Part 35: Pagbibikis

151 13 1
                                    

Part 35: Pagbibigkis

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Part 35: Pagbibigkis

THIRD PERSON POV

Halos mabura ang buong paligid sa lakas ng enerhiyang pinakawalan ni Ybes. Hindi niya layuning saktan si Enchong, nais lamang niya itong paralisahin upang maisagawa ang ikalawang bahagi ng plano kung saan papasok ang paggapos sa kanyang katawan.

Binalot ng matitinding pagyanig at pag angat ng lupa ang buong paligid ng templo, matapos igawad ni Ybes ang blood exposion ay tumilapon ang katawan nila ni Enchong sa magkaibang direksyon. Sumadsad ang kanyang katawan sa lupa at panandaliang binalot ng malakas na liwanag ang buong paligid.

Ilang minuto ring zero visibility ang buong kapaligiran hanggang sa unti unti humupa ang liwanag at dito laking gulat nila noong makitang nananatili pa ring nakatayo si Enchong sa ere. Nawasak lang ang kalasag nito ngunit walang pisikal na pinsala sa balat, ni gasgas ay wala.

Gulat na gulat sila dahil sa lakas ng atakeng iyon ay tila walang epekto sa kalaban. "Magaling ang iyong pag-atake. Ngunit kulang pa ang lakas nito," ang wika ni Enchong sabay kumpas ng kanyang kamay at dito ay mabilis umangat ang katawan ni Ybes sa ere.

Pulang manlikmot pa rin ang kanyang anyo noong mga sandaling iyon. Ngunit sa isang kumpas pa ng kamay ng kalaban ay unti unti siyang bumalik sa kanyang normal na katawan. Ang anyong manlikmot niya parang buhanging sumabog sa ere.

"Gusto kitang maging heneral, papayag ka ba?" tanong ni Enchong kay Ybes.

"Ench, gumising ka na! Hinihintay ka na ng anak mo! Please!" ang sagot ni Ybes.

"Tumigil kaaa! Ang tanong ko ang sagutin mo!" ang singhal ni Enchong.

"Hindi kailanman! Iyan ang sagot ko, HAKAL na isang HANGAL!" ang singhal din ni Ybes.

"Bueno, yaman din lamang na tumanggi ka sa aking iniaalok sa iyo, siguro dapat ay tapusin ko na ang buhay mo! Walang silbing nilalang!" ang sigaw ni Enchong, nagliwanag ang kanyang kamay at dito ay unti unting piniga ang katawan ni Ybes dahil para mapasigaw ito.

Dito na kumilos si Seth, syempre ay hindi papayag ang hari ng mga Manlikmot na saktan ang kanyang kabiyak. Nagliwanag ang katawan ni Seth at nagpakawala ito ng isang malakas na energy ball dahilan para mapahinto si Enchong sa kanyang ginagawang pag torture kay Ybes! Sumibat ang malakas na bola ng enerhiya sa kinalalagyan nito kaya naman walang ibang pamimilian ang kalabang si Enchong kundi ang saluhin ito gamit ang kanyang kamay. Dahilan para mawala ang pagkakagapos kay Ybes at makawala ito sa kanyang kinalalagyan!

"Huwag na huwag mong sasaktan si Ybes!" ang sigaw ni Seth na may halong galit, matindi ang pinakawalan nitong pwersa. Sunod sunod na pag atake ang ginawa niya. Nagliliparan ito sa ere hanggang sa sumabog ng sumabog!

"Ahhh, kaya naman pala!" ang wika ni Enchong noong maramdaman na may espesyal na relasyon ang dalawang manlikmot. Gayon pa man ay pinagsasalo niya ang mga enerhiyang pinakawalan ni Seth gamit ang kanyang kamay!

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 4: Ruins of God ARCWhere stories live. Discover now