Part 28: Awakening

70 8 0
                                    

Part 28: Awakening

Ups! Tento obrázek porušuje naše pokyny k obsahu. Před publikováním ho, prosím, buď odstraň, nebo nahraď jiným.

Part 28: Awakening

THIRD PERSON POV

Dahil sa pagpigil ni Rael sa ginawang pag atake ng asawang kinain ng kapangyarihan ng kadiliman ay nagalit ito at siya mismo ang inatake. Nagliliparan ang mga patalim at malalaking haligi sa paligid habang si Rael ay walang nagawa kundi ang umiwas at sanggahin ang mga ito. Ni hindi niya magawang mag counter attack dahil hindi niya kayang saktan ang pinakamamahal na kabiyak. Alam niyang wala na ito sa kanyang sarili at tuluyan ng nilukuban ng kapangyarihang itim.

"Tama na Ench, huwag mo akong piliting saktan ka," ang sigaw ni Rael habang abala sa pag iwas at pagsangga sa atake nito.

Habang nasa ganoong pagsugod si Enchong ay isang espesyal na rubber band ang pumalupot sa kanyang katawan para pigilan siya, kinuryente nito ang katawan ni Enchong dahilan para mapahinto siya, ito ay galing sa teknolohiyang sandatang hawak ni Rouen. "Sorry papa, pero tama na. Nasisira na ang buong kaharian," ang sigaw nito.

Natigilan si Enchong at saka napatingin sa prinsipe na noon ay pilit siyang pinipigilan, kinukuryente ang kanyang katawan pero bale wala ito. Hinawakan niya ang tali at hinila palapit sa kanyang harapan, kasamang nilipad ng tali si Rouen dahil hawak niya ang device nito at isang malakas na suntok sa mukhang pinakawalan ni Enchong natumama sa mukhang anak dahilan para tumilapon ito.

Naputol ang tali sa kanyang katawan at habang nasa ganoong posisyon siya may sumabog na bola ng enerhiya sa kanyang likuran dahilan para mawala siya sa balanse. Pagharap niya rito ay nakita niya si Oven na nagliliwanag ang kamay. "Sorry bestfriend pero too much na talaga! Hindi mo dapat sinaktan ang anak mo! Bumalik ka na sa dati! Please naman!" ang wika nito pero hindi pa ito tapos magsalita ay biglang lumipad ang katawan niya patungo kay Enchong.

Umangat sa ere ang katawan niya sa parang sinasakal. "Bestfrend ako to! Si Oven! Mag best friend tayo through thick or thin diba? Alalahanin mo! Gusto mo ako na ang magpaalala sa iyo!" ang wika nito habang nahihirapan magsalita gayon pa man ay bigla itong kumanta, "Kami narito asahan niyo magtatanggol, makikipaglaban alay sa kapayapaan!!" ang pag awit nito ng tagalog version ng opening song ng anime na Magic Knight Ray Earth.

Lalong humigpit ang pagsakal ni Enchong sa kanya. "Frend hindi mo ba talaga maalala? Eto baka sakaling maalala mo kapag narinig mo yung isa pang themesong natin," ang nahihirapan pagdaldal nito sabay awit ulit.

"Sana'y bawat saglit laging kapiling ka, pag ibig mo, sana'y madama," ang hirit nito, Sailormoon tagalog theme naman ang birada nito.

"Alalalahanin mo bestfrend, yung mga happiest moments natin and eveything! Hindi mo pa rin ba maalala yung mga theme song natin? Eh eto baka naalala mo pa, "humayo ka kaibigang Tom Sawyer!"

Pero kahit anong gawin ni Oven ay wala itong epekto bagkus gumalaw ang kamao ni Enchong at inupakan ito sa mukha. "BALIW!" ang wika nito sa kaibigang si Oven dahilan para tumilapon ang katawan nito sa malayo.

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 4: Ruins of God ARCKde žijí příběhy. Začni objevovat