2

3.9K 103 0
                                    


Seducing Her Heartthrob Husband

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 2

Kahit siya, nanghihinayang din sa
pinaghirapan ng mga lolo nila kahit hindi ito
naging mabuti sa kanilang mag-ina, pero
lolo parin niya ito kaya wala rin silang
nagawa lalo na si James, e nabuhay ito na
sunod ang gusto. 'Pag mawala sa kanila ang
lahat, hindi ito mabubuhay lalo na kapag
walang credit card kaya napapayag din nila
itong magpakasal dahil ngayong araw na 'to
ang ika- labing-siyam na taong gulang ni
Janine kaya ngayon din ang kasal nila.
"Matulog ka na, maaga ka pang pupunta sa
school bukas para magpa- enrol dahil
pasukan na nextweek," nasa veranda siya ng
kwarto nila at nagpapahangin nang lingunin
niya ang asawa. Kakatapos lang nitong
magshower at nakapantulog na ang suot.
"Okay. Sino pala ang sasama sa akin bukas?"
pumasok na siya at isinara ang sliding door
ng veranda.
Naupo na rin ang asawa sa gilid ng kama at
pinapatuyo ang basang buhok gamit ang
tuwalya
"Si mommy. Pasalamat ka dahil hindo mo na
kailangang kumuha ng entrance exam,"
sagot ni James at tumayo papunta sa
veranda.
"Okay. E di, thank you," wika ni Janine at
kumuha na rin ng damit para
makapagshower na. Ang mga magulang na
ng binata ang bumili ng mga damit niya.
Puno ng mga damit ang closet nito. Ang
dami ring binili na mga sapatos at bag ng
biyanan niya.
In fairness, maganda talaga ang sense of
fashion ng mommy ni James. Nang lingunin
niya ang asawa, naninigarilyo ito sa labas at
nasa malayo ang tingin.
"Akalain mo 'yon, kinausap ako?" sabi niya
sa sarili. Napangiti siya sa naisip na pwede
naman pala silang magkaibigan.
Pagkatapos niyang maligo ay agad niyang
pinatuyo ang buhok gamit ang blower at
hindi na rin niya alam kung nasaan na ang
asawa dahil pagkalabas niya ng bathroom,
wala na ito sa loob ng kanilang kwarto.
"Ano kaya ang magiging buhay ko?Siguro,
masaya ang magko-kolehiyo" nasaisip niya.
Pangarap kasi nila ng kaniyang nanay na
makapagtapos siya sa pag-aaral.
Naisip niya na siguro kung buhay lang ang
nanay niya sigurado masaya ito para
sakanya. 'Buti nalang hindi na niya
kailangang kumuha pa ng entrance exam
dahil tito ni James ang may-ari ng
University na papasukan niya. Pero,
kampante naman siya na maipasa niya ang
exam. Kahit papano, matalino naman siya.
Sa katunayan, siya ang ang valedictorian
nung nag-graduate siya last year. Dapat
nga, secondyear college na siya. Kaso, 'di na
siya naka-kolehiyo dahil walang sapat na
perang pantustos at may sakit pa ang tatay
niya kaya nagtatrabaho nalang siya sa maliit
na canteen na malapit sa kanilang bahay
doon sa probinsya.
Kinabukasan, maaga pang nagising si Janine
dahil sa sobrang excited na makita ang
school niya at para makakita na rin ng
malalaking buildings.
Ngayon lang kasi siya nakapunta rito sa
Maynila. Hindi na niya namalayan kung
anong oras bumalik ang asawa o kung
bumalik nga ito sa kwarto kagabi dahil
nakatulog siya sa sobrang pagod at
paggising niya, wala rin ang lalaki sa tabi.
"Good morning tita, tito." bati niya sa mag-
asawa at humalik sa pisngi nang pagbaba
niya ay nakaupo ang mga ito sa dining
room.
"goodmorning din hija, at please, drop that
tito and tita. You can call us mommy and
daddy. Parang anak ka na rin namin. Maupo
ka at kakain na tayo," nakangiting sabi ng
ginang.
"Pasensiya na po, medyo 'di pa po ako sanay
e," hinging paumanhin ng dalaga sabay hila
ng upuan at naupo sa tapat ng mag asawa.
Pritong isda, sinangag, itlog at tocino ang
nakahanda. May orange juice rin at gatas na
sinerve ang katulong.
"S-Si James po?" tanong niya nang
mapansing wala ito sa loob ng bahay.
"Naku, ando'n, maaga pang sinundo ni
Francis at Paul. May pupuntahan daw," ang
matandang lalaki naman ang sumagot
habang umiinom ng kape.
Ngumiti nalang siya. Hindi na nagtanong,
baka kung ano pa ang isipin ng mga ito.
Alam naman nilang lahat na sa papel lang
ang pagiging mag-asawa nila at napilitan
lang silang magpakasal.
Matapos nilang kumain, pumunta na sila
agad sa eskuwelahan.
Napakalaki ng St.Joseph University at
halatang mayayaman ang mga nag- aaral
