Part 41: Ang Daan Pabalik

197 15 0
                                    

Part 41: Ang Daan Pabalik

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Part 41: Ang Daan Pabalik

"Ang iyong pisikal na katawan ay pinamamahayan na ng iba. Ngunit huwag kang mag alala, kaya nga ko nandito ay upang tulungan ka," ang tugon niya.

Tumingin ako sa kanya at nagbitiw ng nakakalitong tingin, "kilala ba kita? Sino ka ba talaga, Surya?" tanong ko habang nakatingin sa kanyang tuwid.

ENCHONG POV

"Bakit ganyan naman ang tanong mo sa akin? Parang kinabahan naman ako doon," tanong ni Surya na parang natatawa.

"Seryoso ako, sino ka ba? Magkakilala ba tayo? Bakit mo ako niligtas? Saka paano mo ko niligtas? Saka ano bang ginagawa mo dito?" sunod sunod kong tanong.

"Katulad ng sinabi ko sa iyo ay magkaibigan tayo dati pa at nangako ako na magkikita ulit tayo kaya heto noong maramdaman kita ay pinuntahan kita doon sa pinakamadalim na parte ng demensyon," ang tugon niya sa akin.

"Magkaibigan tayo dati pa? Seryoso? At bakit nangako ka sa akin ng ganoon? Parang ngayon pa lamang tayo nagkita ah," ang tanong ko ulit na may halong pagkalito.

"Marami kang tanong pero balang araw ay mauunawaan mo rin ang sinasabi ko. Pero seryoso ako sa sinabi kong magkaibigan tayo at mayroon tayong pinagsamahan," ang nakangiti niya salita.

Si Surya ay parang kasi edad ko lang, halos kasing tangkad at kasing puti. Kakaiba lang ang kulay ng kanyang mata dahil kulay abo ang kanan at asul naman ang kaliwa. Sa unang tingin ay masasabi mong katiwa tiwala siya dahil sa amo ng kanyang mukha at sa kanyang banayad na awra.

"Alam mo ba kung ano nangyari sa akin? Bakit wala akong matandaan?" ang pagkalito ko.

"Kinuha ng isang nilalang ang iyong katawan para sa kanyang pansariling hangarin. At ngayon ay ginagamit niya ito. Iyon ang dahilan kung bakit wala ang pisi ng koneksyon sa iyong pisikal na katawan sa iyong diwa ngayon. Wala na rin ang ala-ala at wala na rin ang kahit na ano maliban sa iyong sarili."

"Kung ganoon ay ganito na lamang ako? Isa ligaw na diwa o kaluluwang walang direksyon? Paano ang pamilya ko? Ang mga kaibigan ko? Paano sila?" tanong ko sa kanya, gulong gulo ang aking isipan noong mga sandaling iyon.

"Siyempre ay hindi naman tayo papayag na ganito ka na lang diba? Gagawa tayo ng paraan para maibalik ang iyong diwa sa iyong katawan ngunit maghihintay tayo ng tamang pagkakataon. Tamang timing lang, iyon ang pinakamahalaga sa lahat," ang wika niya, mahinahon at walang pangamba.

Tahimik.

Pareho kaming nakatingin sa kalayuan, hinahangin ang buhok at ninamnam ang malamig na hangin mula sa ilog.

"Yung kumuha ng aking katawan, kilala mo ba siya? Ano ang koneksyon niya sa akin?"

"Kilala ko siya dahil isa siyang kaibigan. Ang ibig kong sabihin ay "dating" kaibigan. At batid kong kilala mo rin ito, marahil ay maalala mo rin ng lahat kapag nakabalik ka na sa iyong katawan," ang tugon niya sa akin.

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 4: Ruins of God ARCWhere stories live. Discover now