Part 7: Salvator

81 7 0
                                    

MGXMBS: RUINS OF THE GOD ARC

AITENSHI

Part 7: Salvator

ENCHONG POV

Kagabi ay ginimbal nina Oven, Rouen at Mr. Wilson ang aming tahimik na gabi matapos silang lumusot sa isang kulay pulang portal na sugatan at halos parang mga lantang gulay ang katawan.

Lumipas ang magdamag at bumuti ang kanilang kalagayan kaya't kahit papaano ay nakapagpahinga kami ni Rael. Magulo man ang aking isipan ay minabuti kong iwaksi ito dahil masakit na rin sa ulo ang sobrang pag iisip. At pakiwari ko ay maaari akong mabuang anumang oras.

Kinabukasan, halos alas 11 na ng umaga noong magising sila Oven, agad ko silang ipinaghanda ng pagkain upang magkalaman ang kanilang mga tiyan. "Kumusta ang pakiramdam niyo?" tanong ko sa kanila.

"Maayos na, medyo sad lang ako kasi ang panget ng pagkikita natin. Hindi ko naman masyadong feel na makita mong puro sugat ako," ang wika ni Oven. Kung sabagay ilang buwan din kaming hindi nagkita tapos noong magkita kami ngayon ay ganito pa ang sitwasyon.

Wala kaming pinag usapang kahit ano habang kumakain, tahimik lang at parang nagpapakiramdaman. Bagamat sa loob loob ko ay kanina ko pa gustong magtanong, nag iisip lamang ko ng tamang timing para dito. "The family that is silent together has a problem," ang pagbasag ng katahimikan ni Oven.

"Obvious naman diba? Kumain kayo ng madami at marami kayong sasagutin mamaya," ang sagot ko naman.

"Papa galit ka ba?" tanong ni Rouen sa akin.

"Hindi anak, medyo naguguluhan lang ko," ang sagot ko naman sa kanya.

Noong matapos kumain ay nagtipon tipon kami sala para pag usapan yung mga nangyari doon sa kaharian ng Blood sucker bago sila magtungo dito. Hindi ko rin maunawaan kung bakit ako ang target nila, hindi pa ba sapat na nagsakripisyo ako para sa lahat? Kung sa bagay wala namang makakaalam nito at walang dapat makaalam dahil tiyak madidikit sa akin ang konotasyon na nabubuhay ang masamang kapangyarihan sa aking katawan.

Harap harap kami sa sala, katabi ko si Rael at si papa. Ang batang bersyon naman ng aking anak ay inaalagaan ni mama sa itaas ng silid. Dito ay sinimulan namin ang pagpupulong. "Sino gustong magsimula?" tanong ko naman.

"Ako muna, papa," ang sagot ni Rouen at dito ay isinalaysay niya sa amin ang pangyayari kahapon noong sakalayin ng kulto ng liwanag ang aming kaharian.

Kahapon, habang abala ako sa pag gawa ng aking time machine na gagamitin ko upang makabalik sa future ay bigla na lamang nagkagulo ang mga kawal sa tarangkahan ng palasyo, dito ay nakasagap ako ng mga bola ng enerhiyang sumasabog sa paligid. Nagkaroon din ng ilang pagyanig kaya naman pati ang mga taong bayan ay nagulantang sa pangyayaring iyon.

Dahil sa kaguluhan ay agad kaming rumesponde ni Heneral Liad kasama ang mga kawal ng palasyo. Dito ay nakita namin ang halos nasa mahigit isang daang katao na mga nakasuot ng puting kalasag at pumalibot sila sa amin. Lalaban sana kami ni Heneral Liad ngunit nagbanta sila na papasabugin at papatayin ng mga inosenteng taong bayan kung kami ay kikilos ng masama laban sa kanila. Kaya wala kaming nagawa kundi ang manahimik at itaas ang aming mga kamay.

"Sino ba kayo?!" Tanong ko sa kanila.

Dito ay lumabas ang isang lalaki na nagpakilalang si High Priest Herard. "Ako ang pinuno ng aming samahan, ang Salvator."

"Pasensiya na ngunit wala kaming balak lumahok ay sumapit sa inyo," ang sagot ni Heneral Liad.

Natawa siya, "Hindi naman iyon ang aming pinunta dito, ako si High Priest Herard ay isa lamang instrumento ng liwanag upang tuluyang gapiin ang nakaambang kadiliman sa ating mundo. Nais naming tuluyang wakasan ang banta ng panganib na nagdudulot ng takot at pangamba sa lahat," ang tugon niya.

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 4: Ruins of God ARCWhere stories live. Discover now