Part 14: Ang Pagluhod ni Herard

136 9 0
                                    

Part 14: Ang Pagluhod ni Herard

THIRD PERSON POV

Noong gabing nawala sa sarili si Enchong dahil sa paghawak niya sa lumang kalatas ng kasaysayan nina Hakal at Surya ay sumiklab ang malakas na enerhiya ng kadiliman sa kanyang katawan. Ang pangyayaring ito ay hindi nakaligtas kay Herard, naramdaman niya ang lakas ng kapangyarihang ng kadiliman noong mga sandaling iyon habang ibala ito sa pagpupulong para sa pagtungo nila sa mundo ng mga mortal.

Napahinto siya sa pagsasalita at nanakit ng husto ang kanyang ulo. Dito na flash sa kanyang vision ang mukha ni Enchong na blangko, nagliliwanag ang mata at lumulutang sa ere. Lalo siyang kinilabutan dahil ang kasamaan ay tiyak na babangon na, ito ang siguradong magaganap.

"Pinuno, ayos lang po ba kayo?" tanong ng kanyang mga alalay noong sumakit bigla ang kanyang ulo at manghina. Inalalayan siyang maupo sa kanyang trono habang nawawala sa balanse.

"Anong nangyari? Pinuno?" ang nag aalalang tanong naman ni Victor. Pati ang kanilang mga taga sunod ay nangamba rin.

Patuloy sa panghihina si Herard at makalipas ang ilang sandali ay inayos niya ang kanyang sarili at saka pinilit na tumayo. "Pasensiya ngunit nagkaroon ako ng isang masamang pangitain. Ayokong takutin kayo at lalong ayokong sirain ang ating magandang gabi ngunit nakita kong unti unti na nabubuhay ang kasamaan. Ngayon ay nararamdaman ko na ang kanyang kapangyarihan at palakas ito ng palakas. Mga kaibigan, kapatid at kapanalig kailangan nating kumilos sa lalo't madaling panahon upang pigilan ang pagbangon ng kasamaan!" ang wika ni Herard.

Sa kabila ng kanyang mga sinabing may halong matinding pangamba ay hindi naman natinag ang kanyang mga tagasunod, "Pinunong Herard, kami ay hindi natatakot at hindi kami nasisindak! Dahil nandito sa aming mga puso ang basbas ng Diyos ng liwanag! At malaki ang pananalig at pagtitiwala namin sa iyo! Alam naming mapagtatagumpayan natin ang pagsubok na ito! Mabuhay ang Diyos ng liwanag! Mabuhay ang kataas taasang pinunong Herard!" ang pang eenganyo naman ni Victor.

Nagpalakpakan ang mga tao at lahat sila ay nabuhayan ng loob. Sumiklab ang pananalig at liwanag nagpag asa kanilang mga puso kaya't sa halip na matakot at mangamba ay nagpugay sila, nagsaya at ipinagpatuloy ang kanilang pagdiriwang.

Halos malalim na ang gabi noong matapos ang pagpupulong, inihatid ni Victor si Herard sa kanyang silid, "ang akala ko ay matatakot ang mga tagasunod sa aking mga sasabihin, mabuti na lang at pinagaan mo ang kanilang loob," ang wika nito kay Victor.

"Wala iyon pinuno, tungkulin kong buhayin at palakasin ang kanilang pananampalatay sa kataas taasang ama at pati na rin sa iyo. Ginawa ko lamang ang dapat kong gawin," ang tugon naman ni Victor.

"Ang aking sinambit kanina ay pawang katotohanan, lumalakas ang kapangyarihan ng kadiliman na nasa katawan ng healer na iyon. Kailangan natin siyang pigilan sa kahit na anong paraan," ang wika ni Herard.

"Kung tama rin ang sinasabi mong palakas ng palakas ang kapangyarihan ng healer na iyon ay paano natin siya mapipigilan? Kung lalakas siya ng lalakas ay tila napaka imposible nang magapi siya," ang pangamba ni Victor.

"May isa pang paraan para siya ay mapigilan. Kailangan siyang ikulong sa sagradong selda ng Diyos ng Liwanag. Ito ay isang malakas at matibay na kulungan na hindi kayang sirain ninuman. Ito ay tinatawag na "Belial Alaikum" isang napakataas na uri ng seldang estatwa na ginagamit upang parusahan ang masamang nilalang nagtataglay ng matinding kapangyarihan ng dilim. Tutulungan tayo ng Diyos ng Liwanag upang matalo siya. Sa ngayon ay kailangan ko na magphinga dahil nanghihina pa rin ang aking katawan," ang wika ni Herard at ito ay nilalayan siya ni Victor na maupo sa kama.

"Magpahinga kang mabuti mahal na pinuno, ang tagumpay natin ay nalalapit na," ang tugon niya sabay labas sa silid.

Lumakad si Victor patungo sa kaniyang silid at pagpasok niya dito ay tumambad sa kanyang harapan si Heneral Liad na nakaupo sa sofa nakabukaka na parang hari habang walang saplot. Tirik n tirik ang alaga nito, parang bakal sa tigas. "Nandito ka pala heneral," ang wika nito.

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 4: Ruins of God ARCWhere stories live. Discover now