Chapter 16

362 12 0
                                    


(THE MOTHER)

Third Person's POV

Tinignan ni Jon si Alyssa at tumango. Binuksan ni Alyssa ang notebook nya at pumunta sa pinakaunang page.

Pinakita nya ito kay Jon.

"Maribeth Lacuesta?" Tanong ni Jon at tumingin kay Alyssa. Tumango si Alyssa,

"My mom." Tinignan ni Jon ang notebook at tumingin ulit kay Alyssa. "She gave me that isang araw bago sya madisgrasya. She said gamitin ko yan para makatulong" Tumango si Jon at tinignan ang notebook.

"Saan nya to nakuha?" Tanong ng binata jabang nakatingin sa first page ng notebook.

"She..made that" nanlaki ang mata ng binata at tumingin kay Alyssa. Lumunok si Alyssa,

"May isang part ng page na yan na kinwento ni Mama sa akin. Yung napasok sya sa 7th section."

Kinuha ni Alyssa ang notebook, at pumunta sa isang page na nakadikit. At binigay kay Jon. "Pag nabasa mo yan.. Jon. I'll understand kung ayaw mo na ako tulungan" yun ang sinabi ng dalaga at pumunta na sa kwarto.

Kumunot ang noo ni Jon at lumunok. Hinawakan ng maigi ni Jon ang notebook at nagbasa.

Anak, Alyssa.

Ilang taon ka na kaya pag nabasa mo ito? Siguro ay mas maganda ka na ngayun anak. Anak, kung ano mang malaman mo sa sulat na ito. Matatanggap ni Mama kung kamumuhian mo ako. Kung sasabihin mo to sa Kuya mo, maiintindihan ko rin.

Gusto ko lang ng may makaalam sa mga nagawa ko at sa mga nangyari sa nakaraan ko. Ayaw ko ng maulit yun anak, ayaw ko na dadating sa punto na kayo ng Kuya mo ang magbabayad sa mga maling nagawa ko.

Nagsimula ang lahat sa pagpasok ko sa section ng eskwelahan ko. Napasok ako duon dahil sa isang exam. Napakasaya ko anak.

Naging sikat ako. At maraming mahal ako. Pero anak, nalaman ko ang totoo. Napasok ako sa section, hindi dahil sa exam na naipasa ko.

Dahil nandaya sya.. nandaya ang demonyong kaklase ko. Sinadya yon para gamitin ako, gamitin ako sa mga masasamang balak nya. Pilit kong inalam kung sino sya, pero dahil sa paghahanap ko.

Marami akong napagbintangan.. desperado na ako anak. Sa sobrang kadesperaduhan ko,

Napatay ko lahat ng kaklase ko.

Nanlaki ang mata ni Jon at bumigat ang hininga. Lumunok sya at nagbasa ulit,

Isa isa... pinatay ko silang lahat anak. At alam kong mali ang nagawa ko, makasalanan. Anak..duon ko lang nalaman, na napakalaking pagkakamali ang nagawa ko. Ng tumakas ang totoong...

Demonyo sa section namin.

Nagsisi ako. Hindi ako makatulog gabi gabi dahil sa konsensyang bumabalot sa akin. Hanggang ngayon ay nakokonsensya parin ako.

Anak. Sorry, kamuhian mo si mama. Maiintindihan ko. Mahal na mahal ko kayo ng Kuya mo tandaan mo yan.

Ginawa ko ang notebook na to na kung sakali.. ay kakailanganin mo. Anak pagaralan mo itong gamitin. Ito nalang ang matinong nakuha ko sa mga nagawa ko at sa mga nalaman ko. Mahal na mahal kita Anak.

Love,

Mama

Nanginginig na sinarado ni Jon ang notebook at nilapag. Sumandal sa upuan. Tumitig ito sa dingding at huminga ng malalim.

7th Section(Completed)Where stories live. Discover now