doon dahil halos lahat ay nakakotse at
punong-puno ang parking area ng mga
mamahaling sasakyan. Malawak din ang field
ng school. May basketball at volleyball
court. May soccer at football field din.
Matataas din ang buildings ng bawat
department. Hotel and Restaurant Managent
ang kukunin niyang kurso dahil siya raw ang
magmamanage ng mga hotels na negosyo
nila.
Gusto sana niya maging nurse o doctor dahil
gusto niyang makatulong sa mahihirap gaya
nila noon na walang perang pampagamot sa
nanay at tatay niya. Kaso, nahihiya rin siyang
magsabi sa mag-asawa. Isa pa, okey na rin
'to sa kanya. Gusto rin niya ang kursong
HRM.
Pagkatapos nilang gumala ay pinahatid na
siya ng biyenan sa driver dahil may
pupuntahan pa itong importanteng meeting.
"So, paano 'yan? Kapag malaman ni Maricar
ang tungkol kay Janine, patay ka parekoy,"
kakaakyat niya lang. Papunta na sana siya sa
kwarto nilang mag-asawa nang marinig
niyang nag- uusap ang magkaibigan sa
study room.
"O, Francis, 'wag mo namang takutin si
James, dude! Baka mamaya, himatayin 'yan."
Sabi ni Paul.
"P'wede ba, 'wag na nga nating pag- usapan
si Maricar. Tara na, inuman na lang tayo sa
bar." Yaya ng asawa niya at tumayo ito.
Narinig niyang papunta sa pinto ang mga
yabag ng magkakaibigan. Agad naman
siyang tumakbo papunta sa kwarto nilang
mag-asawa. Hingal na hingal siya nang
mapaupo sa kama at kinuha ang malaking
teddy bear na kulay brown.
"Sino kaya si Maricar? Siguro, girlfriend
niya? Haaay..." Isang malalim na buntong
hininga ang pinakawalan ni Janine at padapa
na nahiga sa kama na nakayakap pa rin sa
teddy bear.
"Malamang! Sa gwapo pa naman niya,
impossibleng walang gorlfriend 'yon. Ang
tanga ko naman at hindi ko naisip ang bagay
na iyon," habang pinipindot pa niya ang
ilong ng teddy bear. Umaasa na sana ay
naririnig din siya nito.
Mag-aalas n'webe na nang magising siya
dahil sa mahihinang katok.
"Ma'am? Kain na po kayo," sabi ng katulong
habang nakasilip ang ulo sa pintuan.
"Sige po, ate, susunod na po ako." Agad
siyang bumangon at pumunta muna sa
bathroom para magbihis. Nakalimutan kasi
niyang magpalit kanina sa sobrang dami ng
iniisip.
"Ate, si James po?" tanong niya sa nagse-
serve ng pagkain niya.
"Hindi pa po nakauwi ma'am, at 'yong mag
asawa, umalis din pagkadating ni ma'am
Edna. May pupuntahan daw," magalang na
sagot ng katulong.
Pagkatapos niyang kumain ay pumunta na
siya sa kwarto at nagbihis para matulog.
Mag-aalas onse na ng gabi pero wala pa rin
ang asawa. Ang narinig niya na dumating ay
ang mga biyanan niya pero hindi na siya
nag-abala pa na lumabas para batiin ang
mga ito.
Nagising siya nang maramdamang may
parang humahalik sa leeg niya.
"James?" Napasigaw siya. Agad na napaupo
at napasandal sa headboard ng kama.
Mabilis namang tinakpan ng asawa ang bibig
niya.
"Fuck! Will you stop shouting? Gusto mo
bang gisingin ang mga tao rito sa bahay sa
ganitong oras?" mahina pero galit na sabi
nito.
Hindi makapagsalita si Janine kaya
napatingin nalang siya sa wall clock. mag-
aalas tres na pala ng madaling araw. Dahan-
dahang tinanggal nito ang kamay sa bibig
niya.
"Just don't shout okay?" mahinahon nitong
sabi at hinalikan siya sa noo, sa pisngi,
hanggang pababa sa kan'yang mga labi.
Kahit dim light lang, nakikita pa rin niya ang
nag-aapoy nitong mga mata. Napapikit si
Janine sa sobrang lambot ng labi ng asawa.
Ang lalaki ang first kiss niya. Wala naman
kasi siyang ibang naging boyfriend. Naging
sa palalim ng palalim ang halik ni James.
Nadadala na siya sa nakakaliyong halik ng
asawa.
"Uhm... J-JJames... Uhmmm..." paputol-
putol na sambit ni Janine habang hinahabol
ang hininga ng pumaibaba ang mga labi nito
sa kaniyang leeg. Naramdaman niya ang
pagpisil ng mainit na mga kamay ni James sa
magkabilang dibdib niya habang ang mga
mata nito ay nakatuon pa rin sa mga mata
niya. Alam niyang tinitingnan nito ang
magiging reaction niya. Ang isang kamay ay
sa kanang dibdib at ang isa naman ay kung
saan-saan na napunta. Ngayon lang niya
namalayang wala na pala siyang damit pang
itaas.

Seducing Her Heartthrob HusbandWhere stories live. Discover now