Special Chapter

261 15 6
                                    

Guys, malungkot talaga si author. T_T May mga naiyak dahil sa akin. Surry. :(

Kaya ito po Special Chapter :)

*****************

Rachel's POV

"Alyssa di muna ako papasok."

"I understand. Take care" pinatay ko ang cellphone ko at nagtaklob. Akala ko madali lang para sa akin ang matanggap ang nangyari kay Jeremy.

Pero hindi eh.. ang sakit. Importante sya sa akin. Tumulo ang luha ko ng tuloy tuloy, magisa na nga lang ako sa apartment ko. Wala pa akong bestfriend, wala pa akong nanay, tatay ko may ibang pamilya na.

Tapos...

Nawala pa si Jeremy sa akin. Pinunasan ko ang luha ko, kelan nga ba ulit sya naging akin? Kelan ba... pumikit ako.

"Kelan ka ba naging akin Jeremy?"

"Simula ng minahal kita sayo na ako." Napadilat ako sa ilalim ng kumot ko. Kilala ko ang boses na yun.... tinanggal ko ang kumot ko at nakita syang nakaluhod sa gilid ng kama ko.

Nakangiti. "JEREMY!" tumayo ako at niyakap sya. Natumba pa kaming dalawa sa sahig habang yakap yakap ko sya. "Awts! Babaliin mo na ata ang buto ko ei" kumalas ako sakanya at umalis sa ibabaw nya.

"Sorry. Kala ko kasi talaga wala ka na." Ngumiti ako ng malaki. Andito sya.. sa harap ko. Umupo sya. At tumingin sa akin,

"Wala naman na talaga ako."

"Huh? Anong sinasabi mo! Andito ka nga oh! Sa harapan ko" umiling sya at ngumiti. "Labas tayo? Gusto kita ipasyal."

"Like...

Magdedate tayo?" Naglipbite sya at tumingin sa paligid. "If you refer it like that Miss De Guzman. Yes, magdedate tayo. Pwede ba?"

"YES! Labas ka muna magbibihis ako." Tinulak tulak ko sya, tapos bigla syang nagpout. "Di ba pwedeng dito nalang ako?" Biglang wink nya.

"MANYAK MO! LABAS SHU!" Bigla syang tumawa at lumabas ng kwarto. "BILISIN MO MISS DE GUZMAN"

"OPO!" sinarado ko na ang pintuan at agad agad pumunta sa closet ko.

"Hmm~ hmm~" naghahum pa ako habang namimili ng susuotin. Kinuha ko ang face towel ko at naglinis ng sarili ko sa banyo.

After that, lumabas na ako ng naka white tshirt, black jacket na manipis, leggings and shoes. Nakita ko sya sa maliit kong sala, nakaupo sya at nakasandal ang ulo.

Narinig nya yung bukas ng pintuan kaya dinilat nya ang mata nya at tumingin sa akin. "This is okay right Jeremy?" Ngumiti sya. "Everything suits you" tumayo na sya. "Shall we?"

"Kailan ka pa nahawa sa kakaenglish ni Zero?" Kinurot nya ang pisngi ko. "Aray ko!!!"

"Haha halika ka na" pumunta sya sa pintuan ko at binuksan yun. "Ang gentleman mo ngayun"

"First date natin ei" tumango nalang ako at lumabas. Sinarado nya ang pintuan, kinuha ko ang susi at sinusi ang pintuan.

"Saan pala tayo pupunta?"

"Somewhere Beautiful" nagwink sya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Tara" hinila nya ako paalis ng apartment ko.

Saan naman ako dadalhin ni Jeremy.. Wala akong pakealam. Masaya ako na nandito na sya sa tabi ko, kahit hindi ko alam paano sya nakabalik. Kahit impossibleng isipin. Masaya ako na nakikita ko sya at nakakausap. Nararamdaman ko sya.

Diyos ko, salamat po.

Sumakay kami sa sasakyan nya, "Diba nasira yung sasakyan mo?"

"Sasakyan ni Dad to" tumango ako at ngumiti.

Habang bumabyahe kami kung saan. Nakatingin ako sa labas ng binata, at pinagsasawaan ang masarap na simoy ng hangin. Bakit ang sarap langhapin ang ganitong hangin ngayon?

"Rachel..."

"Hmm?" Tumingin ako kay Jeremy na seryosong nagdadrive.

"Thank you for trusting me" ngumti ako sakanya. "Kahit saan mo ako dalhin okay lang. Dahil pinagkakatiwalaan kita" ngumiti sya sa akin bago bumalik sa pagdadrive nya. Buong byahe namin, kinekwentuhan ko sya.

Kinikwentuhan nya din ako sa childhood nila ni Zero. "Andito na tayo" napatingin ako kung saan kami tumigil.

Isang hacienda. Ang ganda, para kang nasa palasyo. "Hacienda to ng Great Grandpa ko." Napatingin ako sakanya. Kinalag nya ang seatbelt nya at lumabas, tinanggal ko narin ang seatbelt ko. Ng saktong pagbuksan nya ako ng pintuan.

"Ang ganda..."

"Dito kami laging nangugulo ni Zero nung 10 palang kami." Tumingin ako sakanya nung sumandal sya sa sasakyan. "Okay lang ba Rachel kung ganito lang tayo madate? Dito sa labas ng mansion na to. Sa harap ng mga bulaklak na yun"

"Bulaklak?" Tumalikod ako sa mansion at nakita ko ang magagandang bulaklak na nakapaligid. "Ang....

Ganda Jeremy" napaluha ako habang nakatingin sa paligid. Sumandal sya paharap sa sasakyan at pinagmasdan ang sinag ng araw sa nga bulaklak. "Napakaganda Rachel, baka sandali nalang tong date natin. Kaya, sasabihin ko na to sayo." Tumingin ako sakanya, kahit naguguluhan ako.

"Mahal Kita." Bigla akong napatigil, "J-jeremy.."

"Alam ko si Zero mahal mo. Pero gusto ko lang sabihin to sayo. Rachel, mahal kita. At kahit mawala ako. Mamahalin padin kita." Lumapit sya sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko. "Gusto ko ngumiti ka, at ayaw na ayaw kong umiiyak ka lalo na pag ako ang dahilan. Dahil nasasaktan ako." Umiling ako at pinunasan ang luha ko.

"Minahal kita Jeremy. Hindi. Mahal kita. Gusto ko malaman mo yun." Tumulo ang luha ko ang sa pisngi ko. Hinawakan nya ang pisngi ko, at pinunasan ang luha ko. "Ngayun alam ko na. Gusto ko na pakawalan mo na ako, at ipagpatuloy mo ang buhay mo."

"A-anong sinasabi mo.."

"Rachel Mahal kita. Pero, gusto ko na sumaya ka kahit wala na ako. O kami. Give me justice in a right way"

"Wag mo ako iwan... Jeremy. Please.." niyakap nya ako. "Don't cry...

Please Rachel." Lumuha ako at niyakap sya ng mahigpit. "Take care Jeremy.."

"Salamat...Rachel.."

Dumilat ako. At nakita ang ding ding.

Tumulo ang luha ko,

Panaginip...

Sa panaginip ka nagpaalam sa akin...

Tinakpan ko ang mata ko gamit ang braso ko habang tumutulo ang luha ko.

"Ang daya daya mo Jeremy...."

"Pero....

Gusto kong sumaya ka..."

"Salamat din..

Jeremy.."

×××××××××××××××××××××××

7th Section(Completed)Where stories live. Discover now