Part 21: Practice Para Sa Ekonomiya

106 6 0
                                    

BOSS LU'S GRAVITY ARENA

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

BOSS LU'S GRAVITY ARENA

Part 21: Practice Para sa Ekonomiya

THIRD PERSON POV

Lumagpak ang katawan ni Oven sa isang malaking battle field na ginawa at dinesenyo ni Boss Lu para sa kanilang starter pack na pagsasanay. Layon lamang nito na buksan at alamin kung anumang kapangyarihan ang mayroon si Oven, kung mayroon nga talaga.

At upang matulungan itong mag improve ang kanyang sarili at maging kapakipakinabang sa lahat ng oras at pagkakataon. Version 2.2 ika nga!

"Ano ba iyan Oven ang pangit ang bagsak mo, seryoso? Hindi ka marunong maglanding ng maayos?" tanong ni Boss Lu sa kanya habang nakasubsob ito sa lupa.

"Malamang hindi, kasi nga nakasubsob ako dito diba? Saka kailangan pa ba ito? Para pag landing lang," ang sagot ni Oven.

"Aba, importante ang pagbalanse para makalapag ka ng maayos sa lupa at hindi ka mabalian ng buto. Paano kung hinahabol ka ng mga kalaban at wala kang choice kundi ang tumalon sa mataas na bangin? Paano ka makaka survive kung hindi ka marunong bumalanse? Edi para kang nagpatiwakal? Kailangan mong tibayan ang mga buto mo sa tuhod at binti, for once kailangan mong maging matigas na parang etits ng jowa mo!" ang wika ni Boss Lu.

"Eh ang hirap naman yata non, hindi ko kayang maging matigas dahil fragile ang beauty ko. Ganda lang talaga, no more, no less!" ang hirit ni Oven.

"Well, para ireal talk ka at saktan ka sa mga oras na ito, sasabihin kong hindi ka naman maganda kaya huwag ka na umarte, tayo na!" utos ni Boss Lu.

"Watt an.. ouchhh! Emotional damage ang ginawa mo sa akin shutanamerz ka Boss Lu!" ang singhal ni Oven.

"Magtiwala ka sa sarili mo Oven, noong naging imortal ka ay nabago na rin ng structure ng katawan mo, mas tumibay ang mga kalamnan mo, mas maging malakas ang mga buto mo at mas maging immune ka sa mga pisikal na sakit. Ibig sabihin kahit na bagsakan kita ngayon ng isang malaking bloke ng bato ay mabubuhay ka pa rin at kasaksakin kita ng paulit ulit ay hindi ka agad mamatay," ang paliwanag ni Boss Lu.

"Ahhh ganon pala iyon, kaya pala kapag tinitira ako sa pwet ng asawa ko ay less na ang sakit at sobrang swabe na lang ng pag pasok ng etits niya sa ekup ko," ang tugon ni Oven.

Natawa si Lu, "tanginang example iyan. Baka naman maluwang ka na lang kaya wala kang sakit na nararamdaman, sige ulitin natin ang pagbagsak mo, lumanding ka ng maayos!" ang utos nito sabay kumpas ng kanyang kamay at saka lumutang si Oven at saka ito binagsak sa lupa.

Subsob na naman siya, lumutang ulit at ibinagsak ulit, pero subsob lang rin ng inaabot nito. "Wait muna! Shutaaa kaaa Boss Lu!! Bakit napaka hard mo sa akin? Amoy na amoy kong insecure ka! Naiinggit ka dahil mas maganda ako sa iyo!!" ang sigaw niya habang lumulutang at bumabagsak sa ere.

Noong mga sandaling iyon ay nagsimula ang basic training ni Oven, una na rin ito ang pagbalanse sa tuwing bumabagsak sa matataas na lugar. Paulit ulit ibinagsak ni Boss Lu anh kanyang katawan sa ere hanggang sa matutunan nitong bumagsak at bumalanse ng maayos.

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 4: Ruins of God ARCTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang