Chapter 21

306 12 0
                                    

Unknown's POV

"Masyado ng maraming naililigtas ang mga plastic" Tumingin sya sa akin. At ngumisi,

"Diba sinabi ko naman sayo? Diretsuhin nalang. Hindi sila mauubos kung patuloy ang pakikipaglaro mo" sinandal ko ang ulo ko at tumingin sa pader.

"Masarap maglaro, masarap silang panoorin na naghihirap. Na naguhuluhan. Na nagkakaugaga sa pagreresolba" Ngumisi ako ng tinignan ko ang kasama ni Rachel sa isang picture.

"Haha..."

"Hahahhahaha" tumayo ako at sinarado ang laptop ko. Kinuha ko ang marker at inexisan ang mukha nya.

"Don't tell me mangdadamay ka ng walang kasalanan? Sobra na to"

Lumingon ako sakanya. At ngumiti "Hindi ito sobra..kasama to sa mga plano natin."

Tumatawa ako ng palihim at tinaas ang kilay ko.

Sorry, but your next.

Rachel's POV

Pagkatapos akong mapatahan ni Jeremy ay pumasok kami sa loob ng kwarto nya. At umupo ako sa tabi ng kama nya. Hindi ko na nga alam ang iisipin ko, hindi ko makalimutan ang mga sinabi ni Zero at ang mga nalaman ko.

Mapapatawad ko pa sya kung kasama lang sya eh.. pero hindi, sya ang gumawa ng ideyang yun. Tapos kanina walang ka emo emotion ang mukha nya para bang wala syang pakealam. Na okay lang sakanya ang lahat.

"Ano bang nangyari? LQ kayo ni Zero?" Tinignan ko si Jeremy na nakaupo sa kama nya at tumingin sa akin. Ikaw Jeremy? Alam mo ba? May alam ka ba? Kasama ka din ba nila?

Umiling ako. "Jeremy... may alam ka ba sa mga pumapasok sa 7th section?"

"Anong klaseng alam?" Yumuko ako. Natatakot ako.. natatakot ako na baka pati ikaw kasama nila. Na baka wala na akong pwedeng pagkatiwalaan sa inyo. Na baka lahat kayo....

Manloloko. Plastic.

"Rachel?" Kumapit ako sa damit ko. Hindi ako sumagot. Hindi ko alam pero parang may pumipigil sa akin. Na parang ayaw lumabas ng mga salitang gusto ko itanong sakanya.

Naramdaman ko ang kamay nya sa ulo ko. Nakapatong ito.

"Rachel remember what you said bago ako umalis ng bahay nyo?"

"Pinanghahawakan ko yun" nanlaki ang mata ko. Right...

I said i trust him. Bumugtong hininga ako at dahan dahang tinanggal ang kamay nya sa ulo ko. Tumingin ako sakanya,

At kinwento sakanya ang mga nalaman ko tungkol sa mga ginawa nila Zero. Tumingin sya sakin at kumunot ang noo. "Z-ero did that?" Tumango ako.

"May alam ka ba Jeremy?" Tumingin sya sakin at umiling. "Ang alam ko lang, hindi ka pwedeng alisin sa section. Pero, hindi ko alam ang mga cheating system na ginawa nila."

"Hindi pwedeng alisin sa section? Bakit?"

Biglang nagbago ang expression nya na parang nagtataka sya. "Hindi mo alam?"

"Magtatanong ba ako kung alam ko? Abnormal ka?" Nagsmirk sya at tumawa.

"Kailangan ka ng 7th Section. Because, sabi ng mentor ng may ari ng school. Pag hindi daw sya nakakita ng kahit isang ordinaryong tao. Ay papasara nya ang 7th Section. So... sabi ni Penelope sila na daw ang bahala. Magpapaexam daw sila" nakatunganga lang ako kay Jeremy.

7th Section(Completed)Where stories live. Discover now