8

2.4K 91 0
                                    

Seducing Her Heartthrob Husband

By: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 8

Ang sabi ng tatay niya, dalaga na raw siya
at hindi tama na tumatabi pa ito sa
magulang niya kapag natutulog at kailangan
na rin niya ng privacy.
Napangiti si Janine nang maalala ang mga
magulang. Kung saan man ang mga ito,
siguradong masaya na sila para sa kaniya
dahil makakamit na niya ang pinapangarap
niyang makapagtapos ng pag-aaral.
"Dont talk to him." Nagulat siya nang
magsalita ang asawa. Gising pa pala ito.
"Talk to whom?" tanong niya pero
nakatalikod pa rin sila sa isa't isa.
"Marky," tipid ngunit may diin na sagot nito
kaya napaharap siya rito.
"At bakit hindi pwede?" sakto namang
humarap ito sa kaniya.
"'Cause I said so," wika nito na nakatingin sa
mga mata niya.
"Paano kung ayoko ko? Hin puwedeng 'pag
ayaw mo, e ayaw ko rin, noh." Nakapout na
sabi niya.
"Stop pouting or else, I'll kiss you."
Pagbabanta ng asawa habang nakaharap pa
rin sila sa isa't isa.
"Uhm... Ano-- uhm... bah!" Sabay tulak
niya. Hindi naman siya nagpout pa pero
hinalikan siya nito sa labi.
"Matulog ka na nga. Kung anu-ano pa ang
iniisip mo diyan, e!" Kunwari galit na sabi
niya at tinalikuran niya ito sabay talukbong
ng kumot.
"Seriously, don't go near him, please..."
pakiusap ni James. Naramdaman ni Janine
ang pagtalikod nito sa kaniya.
"Okay," naiinis na sagot ng huli.
"Nakakainis ka! 'Yon lang 'yon? Hindi mo na
ako pipilitin? Matutulog na tayo? Seryoso?"
bulong niya sa sarili. Pinilig niya ang ulo.
Magmula na yata nang magkaasawa siya,
nagiging manyak na siya at kung anu-ano
ang iniisip.
Aaminin man niya o hindi, crush na niya ang
asawa dahil gwapo talaga ito kaya noong
unang makita niya si James ay parang gusto
na rin niya ang isiping magpakasal sa kan'ya.
Kaso ang problema ay nandiyan ang
kontrabidang si Maricar at higit sa lahat,
couple ng school campus ang dalawa. Ilang
beses nang sumagi sa isipan niya kung
paano 'pag malaman ng lahat na asawa na
niya ito? Sigurado bibitayin siya ng barkada
ni Maricar at ng buong babae sa campus.
Magkaklase pa naman ang dalawa at siya?
Walang laban dahil sa gabi lng naman sila
nagkikita ng asawa at minsan lang umuuwi
ang loko.
Pasado alas dose na pero gising pa rin siya.
Hindi na siya makatulog. Samantalang ang
asawa ay sarap na sarap ang tulog.
"Ang gwapo talaga ng asawa ko," mahinang
sabi niya at pinilit na makatulog.
Chapter 3
Maaga pa siyang nagising. Kaunting oras
lang ang natulog niya kaya halatang
namumukto ang mata sa sobrang puyat.
"Good morning sir, ma'am"bati ng
kasambahay.
"Morning," tinatamad na bati ni Janine.
Naka-uniporme na rin ang lalaki at kape lang
at chicken sandwich ang kinain.
"Sa akin ka na sumabay," mungkahi nito
habang iniinom ang kape at nakatingin sa
cellphone.
" Huwag na. Nandiyan naman si Mang
Tikoy," napatigil sa pagkakape si James at
napatingin sa asawa habang nakasakubong
ang mga kilay.
"Hindi ka naman matanda para makalimutan
na nasa probinsya sila at namatay ang nanay
niya, noh?" Nanlaki ang mga nata niya.
"Oo nga pala noh? Nakalimutan ko. Ano ba
yan," sabi niya nang maalala.
"Tsss... Kung anu-ano kasi ang iniisip mo,"
habang inuubos ni James ang sandwich nito.
"Ikaw. Ikaw lang naman ang iniisip ko, e."
Mabilis na sagot ni Janine. Ito naman kasi
ang rason kung bakit hindi siya nakatulog
kagabi.
"What? Ako ang iniisip mo? Gano'n na ba
ako ka gwapo?" todo ngiti na sabi nito.
"Masyado pang maaga para maging makapal
ang pagmumukha mo, Mr.Alcarde." Sabi
niya. Naiinis siya dahil narinig pala nito ang
sinabi niya.
"Really, Mrs.Alcarde? At masyado namang
maaga para makipagtalo sa asawa. Hintayin
kita sa garahe. Pakibilisan naman dahil male-
late na ako," tumayo na si James at lumabas
sa mansion.
Dali-dali na ring inubos ni Janine ang
kinakaing sinangag at tocino.
Habang nasa biyahe, tahimik lang sila.
Nahihiya naman kasi siyang magsalita baka
kung ano na naman ang masabi niya.
Biglang tumigil ang kotse nito.
"Baba na." utos nito na para bang alalay
lang siya.
"Ha? Hindi pa naman 'to school, a. Isang
kanto pa," reklamo niya. Napapansin niyang
may pagkabipolar ang napangasawa niya.
"Ano ang gusto mo? Pagpistahan ako dahil
magkasama tayo?" pang-uuyam nito habang
tinatanggal ang seatbelt niya.
"Oo na. Oo na. Makautos ka sa 'kin, parang
'di kita asawa, a." sumbat niya at padabog
na bumaba.
"Nakakainis! Sana nagtaxi na lang ako para
hindi na ako maglalakad pa," sinasabi niya
habang naglalakad. Napangiti siya sa naisip.
"Nakz! Taxi, taxi e dati, 'di ko naman afford
kahit mag jeep." Lalo siyang napangiti sa
iniisip.
"Masyado pang maaga para maging luka-
luka ka d'yan sa kalsada. Sakay na,"
natatawang wika ni Marky. Pinabagalan nito
ang patakbo ng kotse para masabayan ang
paglalakad ni Janine.
Dahil sa hindi pa siya sanay sa sapatos at
sumasakit na rin ang paa niya ay 'di na siya
nagpapilit pa. Agad na siyang sumakay sa
kotse nito.
"Ba't ka ba naglalakad?" tanong nito nang
paandarin na ang kotse.
"Trip ko lang. Exercise sa umaga!" Masayang
sagot ni Janine. Lalong gumwapo ito sa
paningin niya.
"Ma try ko ngang gawin din 'yang exercise
sa umaga."
Nakarating sila sa parking lot at saktong
katabi pa ng sasakyan nito ang sasakyan ni
James na naka parking.

Seducing Her Heartthrob HusbandWhere stories live. Discover now