Part 17: Tungkulin at Kapanalig

101 8 0
                                    

Part 17: Tungkulin at Kapanalig

YBES POV

CENDRIL FOREST

"Maligayang pagdating sa aking kaharian, nagpahanda ako ng kaunting salo salo para sa ating lahat," ang wika ni Seth habang nakaupo sa kanyang trono. Batid kong masaya siyang makita ang aming dating mga kapanalig.

"Salamat mahal na hari, nag abala ka pa. Hindi naman kami ganoon kaimportanteng bisita," ang wika ni Boss Lu.

"Lahat kayo ay importante at talagang pinapahalagahan ko. Kung wala kayong aming mga kapanalig ay baka marami sa aming mga lahi ang napinsala noong nakaraang digmaan. Kahit ilang buwan na ang nakalilipas ay naalala ko pa rin ito at kung minsan ay dinadalaw ako sa aking panaginip," ang sagot ni Seth.

"Halos lahat naman tayo ay ganyan ang karanasan, maging ako o ang iba pa nating kapanalig ay sumailalim rin sa matinding trauma," ang sagot ni Boss Lu.

"Ang hindi lang talaga nakakatrauma ay yung kagwapuhan mo mahal na hari, grabe mas lalo ka pang naging gwapo ngayong nagmature ka ng kaunti," ang hirit naman ni Santi.

Natawa ako, "Iyan ang namiss namin sa iyo Santi, gusto mo bang magbakasyon dito? Dumito ka muna ng mga ilang buwan," ang alok ko naman.

"Hmmmp, pag iisipan ko kung gusto ko ng jowang Manlikmot no, baka naman idoggy lang nila ako ng idoggy!" ang hirit ni Santi.

Tawanan kami..

Makalipas ang ilang sandaling kwentuhan ay nagsimula ang aming pagsasalo salo, dito ay napag usapan namin ang future ng Cendril Forest at ang plano naming buksan ito sa ibang lupain upang makipagkalakalan ng produkto. Lalo ngayon ay marami mga tribung manlikmot ang bihasa sa paghahabi at sa paggawa ng mga sandata.Tiyak na mapapakinabangan ng kaharian ang kanilang mga talento.

Patuloy pa rin kami sa pagkain, si Boss Lu naman ay ibinahagi sa amin ang pagbangon ng Hell society na noon ay sinira ni Xandre, natutuwa kaming marinig na maayos na ito at kahit paano ay nakakabawi na mula sa malalang pagkawasak.

"Pero siyempre alam namin na mayroon talaga kayong sadya kayo naparito? Tama ba?" ang tanong ko habang umiinom ng alak.

"True, actually kanina ko pa nga gustong isingit kayo ayoko naman iruin at ibahin ang masayang mood natin," ang wika ni Santi.

Natawa ako, "Gusto naming malaman, ano ba iyon?" tanong ko ulit.

"Ah e, hindi naman masyadong bongga, ito ay tungkol kay Enchong sa asawa ni Haring Rael," ang intro ni Santi na halatang bumubuwelo.

"Ano ang mayroon kay Ench at sa kanyang asawa? Naghiwalay ba sila?" tanong ni Seth.

"Hindi, mag recap muna tayo sa past okay. Diba alam naman natin na ikunulong ni Enchong ang power of darkness sa kanyang katawan noong huling digmaan? So okay naman lahat hanggang dumating na lumalakas ang power of darkness na naka sealed inside him, ang ending ay hindi niya macontrol ito," ang intro ni Santi.

"At dahil lumalakas ang itim na kapangyarihan sa kanyang katawan ay natatalo nito ang kapangyarihan ni Enchong at kinakain siya nito ng paunti unti. Sa makatuwid ay nagwoworry kami na baka dumating ang oras na tuluyang siya kain ng negatibong enerhiya sa kanyang katawan," ang dagdag ni Boss Lu.

Natahimik kami, "Noong una pa lang ay alam kong delikado ang ginawa ni Enchong na ikulong ng enerhiya ni Elsen sa kanyang katawan. Alam naman natin na lumalakas ang enerhiya kapag ito ay naisstock at hindi ginagamit," ang sagot ni Seth.

"Kaya nga kami nagtungo dito, baka may alam kayong teknik at paraan upang ialis kay Enchong ang enerhiya na iyon? Nag aalala na kami sa kanya lalo't hindi niya deserve na magsuffer para sa buong sanlibutan," ang wika ni Santi.

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 4: Ruins of God ARCWhere stories live. Discover now