Chapter 17

303 12 0
                                    


Zero's POV

Lumapit ako kay Kuya Frank, "Kuya calm down" tumingin sya sa kin.

"CALM DOWN ZACK?! YOU WANT ME TO FXKING CALM DOWN?! MY SISTER DIED!" napayuko ako at hinawakan sya sa balikat.

"Let's talk about this Outside." Hinawi nya ang kamay ko. "No."

Tumingin sya kay Rachel, she's shaking. This hurts me alot. "I need to know it from this Girl. They said your the one who tried to save her. " lalapit na sana sya kay Rachel pero hinawakan ko sya.

"Zero it's okay...." tumingin kami ni Jeremy kay Rachel. "But Rachel"

"Jeremy. Zero. Lumabas muna kayo." Nayuko sya. At dahan dahang tumingin sa amin ni Jeremy.

She smiled at us. Tumingin ako kay Jeremy at sinenyasang lumabas.

Bumugtong hininga si Jeremy at lumabas. "Kuya.. don't do or say anything to hurt her." Yan ang binulong ko bago sumunod kay Jeremy.

Pagkalabas ko ay nakasandal sya sa pader at kinakausap ang mama ni Rachel.

"Mga iho pwede dito muna kayo? Kukuha lang ako ng damit sa bahay.. bukas pa kasi ang labas ni Rachel"

"Sige po Tita. Okay lang po" nakangiting sabi ni Jeremy. "Kami na po bahala sakanya"
Ngumiti ako. "Ay naku salamat. Buti nalang at may mga kaibigan ang anak ko katulad nyo. Sige na.. salamat"

At nagsimulang umalis.

Tinignan ako ni Jeremy.

"San tayo ?"

Tinignan ko lang sya. At sabay kaming tumango.

"Beer"

Lumabas kaming dalawa para bumili ng beer sa tindahan.

"Ano sa tingin mong pinaguusapan ni Rachel at Kuya?" Nagaalalang tanong ni Jeremy. We're just the same. Am also worried of what Kuya Frank can do or say. I wonder..

"Who knows Jer. Who knows" bumugtong hininga si Jeremy.

Naglakad na kami ni Jeremy ng walang imik. Ng papalapit na kami sa tindahan,

"Zack si Kahisa yun dba?" Napatigil ako at lumingon sa tinuro ni Jeremy. Nakita ko si Kahisa na nakajacket at nakasandal sa pader habang umiinom ng juice.

What is she doing here?

"Lapitan natin. KAHISA!" tawag ni Jeremy. Pero tumakbo lang si Kahisa na para bang may tinatakasan.

Hinabol namin sya pero, hindi din kami umabot. "Anong ginagawa nun dito?" Nagtatakang tanong ni Jeremy. A rich girl like her won't go here.

Why is she here?

Rachel's POV

Kinakabahan man ako ng lumabas si Zero at Jeremy. Ay kailangan kong tatagan ang loob ko.

He wants answer. And i will try to give that to him. Tumingin sya sa akin. "Upo po kayo." Offer ko sa upuan ni Jeremy kanina. Nung una ay nakita ko pa ang pagaalinlangan nya pero lumapit din sya at umupo sa tabi ko.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Paano mo nahanap ang kapatid ko?" Seryoso nyang tanong.

Huminga ako at tumango. "May nagmessage po sa aming lahat na magkakaklase. Picture po ni Mary at mga clue kung paano namin hahanapin si Mary."

Tumingin sya sa akin. "Habang dinidiskubre po namin. Nalaman po namin na sa storage room po ang tinutukoy nung killer." Tumango sya.

"Hindi nyo ba tinawagan or pinasearch yung number?" Naiiyak na si Kuya Frank. Kaya napakapit ako sa kumot ko. "Tinawagan po namin. Pero parang sinira po nya ang sim card nya dahil out of service na po"

Nanahimik sya. Kaya kinabahan ako na baka, may masama na syang iniisip tungkol sa akin. Na baka, napakawalang kwenta kong kaibigan.

"Rachel ang pangalan mo diba?" Tanong nya at pinunasan ang luha na tumulo sa mata nya.

