Kabanta 27

13 1 0
                                    

"Ayos ka lang ba, Ging?" Hindi ko maiwasan na mag-alala sa kaniya. Bakas sa mukha niya ang pagod.

"Ayos lamang ako, mahal ko. Napagod lamang talaga ako dahil sa pagtatrabaho pero normal lamang iyon. Minsan ay hindi mo talaga maiiwasan na mapagod." Nakangiting sagot nito at hinila ako papalapit sa kaniya.

Naupo ako sa harapan nito habang nakaharap sa kaniya. "Anong puwede kung gawin para mabawasan ang pagod na nararamdaman mo?" Tanong ko habang nakatingin sa mukha niya. Kahit na kumikislap ang mga mata niya ay parang pipikit naman iyon. Nakangiti ito pero hindi pa rin niyon matatago ang pagod na niya.

"Ika'y nag-aalala talaga sa akin, ano?" Natatawang sabi nito at niyakap ako ng mahigpit. "Makita at mahawakan lamang kita ay unti-unti ng nawawala na ang pagod ko, mahal ko." Ginawaran ako nito ng halik sa noo at saka hinarap at hinaplos ang mukha ko. "Ang ganda mo, aking buwan."

"Salamat." Masayang sabi ko at binigyan siya ng matamis na ngiti. "Mamasahihin kita, Ging. Ang sabi sa akin ni Seok ay makakatulong iyon para mabawasan ang iyong pagod." Sabi ko at tumayo saka kinuha sa kabinet ang pamahid saka bumalik at naupo sa harapan niya. "Puwede mo bang hubarin sandali ang iyong suot?"

"Puwede ba na ikaw ang maghubad niyon para sa akin, mahal ko?" Nakangiting tanong nito.

Tumango naman ako at sinimulang hubarin ang magkapatong na damit nito. Nakatitig lamang ito sa akin habang ginagawa ko iyon na hinayaan ko lang din naman. 

Matapos kung hubarin ang mga suot nito ay nagsimula na akong lagyan siya ng pamahid. Una ko munang nilagyan ng pamahid ay yung kanang kamay niya at iyon din ang unang minasahe.

"Saan mo ito natutunan, mahal ko?" Tanong niya kaya natigil naman ako sa ginagawa.

"M-Mali ba ang ginagawa ko?" Kinakabahang tanong ko.

"Tama ang iyong ginagawa, mahal ko. Ang totoo ay magaling kang magmasahe." Nakangiting sagot nito at hinaplos ang pisngi ko. "Salamat sa pag-aalaga sa akin."

Nginitian ko lamang siya at nagpatuloy na sa aking ginagawa. Pinag-igihan ko ng mabuti para umayos na kahit papaano ang kaniyang pakiramdam.

Matapos kung masahihin ang kanang kamay niya ay ang kaliwang kamay niya naman ang sinunod ko. Habang minamasahe siya ay nakikinig ako sa mga kuwento niya tungkol sa mga nangyari kanina sa kaniya.

"Pumunta kami sa baryo sa timog para magbigay ng pagkain, gamit at mga herbal na gamot. Malayo ang baryo kaya halos nasa dalawang oras din ang biyahe papunta ro'n."

"Kaya pala umaga pa lamang kanina ay umalis ka na." Sabi ko habang minamasahe ang balikat nito.

"Kung gusto kung makabalik kaagad ay kailangan kung umalis ng maaga. Naging maganda rin naman ang pagpunta ko ro'n dahil mababait ang mga mamamayan sa baryo na iyon. Nakakalungkot lang dahil hindi sila masyadong nabibigyan ng atensiyon dahil nga malayo ang baryo nila." Bumuntong-hininga pa ito.

"Mabuti at pinuntahan niyo sila at binigyan ng tulong." Nakangiting sabi ko.

"Si ama at ina ang nag-utos sa akin na puntahan ang baryo na iyon. Kung hindi pa nila ako inutusan ay baka hindi ko pa nalaman ang mga suliranin ng mga tao sa baryo na iyon."

"Ano-ano ba ang mga suliranin ng mga tao ro'n?" Tanong ko.

"Tubig. Maliban sa kinakapos na sila sa pagkain at gamot ay dumagdag pa ang malaking problema na iyon. Wala silang malinis na tubig do'n na puwedeng inumin. Dahil ayaw rin naman nilang mamatay sa uhaw ay iniinom na lamang nila ang tubig na nanggagaling sa balon na hindi ganoong kalinisan dahil matagal ng hindi nagagamit ang balon na iyon. At nagiging dahilan pa ang tubig na iyon para magkasakit sila."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 25, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SINESTRO Where stories live. Discover now