Part 4: Milenna

126 11 2
                                    

Part 4: Milenna

THIRD PERSON POV

MILENNA LAND

Isa sa pinaka pangunahing layunin ng Floral Land sa pamumuno ng hari na si Niko ay ang magparami ng kanilang mga lahi. Kaya naman matapos ang huling digmaang ay nagpasya ang hari na gumawa ng extensyon ng kaharian sa southern part ng Floral Land, malapit ito sa Dark Gate na pinamumunuan ni Haring Rafalgia.

Para kay Niko, mahalagang paghandaan ang kinabukasan ng kanyang mga kalahi lalo't maraming mga bata ang kasisilang pa lamang. Nais niyang magandang paligid at maayos na kaharian ang unang masilayan ng mga ito. Iniwan ni Niko si Oven sa kanyang palasyo upang gawin ang tungkulin niya habang siya ay abala sa pagpapatayo ng bagong kaharian. Panatag naman ang hari na magagampanan ng kanyang asawa ang tungkulin nito bilang isang pinuno.

"Mukhang abalang abala ka sa pagpapalawak ng iyong kaharian, haring Niko," ang bati ni Rafalgia noong bumisita ito sa bayan ng Milenna, malapit lang dito ang kanyang lupain ng Dark Keeper gate.

"Ikaw pala Haring Rafalgia, salamat sa pagdalaw, mayroong masarap na inumin doon, halika at samahan mo ako," ang nakangiting wika ni Niko. Inanyayahan niya ang hari ng Dark Gate uminom habang pinapanood ang proseso ng pag gawa at paghuhukay sa paligid.

"Salamat, nagdala ako ng mga prutas at masasarap na alak para sa iyong mga trabahador. Mukhang malawak ang kahariang nais mo," ang wika ni Rafalgia.

"Oo, para ito sa bagong henerasyon ng mga Floral fairies. Noong huling digmaan ay napagtanto ko na marami pa pala akong mga bagay na nais gawin para sa aking mga kalahi. Kaya't noong magtagumpay tayo sa paglaban sa kasamaan ay naisipan kong tuparin ang aking pangarap na makagawa ng extension ng aking kaharian. Ang napili ko ay itong lupain ng Milenna. Ito ay malapit sa mga Diyos," ang wika ni Niko.

"Maganda at makasaysayan ang lupain na ito ng Milenna, sayang nga lang naibaon na ito sa limot ng lupain ng Kailun," ang sagot ni Rafalgia sabay inom ng alak.

"Ang lupaing ito ng Milenna ay dating tirahan ng isang makapangyarihang nilalang. Isang Diyos na mas nauna pa kina Kasiya, Elsen, Viento at Emrys. Ang nilalang na nagsimula ng lahat kaya't magandang dito itayo ang aking kaharian, sa tingin ko ay babasbasan ito ng Diyos na iyon," ang wika ni Niko habang nakangiti, itinaas niya ang bote at dito ay muli silang uminom ni Rafalgia.

Ang Lupain ng Milenna ay isang malawak na kapatagang may mga debris o labi ng mga altar na bato na may pormang mga simbolong halos hindi na maisalarawan sa kasalukuyang panahon. Sa sobrang katagalan ay halos wala ng kasulatan tungkol sa kasaysayan nito. Basta ang tanging patunay lang na minsan ay may sibilasasyong nabuo dito ay ang mga simbolong nakaukit sa lupa na siyang namang nais pangalagaan ni Niko dahil ito daw ay ala-ala ng nakalipas na libong taon.

"Ikaw Rafalgia, wala ka bang balak dugtungan ang iyong palasyo?" tanong ni Niko.

"Sa ngayon ay mas nakatuon ako sa mga tao at mga mortal na inaalagaan ko doon sa Dark Keeper Gate. Sila ang aking inspirasyon para gumawa ng mabuti sa araw araw. Kapag dumami ang kanilang populasyon saka ako magtatayo ng panibagong kaharian para sa kanila. Alam mo Niko, matagal na panahon ring kinatakutan ng mga tao ang Dark Gate dahil sa maling pamumuno nina Rascal, Kier at iba pa. Nito lamang naging maganda ang tingin ng mga tao sa lupaing iyon kaya't doon na rin sila nanirahan. Ibinibigay ko mga sakahan sa kanila na maaari nilang pagkakitaan," ang paliwanag ni Rafalgia.

"Ngayon lamang nakamit ng Kailun ang tunay na balanse, sa tingin ko ay ito na rin ang simula ng kaunlaran," ang wika ni Niko habang nakangiti.

Patuloy sa pag inom ang dalawa habang pinagmamasdan ang mga tauhang nagbubungkal sa paligid. Habang nasa ganoong posisyon sila ay nagkagulo ang ilang manggagawa sa hindi kalayuan. "Mahal na hari, may nahukay kaming kakaibang bagay!" ang wika ng mga ito.

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 4: Ruins of God ARCWhere stories live. Discover now