Kabanata 09

8 4 0
                                    

"Mula ba ng ika'y ipinanganak ay puti na ang iyong buhok?" Tanong ko sa kaniya habang sinusuklay pa rin ang buhok nito. Mahaba kaya kailangan ng ilang sandali sa pagsusuklay.

"Hindi. Itim talaga ang aking buhok ng nasa buwan pa ako. Noong bumaba lang ako dito ay siyang naging ganiyan na ang aking buhok. Lahat kaming anak ng buwan na bumababa dito sa lupa ay nagiging ganito ang buhok." Sagot nito dahilan para mapatitig naman ako sa kaniya.

"Gusto kung makita ka kapag itim na ang iyong buhok." Saad ko dahilan para matahimik naman ito sandali.

"Hintayin mong mamatay ako. Makikita mo na itim na ang aking buhok kapag kinuha na ako ng buwan." Natigilan ako at nabitawan ang binyeo na kakatapos ko lamang ilagay sa buhok nito.

"Hindi ko alam... Pasensiya na." Paghingi ko ng paumanhin sa kaniya.

"Umalis na tayo. Baka hinihintay na tayo ng Hari at Reyna." Tumayo na ito at naunang maglakad dahilan para pigilan ko naman ang kamay niya.

"Galit ka na naman ba sa akin?" Tanong ko sa kaniya. Nanatili lang itong tahimik at hindi sumagot. "Pasensiya na talaga sa aking sinabi. Patawarin mo na ako."

"Papatawarin kita dahil ikaw ang naglagay ng aking binyeo. Ngayon ah umalis na tayo. Baka hinihintay na tayo ng iyong Ama at Ina." Napangiti na lang ako ng hawakan nito ang kamay ko at higitin na papalabas ng silid. Dumeritso na kami sa silid kainan dahil andoon naghihintay ang Hari at Reyna. At tama nga ako. Nakadulog na ang mga ito sa hapagkainan ng maabotan namin. Matapos magbigay galang ay naupo na kami sa sa sahig kung saan may tela na inuupuan doon.

"Aalis na ba talaga kayo ngayon? Pwede naman kayong manatili dito ng kahit ilang araw pa." Saad ko.

"Gustuhin man naming manatili anak ay hindi talaga puwede. Siguro sa susunod ay dadalaw na lamang kami rito." Napatango na lamang ako at ngumiti kay Ina.

Nagsimula na naman silang kausapin si Sin at hinayaan ko lang naman sila. Natutuwa rin akong makitang masaya sila Ama at Ina habang kausap si Sinestro.

"Paano 'yan? Hindi ka pa pala nakakapunta sa lawa ng mga lotus? Pasensiya na sa aking pag-iimbita. Hindi ko alam na pupunta pala dapat kayo ro'n ngayon." Paghingi ni Ina ng patawad kay Sin.

"Ayos lang iyon, mahal na reyna. Siguro ay mamayang hating gabi na lamang ako pupunta ro'n." Napatingin naman ako sa kaniya pero na kay Ina ang paningin nito.

"Samahan mo mamaya ang mahal na Sinestro na pumunta sa lawa ng mga lotus, prinsipe." Napangiti na man lang ako at tumango dahil sa sinabi ni Ama. Napatingin naman sa akin si Sin at ngumiti. Bahagya pa akong natigilan sa ngiti niyang iyon. Para bang tumigil sandali ang pagtibok ng puso ko at pati na rin ang paghinga ko.

Matapos kumain ay nag-tsa pa kami sandali. Nag-usap pa rin tungkol sa mga bagay-bagay. At nang tuluyan ng matapos ay tumayo na kami dahil kailangan ng umalis ang Hari at Reyna. Nandiyan na ang karwahing bahay nila na kanilang sasakyan pabalik sa kanilang pinanggalingan. Binubuhat lamang iyon ng maraming tao kaya hindi masyadong mabilis ang usad nito kagaya sa mga normal na karwahe na pinapatakbo ng mga kabayo. Kaya kailangan ng umalis nila Ama at Ina para makabalik sila sa tamang panahon doon sa pinanggalingan nila.

Hinintay pa namin na tuluyang makaalis ang mga ito bago tuluyang bumalik sa aking silid.

"Bakit parang masaya ka?" Tanong nito habang naglalakad kami.

"Bawal ba akong maging masaya?" Balik na tanong ko sa kaniya.

"Hindi naman. Nakakapanibago lamang. Hindi mo ginagawa iyan dati." Saad nito kaya nagkibit-balikat lang naman ako.

"Magbabasa na muna ako. Gawin mo na lang ang gusto mong gawin diyan." Naupo na ako sa harapan ng mesa pero nagulat na lang ako ng maupo ito sa harapan ko mismo.

SINESTRO Where stories live. Discover now