Part 39: Layuning Manalo

172 14 1
                                    

Part 39: Layuning Manalo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Part 39: Layuning Manalo

THIRD PERSON POV

Pinagtulungan nina Prinsipe Malik at Prinsipe Rouen si Hakal na noon ay nagpupumilit na wasakin na lamang templo upang makuha ang kanyang nais. Sumasabog ang enerhiya sa buong paligid, mabibilis ang kanilang pagkilos at halos hindi na ito masundan pa. Hindi naman ganoon kalawak ang templo kaya't sa kada galaw nila ay nagigiba ito at gumuguho na lamang.

"Lalong magigiba itong templo, sa lakas ng kamao ni Rouen ay halos wala na matitira dito sa palapag na to!" ang wika ni Santi habang nagtatalsikan ang malalaking haligi sa paligid.

"Kaya nga isa sa atin ang tatayo para pigilan siya. At ikaw ang iyon!" ang wika ni Oven sabay turo kay Tembong.

"Hala, bakit ako? Ako ang pinaka queenly at pinakamalambot sa ating tatlo, bakit hindi na lang kayong dalawa? Tutal 85% lalakihan naman kayo!" ang sagot ni Tembong.

"Aba, may percentage ka na talaga? Gusto mo huwag ka na makauwi sa bundok ng Hiraya?" ang naiinis na wika ni Santi.

Patuloy pa rin sa paglalaban sina Hakal, Rouen at Malik. Sa pagkakataon ito ay sumali na rin si Devon sa kanila. Pinagtulungan ng tatlo ang katunggali dahil masyado nga itong over power.

Nagtatakbo si Malik, lumabas ang tubig na animo hugis kadena at mabilis itong pumalupot sa kalaban. Nagliwanag naman ng mata ni Devon at pinitigil niya sa pagkilos si Hakal. "Ngayon na, Rouen!" ang sigaw ni Malik.

Nagtatakbo si Rouen, nagliwanag ang kanyang kamao. "Sorry papa!!" ang sigaw nito sabay hataw ng kamao sa katawan ni Enchong.

Solid ang tama nito!

Nasuka si Hakal at saka nawala sa balanse, nilipad ang kanyang katawan sa malakas na pwersa ng pag atake ni Rouen. Tumama ang kanyang katawan sa mga pader at haligi dahilan ng pagkabutas ang templo.

Hingal na hingal ang tatlo, tagaktak ang kanilang pawis at halos hinahabol ang hininga. Tumilapon ang kalaban sa labas ng templo kaya't sandaling kapayapaan ang kanilang tinamasa.

Nasa ganoong posisyon sila ng biglang lumutang muli si Enchong sa ere. Wasak ang katawan nito at bali ang mga braso. Pero gayon pa man ay agad rin itong naayos. Lumalagutok ang kanyang mga buto, muling lumubo ang napinsalang dibdib at ang leeg na bali ay muling nabuo. Binali bali pa niya ang katawan na parang nag iinat at sa huli ay parang walang nangyari.

"Isang tampalasang anak! Paano mo nagawang saktan ang iyong sariling ama?" tanong ni Hakal.

"Iyon rin ang ipapagawa sa akin ni papa kung sakaling nandito siya. Handa siyang isakripisyo ang sarili niya para sa lahat!" ang sagot ni Rouen.

"Bastos ka pa rin at walang galang! Dapat sayo ay pinaparusahan!" ang wika ng kalaban at dito ay biglang umangat sa ere ang katawan ni Rouen at sinimulang palipitin ang mga braso at hita nito. Nagsisigaw sa hirap at sakit ang binata. Nagsimula na rin tumagas ang dugo sa kanyang ilong, tainga at bibig.

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 4: Ruins of God ARCWhere stories live. Discover now