Chapter 20

331 11 3
                                    

Layla's POV

Naglakad ako papuntang cafeteria para bumili ng juice. I am so thirsty..

Wala pa yung iba dahil nagassist kela Jeremy at Zero sa hospital. Grabe na ang
nangyayari sa section na napasukan ko. I didn't know na mas malala pa sa iniimagine ko ang totoong nangyayari.

Pag iniisip ko na isang araw o baka ngayon. Mamamatay narin ako. Naninikip ang dibdib ko, sinigurado ko naman na pag namatay ako.

May malalaman ako. Kaya kanina pa ako nagmamasid, sa eskwelahan. May possibility na nandito lang sya sa paligid. Maaring matanda sya or..

ka age namin.

Kinuha ko ang juice na binili ko at naglakad na.

"Omy si Layla?"

"Ang ganda nya."

"She's flawless. Nakakainggit"

"Ang ganda nya pare."

"Lapitan mo na"

Tsk. I hate this kind of moment. I hate being famous. I am just famous because of my name. My face.

They don't love me for who i am. For what i am. Everything is bullshit.

Naglakad ako papunta sa classroom ng may narinig akong nagsasalita. Kaya nag tago ako.

"Oo ako na ang bahala. Wag ka ng magaalala. Sige ingat kayo." Sino yun? Kinabahan ako at sumilip.

Si Kahisa?

Napabalik ako sa pagiging tulala ko. Hindi kaya....

Hindi kaya...

Sya ang killer?

Napakapit ako sa juice ko. I have to find out. Sumilip ako ulit , at bumugtong hininga bago pumasok.

Rachel's POV

Isang araw pagkatapos tumawag ni Carla. Sinabi nya sa akin na magkita kami. Hindi ko alam na nadischarge na pala sya sa hospital. Bakit hindi ko nalaman?

Nakakapagtaka rin na tinawagan nya ako. We are not even close. Minsan pag may ipapagawa si Sir John, magkasama kami.

Pero hindi kami naguusap. Haii... Nilabas ko ang phone ko at nagtwitter. Nasa sasakyan ako ni Tito Cesar, ihahatid nya ako sa pagmemeetingan namin ni Carla. Pagkatapos nun, didiretso na ako sa hospital para bisitahin sila Zero at Jeremy.

Nagfavorite lang ako at retweet. Hanggang sa makarating kami sa cafe shop na pagmemeetingan namin ni Carla.

"Rachel, hihintayin pa ba kita?"

"Ay hindi na po. Magtratricycle nalang po ako"

"Ay o sige ingat ka." Tumango lang ako at lumabas ng sasakyan. Huminga ako ng malalim bago pumasok ng cafe shop. Hinanap ko si Carla, ng biglang may dumating na waiter. "Rachel De Guzman po?"

Tumango ako. "Ah dito po tayo sa VIP section." VIP? Bakit kailangan pa nyang magpa VIP? Paimportante much? Or...

May importanteng sasabihin? Siguro nga. Umakyat kami ng waiter, at pumasok sa isang kwarto. "Ms. Carla andito na po ang bisita nyo"

"Salamat." Hindi ko pa makita si Carla nun. Pero ng pinapasok na ako ng waiter ay nakita kong nakaupo si Carla. Naka wheeling chair sya at naka long necked red long sleeves. Gloves na itim. High cat na puti at naka pantalon syang medyo maluwag sa kanya.

Halatang tinago nya lang ang mga ... balat na nasira sakanya. "Upo ka Rachel" ngumiti sya sa akin. She's really nice. Maarte nga lang. Tumango ako at lumapit sakanya. Umupo ako malapit sakanya.

7th Section(Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant