Part 36: ENCHONG VS. SUYON

191 15 1
                                    

Part 36: Suyon VS Enchong

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Part 36: Suyon VS Enchong

SUYON POV

Noong makawala si Enchong at ang kadenang ginto lamang ang matira sa kanyang katawan bilang pampigil ay nahirapan si Miguel, halos magdugo at mangatog ang kanyang katawan sa lakas ng pwersang pinipigilan mula sa nagwawalang kalaban! Kaya naman para hindi ito mahirapan ng todo ay muling sinuntok nila Ibarra at Niko ang lupa, dito ay umagat ang maraming ugat na nagsimulang pumigil sa katawan ng kalaban!

"Suyon ngayon na!!" ang sigaw ni Miguel noong muling maigapos si Enchong.

"Pero imposible, hindi magagawang kuhanin ni Suyon ang enerhiya sa katawan ng kalaban habang nagwawala ito at nasa mataas na level ang kapangyarihan!" ang sigaw ni Rafalgia.

"Tama, kailangan pakalmahin ang kanyang katawan upang maisagawa ang pagdukot sa itim na enerhiya, sa ngayon ay maliit na porsiento lamang ang nakikita kong posibilidad na maaari tayong magtagumpay," ang sagot ko naman habang iaayos ang aking sarili, naramdaman kong muntik na akong gapangan ng kapangyarihang itim sa katawan mabuti na lamang at naibalik ko sa normal ang aking ulirat.

Patuloy sa pagwawala si Enchong, ngayon ay hindi na namin masukat ang kanyang lakas. "Bakit kailangan niyo akong pigilan? Maaari niyo naman akong maging kapanalig, iyon ay kung sasamba kayo at aayon sa aking kagustuhan!" ang wika ng kalaban. Ito ay malayong malayo na sa katauhan ng aming kaibigan at kapanalig na si Enchong.

Patuloy ang pagtaas ng kanyang kapangyarihan hanggang sa umangat muli ang katawan niya sa lupa. Hinila niya ang kadena at ang mga baging na nakapalupot sa kanya.

Habang umaangat sa ere ay nakita akong lumundag sina Seth at Ybes sa ere na nakaanyong Manlikmot, kapwa sila nag-ipon ng enerhiya sa bibig at ibinuga nila sa kalaban ngunit hindi naman ito tinamaan dahil mabilis nakapag generate ng barrier ang katawan nito.

Noong mga sandaling iyon ay napatingin si Enchong sa kanyang paligid, lahat ay nagtutulong tulong para pigilan siya. Marahil ay tinatanong niya ngayon sa kanyang sarili kung bakit ganito na lang ang pagnanais namin na wakasan ang kanyang mga binabalik.

Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Enchong, napatingin siya sa mga pumipigil sa kanyang katawan. Maya maya ay nagsalita ito, "bibilang ako ng tatlo para tumakbo at isalba ang inyong mga buhay," ang wika nito sabay bitiw ng salitang..

ISA..

Sumiklab ang malakas na enerhiya sa kanyang katawan dahilan para yumanig ang buong paligid. Umangat ang mga bato at halos nagdilim na naman ang kalangitan.

Gayon pa man ay walang natinag sa amin, mas hinigpitan pa ni Miguel, Niko at Ibarra ang pag gapos.

DALAWA..

Lalong lumakas ang enerhiyang bumabalot sa katawan ni Enchong, sa lakas nito ay naging pormang pakpak na itim na ito sa kanyang likuran. Nagsimula na ring gumuhit ang mga tribal lines kanyang mukha at sa kanyang braso!

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 4: Ruins of God ARCWhere stories live. Discover now