Chapter 34

254 12 1
                                    


Rachel's POV

Kanina pa ako nakatalikod sa bonfire namin. Ewan ko ba. Simula ng namatay si Mama dahil sa sunog, ayaw ko ng makakita ng malalaking apoy. Kapag nagluluto pa or lighter, pwede pa.

Pero yang mga ganyan kalaking apoy. Ayaw ko tignan. Naramdaman kong may tumabi sa akin. "Hey." Hindi ko sya tinignan. Kahit naman hindi ko sya tignan.

Alam ko naman kung sino ang katabi ko, amoy at boses palang. "May problema ba?" Mahina nyang sabi. Tinignan ko sya, diretso lang ang tingin nya. Yumuko ako ulit, "Wala. Ayaw ko lang tignan." Hindi sya nagsalita.

Siguro naiintindihan nya naman. May inabot sya sa akin na mangga na nahiwa. Ito yung nakuha namin na prutas.

"Thank you" sabi ko pagkakuha ko ng mangga. Tahimik lang kaming dalawa, habang nagiingay ang iba. "Rachel.."

"hmm?" Hindi sya nagsalita, kaya tumingin ako sakanya. Pero, nakadiretso parin ang tingin nya. Hindi na ako yumuko at tumitig nalang sakanya.

Pinagmamasdan ko yung mata nyang pure black, ung perfect nyang pilik mata. Yung matangos nyang ilong, yung lips nya na pula. Yung tenga nya, yung leeg nya.

At that time, feeling ko wala ako sa mundo. Feeling ko nasa ibang lugar ako. Na tumitig sa isang blessed na nilalang. Isang goddess. Isang taong,

Takot akong mawala sa akin.

Nagulat nalang ako ng hawakan nya ang kamay ko ng hindi tumitingin. "Zero.."

"Zack" nagtataka ako kung anong sinasabi nya.

Tumingin sya sa akin, at tumitig sa mata ko. "I want you to call me by my real name." Hindi ako makasagot. Bakit?

"Because from now on, you're gonna face your fears with me. You're gonna be with me" hindi ko alam ang mararamdaman ko. Lumulundag ang puso ko, Zack Ethan... ano ba naman tong ginagawa mo.

"To Infinity and Beyond." At dun na napakapit ang kamay ko sa kamay nya.

To Infinity and Beyond.

With Zack Ethan Orrizta.

Marlot's POV

"W-what was that?"

"I'll check it out"

"What?! No! Sasama ako." Hinawakan nya ang balikat ko. "Mas safe kung dito ka nalang ok? Hintayin mo sila Sir Paulo dumating. "

"B-but Dere-

"Listen. You're a Strong and Brave Girl. Wait for me." Hinalikan nya ako sa noo at umalis. Hindi man lang nya ako hinintay magsalita, umupo ako sa ginawa naming higaan. At nagdasal, this is the only thing i can do.

Lord, alam ko i did alot of bad things. I made alot of mistakes. But, please. Wag nyo pababayaan si Derek at ang iba pa. Ayaw ko pong may mangyari na masama. Wag nyo po hahayaan na may mangyari.

Amen.

Pagkatapos kong magdasal, ako na ang nagayos ng mga prutas. Nilagay ko yuon muna sa isang plastic. Mamaya ko na ililipat ang iyon pag dumating ang iba.

Pagkatapos ko yun ayusin umupo ulit ako. Humiga ako, sa ginawa naming higaan. Zinipper ko yun at humiga. Natatakot ako. Ipinikit ko ang mga mata ko para matulog.

Mga ilang minuto lang ang nakalipas, pero hindi ako makatulog. At wala pa sila Derek. Gabi na. Tumingin ako sa langit, takot ako sa dilim.

7th Section(Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu