Part 34: Ang Isinumpang Lakas

167 14 0
                                    

Part 34: Ang Isinumpang Lakas

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Part 34: Ang Isinumpang Lakas

THIRD PERSON POV

Ang lahat ng hukbo ay nakahanda na, planado ang bawat pagkilos na kanilang gagawin. Noong namataan na ang ibayong pagdilim ng alapaap hudyat ng pagdating ng kalaban ay ikinumpas na ni Haring Rafalgia ang kanyang kamay at dito ay itinaas nila ang pinakamalakas na barrier na pumalibot sa buong templo at maging sa buong lupain.

Nakamasid lamang ang grupo ng mandirigma at magkakapanalig sa kalangitan hanggang makalipas ang ilang minuto ay nilamon na ito ng maitim at makapal na ulap. At mula sa makapal na ulap na iyon ay sumabog ang mga kulay pulang kidlat na naglalabas ng pulang liwanag sa buong kalangitan. Nakakamangha ngunit nakaka kilabot rin sa kabilang banda.

Mula sa paligid ay mararamdaman na agad ang kilabot at ang nakakagimbal na pwersa ni Hakal bagamat hindi pa ito tuluyang nagpapakita. Ang pulang kidlat na tumatama sa barrier ay sumasabog at lumilikha ng mga pag spark.

"Maghanda na kayo, parating na ang kalaban," ang wika ni Seth na noon ay tumayong front liner ng mga kawal kasama niya sina Ybes, Heneral Liad at Sam at Boss Lu. Lahat sila ay nakatingala at naghahanda sa pagdating ng malakas na katunggali.

"Ang ating layunin ay pigilan ang kalaban na makapasok at makalapit sa templo. Gawin natin ang ating makakaya upang itaboy siya! Maliwanag ba?!" ang sigaw ni Boss Lu.

Habang nasa ganoong posisyon ang lahat ay unti unting sumabog ang pulang liwanag sa kalangitan at dito ay unti unting lumabas si Enchong na noong ay possessed ni Hakal. Kitang kita ng lahat ang malaking pagbabago ni Enchong pagdating sa pisikal na anyo. Mas naging matapang ang mukha nito, napaka fierce nito at mas lalo pang naging gwapo.

Suot niya ang isang kakaibang uri na kalasag at ang kanyang kamay namumuo ang itim na enerhiyang may halong pula. Nakalutang ito sa ere at nag uumapaw ang kapangyarihang hindi matatawaran!

Maya maya ay itinaas ni Boss Lu ang kanyang scepter na ang ibig sabihin ay huwag muna aatake. Nagliwanag ang kanyang katawan at saka ito lumutang sa itaas. Tumapat siya kay Enchong na noon ay nasa labas ng barrier, ito ang naging harang nilang dalawa. "Enchong, hijo alam kong nandyan ka pa. Kung naririnig mo ako ay sikapin mong iwaksi ang kapangyarihan ni Hakal, labanan mo ito katulad ng madalas mong ginagawa," ang wika nito.

Natawa si Enchong, "ano ito? Negosasyon? Ang bagay na iyong hinihiling ay napaka imposible. Sa nakikita mo ay masyadong perpekto ang katawan ng binatang ito. Nag uumapaw ang kanyang kapangyarihan at sa tingin ko nagugustuhan kong manatili dito."

"Huwag mong angkinin ang hindi sa iyo Hakal, ang iyong kasaysayan ay matagal nang nagtapos, tama na! Iwanan mo na ang mundong ito at ibalato na lamang ito sa amin," ang wika ni Boss Lu.

"Teka, bakit parang naghanda naman kayo ng sobra? Gusto ko lang naman kuhanin ang dapat sa akin. Bakit sobrang pagpupugay naman yata ang iyong igagawad sa akin?" tanong nito na galak na galak.

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 4: Ruins of God ARCWhere stories live. Discover now