Part 33: Liga ng mga Diyos

168 12 2
                                    

Part 33: Liga ng mga Diyos

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Part 33: Liga ng mga Diyos

THIRD PERSON POV

Seryoso ang lahat noong mga sandaling iyon, sa silid ng pagpupulong ay nakaupo ang miyembro ng magkakapanalig sa pamumuno ni Rafalgia. Sa unang hanay ng mga bangkuan sa silid ay nakaupo ang mga hari at pinuno ng lupain, sina Seth, Malik, Niko, Lucario, Boss Lu at Ibarra. Sa ikalawang hanay naman ay sina Miguel, Suyon, Yul, Devon, Rouen, Leo at Ybes. At sa ikatlong hanay ay sina Oven, Santi, Tembong, Sam at Heneral Liad. Damang dama ng lahat ang pressure na hindi maunawaan bagamat nakakalakas ng loob na makita silang magkakasama.

Tumayo si Boss Lu, dahil siya ang may alam ng lahat at nakapagsaliksik sa Hell Society ay sinumulan niya ang pagpupulong sa isang history recap.

"Alam naman natin ang kwento ni Hakal na hari ng sinaunang sibilisasyon. Ang akala ko noon ay ang mga ninuno na natin ang pinagmulan ngunit mayroon pa palang pinagmulan ang bawat pinagmulan, sila ang simula ng bawat simula. Si Hakal ay ang isa sa mga ninuno ng ating mga ninuno. Siya ang sinaunang hari at kabilang na nga ang kanyang nasasakupan na kung tawagin ay Laola Empire. Bilang isang makapangyarihang hari, si Hakal ay biniyaan ng isang makapangyarihang hukbo na kung tawagin ay Heroca at mayroon rin siyang limang heneral.

Noong ikulong ni Surya si Hakal ay pinaghiwalay niya ang bawat parte ng katawan nito. Ang espiritu ay hinati niya sa dalawa at ikinulong sa Tangkask at Cardin. Ang kapangyarihan naman niya ay ikinulong mismo ni Surya sa loob ng kanyang katawan. Ngunit noong mamamatay si Surya at humina ang bangkay nito ay nakawala rin ang kapangyarihang itim na napunta kay Elsen.

Kinalaban ni Elsen sina Kasiya, Emrys, Viento at Neptune noong unang digmaan ng mga Diyos, sa huli ay ikinulong din ni Kasiya ang kapangyarihan ng dilim sa kanyang katawan katulad ng taktikang ginawa ni Surya noon. Noong mamatay si Kasiya ay nakalaya rin ang kapangyarihan itim ngunit sinigurado ni Kasiya na maitatago ito.

Makalipas ang maraming taon ay nataguan ni Xandre ang kapangyarihan at iyon ang simula ng umatikabong digmaan sa ating kasaysayan maging hanggang ngayon sa kasalukuyan.

Nakuha ni Xandre ang kapangyarihan na ginamit niya laban sa atin. Sa huli ay nagapi natin siya at si Enchong mismo ang naging instrumento upang ikulong ang kapangyarihan ng dilim sa kaniyang katawan katulad ng ginawa nina Kasiya at Surya. Isang mahalagang sakripisyo na itinataya ang kanilang sarili para sa kaligtasan.

Ngayon ay unti unting lumakas ang kapangyarihan sa katawan ni Enchong hanggang sa masakop nito ang kanyang pisikal na aspeto at ang kanyang isipan. Ang ating kaibigan ngayon na si Enchong ay ginagamit ni Hakal upang mabawi ang kanyang espiritu.

Bilang kabiyak ay pinilit siyang pigilan ng Hari ng mga blood sucker na si Rael ngunit sa kasamaang palad ay napahamak ang hari at hindi natin alam kung nasaan na ito ngayon. Ngayon ay nalalagay tayong lahat sa peligro dahil susugod dito sa Dark Keeper Temple si Enchong o si Hakal para kunina ang kanyang mga espiritu. Ito ang dahilan kaya't nandito tayo ngayon," ang paliwanag at salaysay ni Boss Lu.

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 4: Ruins of God ARCWhere stories live. Discover now