"Opo" alam ko. Na nasasaktan sya, sobrang sakit mawalan ng mahal sa buhay. Para kang sinasaksak ng paulit ulit, binabaril na para ka ng mamamatay.

Pinunasan nya ang luha nya at may inilabas sa bulsa nya. Isang......

Anghel na maliit.

"Alam mo.. Si Ma-ry.. mahilig sya sa Anghel. Lagi nyang sinasabi... Kuya wag ka magalala kase...." umiiyak na sya at halos hindi na mabigkas ng maayos ang mga sinasabi nya. "Kase.. inaa *sniff* lagaan ka ng angels.." napaiyak narin ako sa mga sinasabi ni Kuya Frank.

"Isang regalo lang ang natanggap ko sakanya sa lahat ng birthday ko..*sniff* at ito yun" tumutulo na ang luha nya sa anghel. Napapahikbi narin ako sa sobrang lungkot na nararamdaman ko.

"Dalawang anghel ang binigay nya sa akin.. *sniff* at ng nabasag ang isa kani- na..

Natakot ako" yumuko na sya at umiyak sa kama. "Bakit ang kapatid ko pa..." lumalakas na ang boses nya sa sobrang iyak. Napatakip na ako sa bibig ko dahil hindi ko na mapigilang umiyak.

"Bakit si Mary pa... bakit ang nagiisang babae sa buhay ko... bakit sya pa... Ako nalang. . Ako nalang sana.."

"Ako nalang..." hinimas ko ang likod ni Kuya Frank. Naawa ako at nalulungkot. Hindi ko na hahayaang mangyari ulit ito. Hahanapin ko ang gumawa nito Mary, pangako hahanapin ko sya.

Papatayin ko sya kung kakailangan.

Para maihiganti ko kayo.

Bhea's POV

"I'm home" sabi ko sa multo kong bahay. Wala na namang tao. Hinubad ko ang sapatos ko at dumiretso sa kwarto.

Inilapag ko ang bag ko at nagbihis. Inon ko ang aircon ko at humiga sa kama. Wala akong gana kumain.

Sa nakita ko kanina, sinong magkakaroon ng gana? Wala. Walang wala. Napakasakit, napakabrutal. Nakita ko ang tumilapon na ulo ni Mary sa sahig, at halos hindi ko na mapigilan kanina si Penelope ng sumuka sya.

Sila Summer at Winter na nanginginig at umiiyak.

Si Rachel na biglang nahimatay. Si Layla na sumuka. Si Jazzy na umiyak at Areej na natumba.

Wala pang mas sasakit sa mga nangyari sa amin. Tumingin ako sa gilid ng pader ko, at nakita ang picture namin ni Alexa. Tumagilid ako at hinawakan ang picture na iyon.

"Hindi pa nga ako nakakamove sa pagkawala mo....

Isa isa na agad silang namatay" napaluha ako at napayukom ng kamay. Kung sino man ang gumawa nito ay walang hiya sya.

Sana mamatay na sya. Hindi ko alam kung paano pa sya nakakatulog ng mahimbing sa gabi sa mga ginagawa nya. Pinikit ko ang mata ko, ng biglang nagring ang cellphone ko.

Kinuha ko iyon at tinignan kung sino ang tumatawag.

Babe Calling....

Sinagot ko agad yun.

"Hello"

"Babe, okay ka lang? Asan ka? Nakauwi ka na?"

"Yes.. nakauwi na ako. I'm not okay."

"Narinig ko ang nangyari kanina. Babe.. take a rest. Wag ka muna pumasok bukas... I'll go there" tumulo ang luha ko.

"Babe...." tawag ko sakanya ng mahina.

"Yes babe?" Kalmado nyang sabi.

"i need you now. This hurts." Narinig ko ang hininga nya. Hindi sya sumasagot.

"*sniff* babe?" Pinunasan ko ang luha ko.

"I'm on my way. Wait for me."

Pinatay nya ang call.

Tumingin ulit ako sa picture namin ni Alexa. "Kaya pala botong boto ka sakanya Alex." Ngumiti ako at hinawakan ang nakangiting nyang posing.

"Thank you.."

×××××××××××××××××××

7th Section(Completed)Where stories live. Discover now