Chapter 31

300 12 0
                                    


Penelope's POV

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Ano ba namang klaseng mukha to?

Tinalo ko si Sadako sa maga ng mata ko at itim ng eyebags ko. Mas malala pa to sa nangyari kay Hunter.

Mas masakit to. Kinuha ko ang make up kit ko at tinakpan ang eye bags ko. Nagpowder ako at lipgloss. Sinuklay ko na din ang buhok ko. "Penelope, presidente ka. You have to be strong for them." Ngumiti ako ng pilit at lumabas ng banyo para pumunta sa classroom.

Tatlong araw parang walang buhay ang 7th Section.

Yung dating maiingay naming umaga, naging tahimik. Yung dating malalawak na ngiti, napalitan nalang ng isang ngisi.

Anong nangyari sa section namin. Pwede ba kaming bumalik kung saan nagsimula lahat to? Sana nga may rewind ang reality. Para maibalik ko ang dati.

Pumasok ako sa loob ng classroom, kahit presidente ako. Kinakabahan ako maging energetic, maging hyper. Pero kailangan. Hindi pwedeng ganito kami lagi, parang walang buhay. Parang patay.

"Good Morning!" Ngiti kong sabi. Tumingin sa akin sila Rachel, "Good Morning Pres!" Masayang bati ni Winter.

"Good Morning Pres" kalma man, ngumiti si Rachel sa akin.

"Good Morning" ngumiti si Alyssa. Tumingin ako sa bagong dating na mga lalake, hindi sila ganoon kasaya. Lalo na si Joseph at Zero.

"BOYS! GOOD MORNING!!!" lumingon ang mga babae sa likod at bumati sakanila. Tinignan ako ni Joseph, akala ko iignore nya ako pero, kumamot sya sa ulo at nagpadyak padyak. "ANG INGAY MO PRES!"

"WALA KANG PAKE! GOODMORNING ZERO" tinignan ako ni Zero. Nagulat ako sa next nyang ginawa, ngumiti sya. "Good Morning Pres. And Girls"

Napangiti nalang kami. "GOOD MORNING!"

Dong, alam kong ayaw mong malungkot kami. Kaya pipilitin namin ngumiti, para sayo. Para sa section.

Pumasok si Sir John. Tumingin sya sa akin, ngumiti ako at tumango. Bigla syang huminga na parang relieved. That way, naging komportable na sya na magbiro at ngumiti sa amin. Minsan inaasar nya pa si Joseph, dahil wala daw masagot kahit isa.

Natatawa nalang kami.

"Class Dismiss" Tumayo kaming lahat, at inayos ang gamit namin. Habang nagaayos ako nakita kong sabay lumabas si Rachel at Summer. Anong meron? Maybe they're just hanging out. Nagkibit balikat nalang ako at nagpatuloy sa pagaayos.

Rachel's POV

"Rachel, i'll bring you home later" sabi ni Zero ng dumaan sya sa akin. Ngumiti ako, "Yes boss" umiling sya at ngumiti bago lumabas ng classroom.

"Rachel..." napatingin ako sa gilid ko habang nagaayos. "Bakit Summer?"

"Can we talk privately?" Hindi na ako nagtanong at tumango. Kinuha ko ang bag ko, at lumabas kasama si Summer.

Dinala nya ako sa library, kahit nagtataka ako. Ay sumunod parin ako sakanya. Dinala nya ako sa old stock room ng library. Malaki kasi ang library namin kung tutuusin. "Summer, anong ginagawa natin dito?"

Hindi nya ako sinagot at may kinuha sa isa sa mga inaalikabok na box. Binuksan nya yon at may inilabas na newspaper.

Lumapit ako duon sa lamesa at tinignan ang newspaper. 7th Section Incident. 1996

7th Section(Completed)Where stories live. Discover now