Part 29: Ang Mensahe ng Dilim

68 5 0
                                    

Part 29: Ang Mensahe ng Dilim

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.

Part 29: Ang Mensahe ng Dilim

THIRD PERSON POV

Nanatiling nakalutang si Enchong sa ere, sa madilim na kalangitan. Maya maya ay nagliwanag muli ang kanyang katawan kasama na rin ang kanyang mga mata. Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan para makapagpadala ng mensahe sa lahat lalo na sa Dark Keeper Gate kung saan nakatago ang kanyang espiritu.

"Lahat kayo na nakikinig sa akin ngayon, sa susunod na kabilugan ng buwan ay kukunin ko ang aking espiritu na nakatago sa Dark Temple. Paano ko nalaman? Dahil ang aking kapangyarihan at ang espiritu ay konektado. Upang maiwasan ang malawakang kamatayan ay isuko niyo na lamang ito sa akin. Huwag niyong hayaang ako mismo ang magpunta sa inyo at tapusin kayong lahat," ang wika ni Enchong, isang malupit na babala na narinig ng lahat sa iba't ibang sulok ng mundo.

Narinig ito sa Apresia kung saan umakyat ang kilabot sa batok ni Miguel. Dito nila napatunayan na totoo nga talaga ang kasaysayang ng reliko. Malinaw rin itong narinig sa bayan ng Yelo at maging sa tahimik na buhay ng mga Manlikmot sa Cendril Forest.

Narinig rin ang tinig sa Hell Society kung saan nakatingala ang lahat, malinaw rin itong naulinigan sa Heaven Society, sa Mortal World na naging dahilan ng pagkatakot ng lahat. At sa bundok ng Hiraya kung saan nagimbal ang mga engkanto.

Samantala ay ligtas nakatakas sina Rouen, Niko, Oven at ang mga kawal na blood sucker kasama ang si Heneral Liad sa Dark Keeper Gate, dito ay malugod silang tinanggap ng Haring si Rafalgia na noon ay itinaas ang pinakamalakas ng barrier sa buong lupain noong marinig ang banta ng kalaban. "Kung ganoon ay wala tayong mapamimilian," ang wika ni Rafalgia.

"Oo, at nag aalala ako para kay papa, hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya," ang wika ni Rouen na hindi maiwasang maluha. "Sorry pero nalulungkot lang talaga ako dahil sa pagkakataong ito ay pamilya ko ang involve, sina papa ang biktima," ang dagdag nito.

Tinapik ni Niko ang kanyang balikat, "Hijo, kilala ko ang mga magulang mo, malalakas ang mga iyan. Magtiwala ka sa kakahayan nila at tiyak na magiging maayos rin ang lahat."

"Bakit si bestfrend pa yung kinuha ng Hakal na iyan! Pwede naman ko diba? Lakas maka Wanda ng powers eh, ang ganda ng mga effects para legends skin at collector skin!" ang wika ni Oven na hindi malaman kung natatakot, humahanga ba o naiinggit.

"Nangangamba ako para sa mga taong bayan dito sa aking kaharian. Wala tayong pamimilian sa gusto ni Hakal. Kung isusurrender natin sa kanya ang Tangkask at ang Cardin ay magiging easy win sa kanya ito. Tiyak na papatayin din niya tayong lahat kapag nakuha niya ang kanyang orihinal na porma. Kung lalaban naman tayo ay mistulang magiging digmaan na naman ang sitwasyon ang kaibahan lang ay dito sa Dark Gate magaganap ang kaguluhan," ang wika ni Rafalgia na may halong pangamba.

"Hindi ko rin alam kung ano ang pinakamagandang gawin," tugon ni Niko.

"Bakit hindi tayo manghingi ng tulong sa ibang lupain? Ipagtanggol natin ang tangkask at ang cardin!" wika ni Oven.

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 4: Ruins of God ARCOù les histoires vivent. Découvrez maintenant