Part 9: Huwad na Ehemplo

105 10 0
                                    

Part 9: Huwad na Ehemplo

THIRD PERSON POV

BLOOD SUCKER KINGDOM

Matapos umalis sina Rouen sa Blood Sucker Kingdom at magtungo sa mortal word ay naiwan sina Heneral Liad at ang ilang mga kawal sa palasyo at naging bihag. Muling ginamit ng High Priest ang pisi upang itali silang lahat at ikulong sa selda ng palasyo. Walang takas ang mga ito at ngayon ay naging bihag na lamang sila ng Salvator.

Noong mga oras na iyon, ang Blood Sucker kingdom ay pansamantalang napasailalim ng mga Salvator. Naging madali para sa kanilang gawin ito dahil wala ang kanilang hari. Ang ibang mga kawal na blood sucker ay ginamitan na lamang ng mga hipnotismo ng Higher Priest upang pumanig sa kanila at mas maging malakas ang kanilang hukbo. Isang babaylan sina Herard at Victor, sadyang napakadali para sa kanila mag manipula ng kaisipan ng isang nilalang lalo na yung may mahinang depensa.

Parang naging instant invasion ang naganap, ang kaharian ngayon ay sinakop ng Salvator at si Herard ang pansalamatalang naupo sa trono ni Rael.

Samantala, matapos ang kaguluhan ay nagtataka si Herard kung saan nagpunta ang mga tumakas na alay. Kaya naman inutusan niya si Victor na paaminin ang heneral ng mga blood sucker na Liad.

"Maganda rin pala ang palasyo at kaharian ng mga blood sucker," ang wika ni Victor habang nakatingin sa malaking kwadro ng larawan nila Rael at Enchong. Namangha siya dahil parehong gwapo at perpekto ang mukha ng dalawa. "Kung gayon ay ito pala ang hari ng mga blood sucker at ito ang kanyang asawa, ang healer na nagkulong sa kapangyarihan ng kadiliman sa kanyang katawan," ang wika nito sa kanyang isipan.

"Victor, tila yata kanina ka pa nakatitig sa larawan ng dalawang iyan," ang wika ni Herard sa kanyang kanang kamay.

"Sadyang naaliw lamang akong pagmasdan ang perpektong pinuno ng kahariang ito. Tama nga sila, mga magagandang lalaki ang mga blood sucker, wala kang itatapon sa kanilang lahat," ang wika nito.

"Nagkaroon ka pa yata ng pagnanasa sa kanila. Ang tawag ng pangangailangan ng katawan ay hindi naman masama, ito ay natural lamang sa ating lalang lamang niya," ang sagot ni Herard.

"Huwag mo akong tuksuhin, pinuno, alam mo naman na mahina ako sa tawag ng tukso," ang sagot ni Victor habang nakangiti.

"Bago ka tumugon sa tawag ng tukso, paaminin mo muna ang heneral, kailangan nating malaman kung saan tumakas ang mga alay," ang utos ni Herard.

"Mukhang nagkamali tayo, ang lalaking iyan sa larawan ang ating pakay sabay turo sa karawan ni Enchong at hindi ang lalaking loro kanina na gumagamit ng kakaibang salamangkang pangpasabog," ang sagot ni Victor.

"Ngunit sila pa rin ang magtuturo sa atin kung saan ating pakay. Kailangan nating mapatay ang lalaking iyon dahil sa kanyang magmumula ang muling kadiliman," ang wika ni Herard.

"Tayong dalawa lamang dito, anong klaseng kadiliman ang iyong sinasabi?" tanong ni Victor na may halong pagtataka.

"Babangon ang orihinal na hari ng kadiliman, sina Xandre at Elsen ay mga puppet lamang, mayroon pang mas malakas na babangon mula sa kailaliman ng matibay na sumpa," ang tugon ni Herard.

"Sino ang isang ito?"

"Hindi ko alam, Victor. Nakita ko lamang ang isang madilim na hinaharap, lahat ay hihinto at muli sisibol ang sinaunang kasamaan sa mundo. Ang unang sibilisasyon babangon muli kung saan siya ay naghari. Ito lamang ang nakita ko at ang bawat isang senaryo ay sadyang nakakapangilabot," ang paliwanag ni Herard.

"Kaya't kailangan nating mapatay ang lalaking ito sa lalo't madaling panahon," ang sagot ni Victor habang nakatingin sa larawan ni Enchong.

"Tama ka doon, tayo lamang ang makakahadlang sa kasamaan," ang sagot ng high priest.

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 4: Ruins of God ARCWhere stories live. Discover now