Chapter 7

469 14 6
                                    

Lahat ng bagay, may dahilan. Lahat ng bagay may katapusan.

Pero hindi ibig sabihin nun,

Wala ng dadating.

----------------------------

Third Person's POV

Napangiti ang babae habang tinitignan ang mga litrato sa kanyang ding ding.

Students Of 7th Section.

Makikita ang mga litrato ng estudyante dito. Na halos lahat ay stolen shot.

Kinuha nya ang juice nya at umupo, "Hmm.. ang sarap sarap naman isipin na isa isa kayong mawawala." Napangisi ito ng tignan ang dalawang taong napatay nya na.

"Nahulaan na kaya ng mga weirdo, kung sino ang isusunod ko? HAHAHAHA"
Tumayo ito at kinuha ang marker nya.

"Ano nga bang next sa Bullies? " natatawang tanong nito sa sarili.

Napa ohh ang bibig nito at ngumiti ng nakita ang lumabas sa kanyang laptop.

"So it's a battle between me and the youngest sister huh." Nilagyan nya ng exis ang mukha ni....

Alyssa's POV

Tinry ko kausapin si Kuya kagabi. Pero, late na naman sya umuwi.

Hindi nya nga ako pinansin. It's been like this since that day.

Kailangan ko syang makausap. Naglakad ako sa hallway at hinanap si Kuya sa library.

Nakita ko syang nagbabasa sa isang lamesa duon. Huminga ako ng malalim at lumapit sakanya.

"Kuya.." tumingin sya sakin pero bumalik din sa pagbabasa.

"Don't you dare disturb me Yssa" mahina pero nakakatakot na sabi ni Kuya.

Courage. Please come inside me. Just now...

"Kuya, just give me a chance to tel-

"Didn't I told you? Do not disturb me!" Pasigaw na sabi nya.

"Ssshh! Please be quiet." Sita naman ng librarian. "Tsk. Distorbo" kinuha ni Kuya ang libro nya at lumabas.

Hindi nya parin ba ako papatawarin? It's been like.. 3 years.

Umiling ako at sumunod sakanya. Tumakbo ako at hinawakan ang laylayan nya,

"ANO BA ! SABI NG WA-

"You're next" mabilis kong sabi. Bigla syang napatigil at tumingin sakin.

"Anong trip to Yssa?!"

"I am not playing with you. You know me kuya.. You're next and I wanted to prot-

"Are you the killer?" Napatingin ako sakanya.
"W-hat are you saying?"

Tumingin sya sakin ng seryoso at hinawakan sa mga braso ko.

"I said. are you the killer Yssa?" Nasasaktan ako.

Nasasaktan ako sa sinasabi nya. Bakit ka ganito... Kuya.

"I said ARE YOU THE KIILLER?!" Humigpit ang pagkakapit nya sa braso ko.

"KUYA NASASAKTAN AKO!" This is the first time na nilakasan ko ang boses ko.

7th Section(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon