Part 23: Magandang Araw

84 5 0
                                    

Part 23: Magandang Araw

ENCHONG POV

"Kumusta ang tulog mo?" ang nakangiting tanong ni Rael noong magising ako sa kanyang tabi.

Ngumiti rin ako, umunan ako sa kanyang braso at yumakap sa kanyang hubad na katawan. "Maayos naman, mahimbing at payapa naman ang tulog ko," ang malambing kong tugon sa kanya.

"Kung ganoon ay epektib pala yung pagkantot ko sayo ng sobrang patuwad kagabi dahil nahihimbing ka ng tulog," ang piling sagot nito dahilan para matawa ako, "Sira ka talaga, yakapin mo ako ng mahigpit," ang tugon ko.

"Oh bigla ka naman yata naglambing ngayon?" tanong naman niya sa akin.

"Wala lang, gusto ko lang na parati kang nakayakap sa akin. Ito mga braso at bisig mo ang pinakaligtas na lugar dito sa mundo kaya gustong gusto ko dito," ang dagdag ko sabay halik sa kanyang labi at saka ako muling pumikit at ikinalma ang aking isipan.

Sa mga nakalipas na araw ay naging mapayapa naman ang aking pagkatao, hindi na ako dinadalaw ng masamang pangitain at panaginip. Pinilit kong ibalik sa normal ang aking buhay at natutunan ko na rin na iwaksi ang mga negatibong bagay na gumugulo sa aking pagkatao. Magiging maayos rin ang lahat, ang mga takot at pangamba sa aking dibdib ay maglalaho rin na parang bula sa tamang oras.

Alas 10 ng umaga noong bumangon kami ni Rael, tamang tama at nagluto si mama ng breakfast kaya naman doon na lamang kumain sa balkunahe dahil maganda at maaliwalas ang sikat ng araw. "Tulog pa ba si Rouen?" tanong sa akin ni Rael.

"Si Rouen na binata ay tulog pa dahil maraming ginagawa iyon. Si Rouen naman na baby ay kasama nina mama at papa doon sa fieldtrip kakaalis lang nila one hour ago," paliwanag ko naman.

"Ayos tayong dalawa lang dito sa bahay. Tara sa kusina doon kita bibirahin sa ibabaw ng mesa," ang nakangising hirit ni Rael.

"Sira ka talaga, kung ano anong sinasabi mo e," ang tugon ko at habang nasa ganoong posisyon kami ay may bumukas na portal sa itaas namin at dito ay nahulog mula sa itaas.

Gulat na gulat kami ni Rael noong makitang iniluwa o literal na parang idinura ng portal ang isang taong nakabalot ng maraming maraming bundahe sa katawan na animo mummy sa Egypt. Lumagapak ito sa lupa at nagpagulong gulong doon.

Laking pagtataka namin ni Rael, "Eh ano ba iyan? Mummy return ba iyan?" tanong ni Rael na may halong pagkalito.

Agad ko naman itong nilapitan at dito ay nakita ko ang isang pamilyar na mukha, "Best friend ako ito," ang bulong nito.

"Oven? Bakit ganyan ang itsura mo? Mummy return yarn?" ang tanong ko sa kanya, hindi ko alam kung matatawa ba ko maaawa.

"Magtataka ka pa ba e baliw yang kaibigan mong iyan," ang wika ni Rael.

Agad kong inalalayan si Oven pero hinang hina ito, "Ano bang nangyari sa iyo? Kaya mo bang lumakad? Akala ko nasa training ka? Bakit para nabagsakan ka kometa at nasabugan ng malakas ng bola ng enerhiya?" tanong ko sa kanya.

"Tapos na yung training namin, hayop na Lucifer na iyan, akala niya maiisahan niya ako," ang nauutal na wika nito habang inaalalayan ko papasok sa bahay.

"Umupo ka dito sa sofa at papagalingin ko yang mga pilay at bali ng katawan mo. Bakit sinapit mo iyan?" tanong ko naman sa kanya.

"Pwede saka na ako mag fflash back? Gusto ko na matulog," ang wika nito at maya maya biglang pumikit saka naghilik.

"Agad agad?" tanong ko naman sabay tapik sa kanyang pisngi pero tulog na nga ito. "Kawawa naman si Oven, literal na idunura siya ng portal," ang bulong ko.

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 4: Ruins of God ARCWhere stories live. Discover now