Part 26: Paghuhukom

67 7 1
                                    

Part 26: Paghuhukom

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Part 26: Paghuhukom

ROUEN POV

"Papaaaaa!" ang sigaw ko at wala na rin akong nagawa para abutan ang portal dahil agad na nagsara ito. Hindi ko alam na ang lahat ng ito ay planado at ang labanan na naganap ay "for show" lamang.

"Nasaan na??!!" ang galit na sigaw ni papa Rael sabay harap sa mga natirang miyembro ng Salvator. "Nasaan naaaa??!!" ang singal pa niya at nagliwanag ang kanyang kamao saka sinuntok ang direksyon na kinalalagyan ng mga natirang miyembro dahilan para magsitilapon ang mga ito.

"Tama na papa, wala na rin naman silang maitutulong sa atin! Lahat sila ay ginamit lang para makuha si Papa Enchong," ang pagpigil ko naman.

Pero hindi nawawala ang galit ni Papa Rael, lumapit ito sa walang malay na heneral at pinagsusuntok ito sa mukha. "Gago kaaaa! Kasalanan mo ito!!"

"Papa tama naaa! Ang tanging magagawa lang natin ngayon ay puntahan si papa Enchong kung saan siya dinala ng mga kalaban at bawiin natin siya sa lalo't madaling panahon," ang tugon ko habang pinipigilan ang pag aamok ito.

Samantalang nakatulala naman si Ninong Oven sa lupa, "my Gewd, na-abduct ng ganoon kadali si bestfriend, bakit napakabilis?"

"Dahil planado at pinaghandaan nila ang lahat ng ito. Hindi tayo aware na ganoon ang plano nila na iisusugal nila ang buhay ng mga miyembro nila na sumugod dito para sa ikatatagumpay ng kanilang misyon," ang paliwanag ko naman.

Pinilit namin huminahon at kumalma, hindi makapag iisip ng maayos ang utak nataranta at nagpapanic.

At iyon nga ang set up, hinintay naming magising at matauhan ang mga kawal na blood sucker kasama na si heneral Liad na naging front ng kaluguhan. Ang ibang miyembro ng Salvator ay nagtatakbo na lamang at tumakas dahil sa takot na mapatay sila ni papa Rael na noon ay nakatahimik lang at nakasandal sa batuhan habang naghihintay. Halatang nawawalan na ito ng pasensiya at pikon na pikon ang itsura. "Kapag may nangyaring masama kay Enchong ay papatayin ko ang lahat ng mga blood sucker na iyan, kasama na si heneral Liad," ang banta nito.

"Papa, wala naman silang kasalanan, sila ay nasa ilalim ng isang sumpa kaya nagawa nilang sumalakay," ang pagtatanggol ko.

"May kasalanan sila at iyon ay ang pagiging mahina! Mga gagong iyan!" ang singhal ni papa.

"Walang mangyayaring masama kay Enchong, huwag nga tayong nega mag isip," ang wika naman ni Ninong Oven.

Halos tumagal ng ilang minuto ang aming paghihintay bago magising sina Heneral Liad at iba pa. Lahat sila ay gulat na gulat at takang taka kung bakit nakahandusay silang lahat sa lupa. "Prinsipe Rouen, anong nangyari?" tanong ni Heneral habang hinihilot ang ulo dahil masakit ito.

Tumayo si papa sa kanilang harapan, "talaga bang wala kayong maalala sa mga kahangalang ginawa niyo?" singhal nito.

"Patawad mahal na hari, ngunit wala talaga akong maalala, nagtataka rin ako kung bakit nandito ako ngayon," ang nalilitong sagot ni Heneral Liad.

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 4: Ruins of God ARCWhere stories live. Discover now