Chapter 36

242 15 2
                                    

Ang scene po na ito ay napaka brutal. Please Ready Yourself.

Third Person's POV

Habang nagsisiyahan ang lahat dahil sa pagdating ni Penelope. Ay ang dalagang si Mikasa ay tahimik na nakatingin sa kawalan.

Naramdaman nito na may tumabi sakanya. "Mikasa, ayaw mo ba makisaya kasama samin?" Pagtatanong ni Greg.

Hindi ito pinansin ni Mikasa at tumingin lang sa kawalan. Nagtaka naman ang binata. "Mikasa?" Bigla iniswing ni Mikasa ang kanyang paa. at unti unting ngumiti.

Ngiting. Baliw. Nakakuba ito habang nakangiti. Ang mga mata nito ay saan saan tumitingin, na para bang may masaya syang pinapanood. "M-mika..

Nanlaki ang mata ng binata at halos hindi makahinga.

Sa..."

Lumiyad ang dalaga at tumingin kay Greg. Ngumiti ulit ito. Isang nakakatayong balahibong ngiti. "Mamamatay kayong lahat. Hahahahahha. Hahahahaha MGA TANGA KASE KAYO!" humalaklak ito ng humalakhak. Hanggang sa nakuha na ang atensyon ng lahat. "Mikasa ano bang nangyayari sayo!" Sigaw ni Greg. Tinignan nya si Greg, at inilapit ang bibig nito sa tenga ni Greg. "I'm sorry Greg." Pumikit ang dalaga at nagiwan ng magaan na halik sa pisngi nito ng hindi nahahalata ng iba. Ngumiti ito kay Greg, at sa oras na yun. Isang malungkot na ngiti na ang pinakita nito.

Sabay tumayo at tumakbo na parang baliw. Halos matunganga ang binata sa ginawa ng dalaga. Hindi nito maintindihan ang pinaparating ng dalaga.

Pero nasasaktan ang binata. Nasasaktan sya ng sobra.

"Is she crazy again?" Tanong ni Jazzy. "Jazzy!" Saway ni Penelope. Nagkibit balikat lang ito at tumingin sa cellphone nya. Yumuko naman si Alyssa, at tumingin sa Kuya nya na hanggang ngayon ay nakatunganga paren. Bumugtong hininga ito at umiling. Nagpatuloy nalang ito sa pakikipagusap sa iba.

"Guys." Napatingin ang lahat sa gurong si Yuri na kakaakyat palang sa lugar nila.

Hindi sila nagsalita at tumingin sa Guro. "I don't want to disappoint you or ruin you're mood. But we are leaving today."

Bago pa ulit makapagsalita ang mga estudyante ay nagpatuloy ito sa pagsasalita.

"And if you ask me why? Easy."

"The killer is just with us. And i am sure, that person is part of Group 2. So Be Careful. Now pack your things."

Umalis na agad ang Guro na pikit matang bumugtong hininga. "I never wanted to interfere. But, that killer must be found" bulong nito sa sarili.

Nagkatinginan naman si Bhea at Penelope. At tumango naman ang dalaga kay Penelope.

Tumayo na silang lahat na malalim ang iniisip. Hindi na nila napansin, o naalala man lang na hindi nila kasama si Mikasa. Dire diretso lang silang bumaba ng kabundukang iyon.

Samantala si Mikasa ay naglakad pababa ng kabundukan. Agad itong tumakbo papunta sa Hotel. Nakasalubong nya pa si Sir Paulo, na magang maga ang mata at ang daming dugo sa damit. Nagtaka sya ng lagpasan sya ng lalaki. Nilingon nya ito

At nakitang wala sa sarili itong naglalakad. Anong nangyari? Isip isip nito.

Aakyat na sana ang dalaga para kunin ang mga gamit nito ng may narinig itong ungol mula da dulong kusina ng hotel.

Bumaba ulit ito, at dahan dahang napalapit sa kusina. Sumilip ito sa nakauwang na pintuan, at nakita ang mga nakakalat na dugo sa sahig.

Agad itong kinabahan. "AH! M-MAA-WA KA.. MA-Y PAM- AH! TA-MA NA !" Sigaw ng isang matanda. Lumunok si Mikasa at sumilip ng kabuuan sa kusina.

7th Section(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon