Chapter 9

398 13 0
                                    


Greg's POV

"Manang Linda, pakidalhan nalang po ako ng damit. Sige po.. ingat po kayo. .." lumabas ako sa kwarto ni Yssa para tawagan si Manang, para na din makabili ako ng pagkain.

Dumaan narin ako ng banyo para maghilamos.

At lumabas para bumalik sa kwarto ni Yssa. Papalapit na ako ng nakita kong bukas ang pintuan.

Agad akong kinabahan kaya pumasok ako,

"Anong ginagawa mo?" Nakita kong may ipinasok ulit sya sa bag nya. Pero hindi ko alam kung ano.

Lumingon sya sakin, "G-greg.."

"Tsk.. ikaw lang pala." Ngumiti sya sa akin at tumayo. "I brought some fruits." Turo nya sa prutas sa lamesa.

"Salamat. Magtatagal ka ba?" Tanong ko at umupo sa kabilang upuan.

"No, may... la-lakarin kasi ako." Bakit ganito magsalita to? "Are you okay?"

"H-huh? Yeah. Am just, worried about Alyssa. Sino kayang gumawa nun? What a freak." How did she??

"Uh... can I ask you something?" Seryoso kong sabi. "Yes Sure."

Tinignan ko sya ng seryoso, at huminga.

"How did you know na hindi accident ang nangyari sa kapatid ko?" Agad syang napatigil at tumingin sakin.

"Huh? A-ah.." umubo sya at tumingin sa akin.

"Greg well, you know.. That impossible naman na aksidente ang masaksak right? So y-yeah.." tumingin ako sakanya. Nanginginig sya,

The hell is this girl problem

Magsasalita pa sana ako ng,

*tok tok tok*

Nagbukas ang pintuan at nakita ko si Rachel. "Oh? Bakit?" Nakangiti kong tanong.

"Hehe, Sorry sa distorbo.. yung phone ko kasi naiwan ko." Pumasok si Rachel, "Ah.. ganun ba."

Bigla nalang sya tumayo, "Ahm Greg, I- I need to go. See you guys."

"Sige Ingat." Agad agad itong lumabas ng hindi tumitingin sa amin.

Tumingin sakin si Rachel ng nagtatanong na mukha, ngunit nag kibit balikat lang ako.

Third Person's POV

Next Day...

Agad na nagsitakbuhan sila Penelope ng may natanggap silang text.

Lalalala, where is Carla? In the in the in the..

In the Kama? Hahaha.

Not a big scene. But an interesting one. Old Building.

Agad silang nagsilabasan ng classroom at tumakbo sa Lumang building ng eskwelahan na nakasarado.

"How will we open this thing?!" Sigaw ni Bhea. Lumapit ang mga lalake, at binangga ang pintuan. Na nakastuck.

"IT WON'T OPEN! May nakaharang sa likod ng pintuan" sigaw ni Jeremy.

Lumapit si Kahisa. "May shortcut ito sa likod!" Pagkasabi ni Kahisa non ay hindi nagaksya ng oras ang iba at diretsong tumakbo sa likuran.

Ito ang Fire Exit ng building na bulok na. Nakabukas ito, kaya pumasok na sila.

Madilim sa loob ng building na liwanag lang mula sa bintana ang nagsisilbing ilaw ng magkaka klase.

"Saan natin sya hahanapin dito?" Tanong ni Rachel na pawis na pawis na din.

"Let's try the second floor" pagrerecomenda ni Zero. Sumangayon ang lahat at umakyat sa second floor.

Halos ubuhin na sila ng ubuhin dahil sa mga alikabok sa building. "Baka naman iniindian lang tayo ng nagtext satin"

Pagrereklamo ni Jeremy.

"Siguro nga. Bumalik na nga lang tayo.! This is waste of time." Tumalikod si Bhea at nahulog sa isang butas duon.

"BHEA!" Pagkasigaw nila nun ay sunod sunod din silang nahulog.

Sinalo sila ng isang maalikabok na pom. " *COUGH* WHAT THE FCK?!" Sigaw ni Bhea.

Inuubo ang lahat at tumayo sa maalikabok na pom na pinagbagsakan nila.

"Ano tong place na to?" Tanong ni Rachel habang nililibot ang paningin sa paligid.

Wala namang nagsalita sa pagtanong ni Rachel kaya tinignan nya ang mga ito.

Nagulat ang dalaga ng makitang nanginginig at halos hindi makagalaw ang mga kasama nya.

"Uy guys! Okay lang kayo?" Nagaalalang tanong nito.

Pero walang sumagot.

"Welcome!!" Biglang sigaw ng isang taong hindi makilala ang boses. Napalingon sila para hanapin kung sino iyon,

Pero hindi nila makita kung nasaan ito. Bigla nalang nagbukas ang mga ilaw, at nakita nila ang kamang gumagalaw.

Unti unti itong tumatayo.

Napatakip ang mga babae sa kanilang bibig ng makita kung anong meron sa kamang iyon.

Nagwawala ito at umiiyak.

"Ang ganda ng pagkakatahi noh?... Welcome Back to you're Old Classroom. 7th Section Students" Napatigil si Rachel at tumingin sa mga kaklase nyang nanginginig.

"A-anong kailangan mo?!?!" sigaw ni Kahisa.

Tumawa ang taong iyon at nagsalita muli. "I just want to play a game"

Mas lalong nanlaki ang mata ng mga estudyante sa sinabi nito, na para bang alam na nila ang sasabihin nya.

"Alam nyo naman na siguro ang larong to" natatawang sabi nito.

.

.

.


.


.

.

.


.

.

.


.


Bumulong si Rachel at Zero. Na sabay nilang nasabi at nung taong iyon.

"Guess the word."

××××××××××××××××(to be continued)

7th Section(Completed)Where stories live. Discover now