Chapter 25

306 17 8
                                    


Third Person's POV

Pagkatapos hilutin ni Zero ang paa ni Hana. Ay tumayo ito, "Hana, puntahan ko lng si Rachel" Tumingin sakanya ang dalaga.

"You'll leave me here?"

"Mabilis lang to. I will come back." Tumango nalang ang dalaga.

Samantalang lumapit na si Zero sa pintuan ng naging kwarto ni Rachel, at kumatok. Alam nyang hndi sasagot ang dalaga, "I'll come in Rachel." Dahan dahan nitong binuksan ang pintuan at nakita si Rachel sa kama nito.

Nakaupo ito at nakasandal sa headboard. Tumingin ito sa binata, pero umiwas din ulit at tumingin sa pader. Bumugtong hininga ang binaga at umupo sa tabi nito. "Okay ka lang?"

Tumango ang dalaga, pero hindi padin tumitingin kay Zero. "Galit ka ba sa akin?"

Hindi tumango o umiling ang dalaga, at nanatiling nakatingin sa pader.

"Rachel.. sorry"

Tumingin sakanya si Rachel at nakipagtitigan kay Zero. Huminga ang binata,

"Pero bakit mo kasi tinulak si Hana?"

"Hate. Her." Nagulat ang binata ng nagsalita ang dalaga at kumapit sa tuhod. "But Rachel, you don't have to push her."

Napakapit ng madiin ang dalaga sa palda nito. "She. Is?" Tanong dalaga.

"First girl other than my mom. That i love." Parang tinusok naman ng tatlong kutsilyo ang puso ni Rachel. Kaya napayuko nalang ito.

"Rachel?" Namumula na ang mukha nito dahil sa naiiyak ito. Inangat ng binata ang mukha nito, "Hey, why?" Nagaalala naman ang binata dahil sa tumulo na ang luha nito.

"Oy sabay na tayo pumas-

Napalingon ang dalawa sa pintuan at nakita si Jeremy na kasama si Hana. Nakatunganga ang apat,

ng biglang tumakbo si Rachel at yumakap kay Jeremy. Umiyak na ito. "Hey... bakit ka umiiyak?" Hinaplos nito ang buhok ng dalaga. Si Zero naman ay napayukom ng kamao sa nakita nito.

Iyak lang ng iyak si Rachel na mabasa na ang polo ni Jeremy. Kaya dinala na nito ang dalaga sa kama, kung saan nakaupo si Zero. Hindi parin ito tumayo ng humiga si Rachel, ihiniga ni Jeremy sa kama si Rachel at hinaplos ang buhok nito.

Tumayo si Zero at lumapit kay Rachel. "Jeremy. Go to school ako na dito. " Tinitigan naman sya ni Jeremy at parang nagaalangan kung iiwan ba nito si Rachel pero sa dulo ay tumango nalang ito at tumayo. "Sige una na ako."

"Hatid ko sya sa gate Zack" sabi naman ni Hana. Tumango ang binata.

"Jeremy!" Nagulat sila sa sigaw ni Rachel. Napalingon ang tatlo kay Rachel, na nakakunot ang mukha. "Why Rachel?" Tanong ni Zero. Pero, hindi sya pinansin ni Rachel at tumayo ang dalaga. Lumapit ito kay Jeremy at hinawakan sa polo nito at hinila, na para bang nilalayo nito si Jeremy kay Hana.

Tinignan ni Jeremy si Rachel ng nagtataka. "Rach? What's wrong?"

"Sama." Hindi maintindihan ng tatlo kung sama na 'bad' o sama na 'sasama sya kay Jeremy'

Pinunasan ng dalaga ang luha nya at hinila si Jeremy papunta sa harap ng pintuan. at kinuha ang bag na naihulog nya kanina. Pati ang binata ay nagaalangan at nagulat kay Rachel.

Binuksan nito ang pintuan at lumabas habang hila hila si Jeremy na wala ng nagawa kundi ang sumunod nalang kay Rachel.

Samantalang si Hana ay tumingin kay Zero. "Zack.." nakayuko si Zero ng padabog itong tumayo at nagpoker face. "I'll go to school. Mom is in the library." Walang expression na sabi nito at lumabas ng kwarto. Tumango nalang ang dalaga.

Kinuha ni Zero ang bag nito, at padabog na lumabas ng bahay.

Samantala sa isang mansion.

Naisipang pumunta ni Carla sa kwarto nito para matulog. Umupo ito sa kama nya at kinuha ang sleeping pills sa lamesa niyo sa gilid.

Ininom nya iyon at humiga. Simula ng incidente na iyon ay nahirapan na itong matulog dahil sa kaba at takot. Huminga ito ng malalim at pinikit ang mata nito.

Tahimik lang ang paligid nito ng narinig nito ang pagbukas ng pintuan. "Manang, sinabi ko naman pong matutulog ako." Nakapikit parin na sabi nito. Narinig nyang walang sumagot, pero narinig nya ang pagsarado ng pintuan.

Unti unti na itong nahihilo at alam nya na ngang makakatulog na sya.

"Sweet Dreams. Carla."

Biglang napadilat ang dalaga at nakita ulit ang babaeng iyon. Sisigaw na sana ito ng may kinuhang plastic ang babae at tinakip ng madiin sa mukha ni Carla.

"HMMM!!!! HM!!!!!!!!!!" Nagwawala na ang dalaga pero mas diniin pa ng babae ang plastic sa mukha nito.

Hindi narin makapanglaban si Carla, dahil nahihilo na ito sa ininom na pills. Ngumisi ang babae ng nakitang nangisay na si Carla, sign na patay na ito. Tumawa ito ng mahina at ginamit nya ang kamay para isarado ang mata nito.

Ngumiti ito, "Rest in Peace" iniwan na nito ang dalaga at bumaba. "Hahahahaha..." natawa ito ng nakita ang mga katulong na naliligo sa sarili nitong dugo.

"Hahahahaha...." tumatawa itong lumabas ng mansion nila Carla. Sinarado nito ang pintuan at sinulyapan ang mansion. Ngumisi ito at nagsimulang maglakad, hinakbangan nito ang mga bodyguard na bumubula ang bibig dahil sa pinainom nito.

"HAHAHAHAHAHAHA..." para itong baliw na sumakay ng sarili nitong sasakyan. Tawa lang ito ng tawa, hanggang sa paandarin nito ang sasakyan paalis sa mansion.

Nagdadrive ito ng biglang nagring ang cellphone nito.

Bhea Calling...

"Hello?"

"Asan ka? Aabsent ka ba?"

"No, i won't. I'm not a coward to do that"

"O yeah. I remember, your a bitch right?"

"Haha. Yes i am!"

"Come here already. ikaw nalang kulang. Even Alyssa is here."

Parang nagising ang diwa nito ng narinig ang sinabi ni Bhea.

"Alyssa?"

"Yes." Ngumiti ito ng malawak.

"Okay. I'll be there."

Inoff na nito ang cellphone nito at napakagat ito sa labi nito. Yung malanding kagat at ngumiti.

"Welcome back, Alyssa" at nagsimula na itong tumawa.

××××××××××××××××××××××××

Guys, sorry kung maiksi lang to ha? Sakitch talaga ng katawan ku. T.T babawi ako bukas pramis!

Thank you sa mga nagvovote comment at nagmemessage sa akin at todo support sa story na to.

I love you all :*

7th Section(Completed)Where stories live. Discover now