school pa lang,
magkasintahan na sila ni Francis at ito lang
talaga ang naging boyfriend nito. Matapos
niyang makitang nagtatalik ang kaibigan at
boyfriend ay lumipad na siya papunta sa
Canada.
Tumigil siya sa pag-aaral ng dalawang taon
sa sobrang pagmumukmok. Dapat nasa
thirdyear na rin ito ngayon. Ang kapatid
namang si Paul ay tumigil noong grade one
dahil hikain daw ito noon kaya nagkaabutan
sila sa grade one.
Bugbog sarado raw si Francis noon kina Paul
at James kaso kaibigan pa rin nila ito kaya si
Jessy na lang ang pinagsabihan nilang
magmove-on na sa nangyari.
Nang pakiramdam niya na nakamove-on na
siya ay mas pinili na nitong ipagpatuloy ang
pag-aaral pero heto ngayon, halatang
apektado parin.
"Wala kang k-kwen... Ta, Francis! Huk...
Papatayin kita! Bweshit ka!" Sigaw nito
habang hawak pa ang shotglass. Ang iilang
costumers ay napatingin na sa kanila.
"Naku friend, tama na. Tara na, magsasara
na raw sila." Sabay hila ni Janine sa kaibigan.
Pinagtitinginan na rin sila. Mabuti na lang
nahila niya ito papunta sa kotse ng dalaga.
Pinaupo niya ito sa backseat. Mas safe kasi
sila 'pag andito dahil baka kung ano pa ang
magawa nila sa loob ng bar, mahirap na.
Kanina pa may tumatawag sa cellphone nito
kaya sinagot na niya dahil mukhang tulog na
ang kaibigan. Laking pasalamat niya nang
makita ang pangalan ng caller.
"Hello, Marky? Salamat naman at napatawag
ka. Si Janine 'to," pakilala niya sa kausap.
"O Janine, ano'ng problema? Saan ba kayo?
Text ng text si Jessy sa akin, ah." Nag-aalala
nitong tanong sa kabilang linya. Medyo close
kasi ang magpinsan.
"Dito kami sa Annies. Pakipuntahan naman
kami, please. Hindi ko na alam ang gagawin
ko. Hindi rin ako marunong magdrive,"
pakiusap niya kay Marky.
"Okay, just wait. I'll be there in fifteen
minutes," pinatay na nito ang cellphone.
After thirty minutes, dumating ito.
"Sorry, traffic masyado sa EDSA." Hinging
paumanhin ni Marky. Nagtaxi lang ito kaya
siya na ang nagdrive ng sasakyan ng pinsan.
"An o'ng nangyari?" tanong nito habang
nasa unahan nakatingin. Doon na ikinwento
ni Janine ang lahat.
"Hayaan mo na 'yon. Hindi rin deserveng
ang gagong 'yon sa pinsan ko!" Nakatagis
ang bagang ma sabi nito.
"Sa condo nalang kayo matulog. Dalawa
naman ang kwarto roon," sabi nito at ibang
daan na ang kanilang tinatahak. Wala na ring
imik si Janine. Kahit siya ay pagod na rin.
Mabuti na lang dahil wala silang pasok
kinabukasan.

Seducing Her Heartthrob HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon