Chapter 2

665 18 4
                                    


Walang sekretong hindi nabubunyag.

Magiingat ka..

Rachel's POV

"Hi Rachel!"

"Rachel, you're really pretty !"

"Good Luck Rachel!"

Wow. Ganito pala ang feeling pag napasok ka sa 7th Section. Famous Section nga talaga, owemg.

Naglakad ako sa hallway, ng nakangiti. Wala pa namang masyadong tao kasi 6:00 palang.

Oo, sa sobrang excited ko. 4:30 gising na ako. Naglakad lang ako hanggang sa matanaw ko na ang pintuan ng 7th Section.

Parang lahat ng espiritu ko nagwala. Ito na.

Pagpasok ko, nagulat pa ako kasi may taong nakaupo at nakasandal sa blackboard. "Ah.. Good Morning." Mahina kong sabi. Dahan dahan syang tumingin sakin.

Si..

Zero pala.

Tinitigan nya lang ako. Ano ba kinakabahan na ko sa titig ng lalakeng to.

"Morning." At bumalik sya sa pag kakasandal nya. Wow, first time ko narinig ang boses nya.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa seat ko. Nakapikit lang mata nya, habang nakasandal.

Ang awkward naman nito. Nasa gitna pa naman ako. Sana pumasok na yung iba para hindi na ako mawkward dito.

Kinuha ko nalang ang cellphone ko at nakinig sa music. Mga tatlong kanta na ng tumingin ako kay Zero, at parang may sinabi sya kaya tinanggal ko ang earphone ko.

"Ano yun?" Dali dali kong tanong. Tumingin sya sakin at tumayo.

Nakapoker face parin sya.. pinaglihi ba to sa ganitong mukha? Hindi man lang ngumingiti. Nakakatakot talaga.

Naglakad sya pa palapit sakin,

Huminto sya sa lugar ko. "Umalis ka na hanggat maaga pa." At nagsimula na syang maglakad papunta sa seat nya.

Tumayo ako at hinarap sya, "Anong ibig mong sabihin? Hindi ko kayo maintindihan. Ikaw..yung dalawang weirdo na yun! Ano bang sinasabi nyo!"

Tumingin lang sya sa bintana at parang hindi ako narinig.

Magsasalita pa sana ako ng may narinig akong pumasok ng classroom. Kaya lumingon ako.

"Oh. Rachel, Goodmorning." Mahina nyang sabi.

"Good Morning, Marlot." Ningitian ko sya.

Kahit bwiset na bwiset na ako. Kasi ang weweird ng tatlong yun.

Si Marlot yung isa ko pang seat mate. Sa gitna kasi ako, sa Right side si Marlot sa left naman si Alyssa na weirdo din.

Umupo sya sa seat nya, at umupo narin ako sa seat ko. "So what's up?"

"Marlot.. may tanong ako.. ok lang?"

Ngumiti sya at tumango.

.

"Meron bang tinatago tong section na to?" Bigla syang natigil sa ginagawa nyang pagaayos ng bag nya.

At lumingon sakin. Yung tingin nya,

Parang...

Galit.

"Anong ibig mong sabihin?" Malamig na tanong nya.

7th Section(Completed)Where stories live. Discover now