Part 1: New Arc

468 26 0
                                    

Ai Tenshi

MGXMBS BOOK 4: RUINS OF GOD ARC

ENCHONG POV

"Malapit na tayong magkita, malapit mo na ring makilala," ang wika ng isang malaking imahe ng tao sa aking harapan. Para lamang itong malaking anino ngunit ang mata ay nagliliwanag na nagbibigay ng ibayong takot sa aking dibdib.

"Sino ka ba? Bakit parati mo akong dinadalaw sa aking panaginip?" tanong ko sa kanya dahilan para matawa siya. "Makilala mo rin ako sa tamang panahon Enchong. At kapag dumating iyon, ang tunay na digmaan ay magsisimula pa lang," ang sagot niya sa akin.

Lalo lamang akong naguluhan, "Walang nakakatawa sa aking sinabi! Tigilan mo na ako! Patay na si Xandre at ang huling digmaan na dulot niya ay tapos na!" ang sagot ko sa kanyang mga sinabi.

"Paano nasabing tapos na? Kung gayong nagsisimula pa lamang ito, anak," ang sagot niya.

"Tama na! Tahimik na ang lahat! Kung sino ka man na nanggugulo sa akin ay wala ka ring mapapala! Umalis ka dito!" ang sigaw ko at dito ay nagliwanag ang aking kamay at sumabog ito sa madilim na paligid.

Natawa lang ang imahe, "isang gintong enerhiya, napaka sagrado, napakadalisay, bibihira na lamang ang nagtataglay ng ganyang lakas," ang sagot niya.

"Oo! At ito rin ang gagawin ko upang patahimikin ka! Kung sino ka man na walang sawang nagpapakita sa akin, layuan mo ako!!" ang sigaw ko at mas lumakas pa ang liwanag sa aking katawan dahilan para maitulak nito ang maitim na imahe.

"Paano mo ako palalayuin kung gayong parte ako ng iyong pagkatao?" ang wika niya at dito ay kumilos ang kanyang kamay at ang enerhiya sa aking katawan ay kanyang hinigop, tumaas ang aking paa sa ere at saka nakaramdam na ako ng ibayong sakit.

Parang hinihigop ang aking kaluluwa, ang aking mga buto at kalamnan ay parang nalulusaw! Nagsisigaw ako ng malakas! Hanggang bumalikwas ako ng bangon sa aking higaan.

Part 1: NEW ARC

"Ahhhhh!" ang malakas kong sigaw sabay bangon sa higaan. Pati si Rael ay nagulat sa akin kaya bumalikwas rin siya. Parehong nakahubad ang aming katawan at kagagaling lang namin sa matinding pagniniig kagabi.

Hingal na hingal ako at pawis na pawis bagamat malamig ang aming silid. Ramdam na ramdam ko ang panghihina ng aking katawan, malakas rin ang kalabog ng aking dibdib na para bang galing ako sa isang matagal na pagtakbo.

"Hon, ayos ka lang ba? Napapadalas yata ang pananaginip mo?" tanong sa akin ni Rael.

"Okay lang ako, siguro ay dala lang ito ng trauma," ang sagot ko naman at dito niyakap niya ako, ikinulong niya ako sa kanyang bilugang braso.

"Kahit ako rin naman ay natrauma sa huling digmaang iyon, pero mas natakot ako noong mawala ka sa akin. May mga gabing hindi rin ako nakakatulog ng maayos dahil nagbabalik ang sakit ng pagkamatay mo. Ang akala ko ay katapusan na ng lahat. Ang akala ko ay katapusan na ng kaligayahan ko," ang wika ni Rael sabay halik sa aking labi.

Yumakap ako sa kanya ay sumubsob sa kanyang matipunong dibdib, "magiging maayos rin ang lahat, sorry kung nag-woworry ka sa akin," ang bulong ko namam.

Mabilis lumipas ang panahon, halos mag iisang taon na rin noong matapos ang huling digmaan kung saan ginamit ni Xandre ang tarangkahan ng langit para gawing himlayan ng kanyang mga alagad. At halos matagal tagal na rin magbuhat noong makalaban namin si Xandre, isang nakakatraumang labanan na naging sanhi ng aking pansamantalang pagkawala. Mabuti na lamang at nakabalik ako sa tulong ng natitirang kapangyarihan ni Kasiya.

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 4: Ruins of God ARCWhere stories live. Discover now