Kabanata 23

6 1 0
                                    

"Mahal ko..."

"Huwag mo ng subukan na lumapit, Ging. Ika'y tatamaan talaga." Pinandilatan ko ito ng mata at marahas na kumagat sa aking tinapay na hawak.

"P-Pero mahal ko..."

"Walang pero pero sa akin. Manatili ka riyan." Hindi ko ito tinapunan at nagkunwari na abala sa aking kinakain.

Hindi ako galit sa kaniya. Sadyang gusto ko lamang itong paglaruan ng ilang sandali. Parusa ito sa mga ginawa niya sa akin kagabi.

"Gusto na kitang yakapin ng mahigpit, Sin. Hayaan mo akong lapitan ka, mahal ko. Huwag ka ng magalit sa akin." Pagdadrama nito pero nagkunwari lamang ako na hindi siya naririnig.

Nagpatuloy ako sa pagkain sa tinapay na aking hawak at pinalipad sa ere ang mga unan gamit ang aking kapangyarihan.

"Mahal ko..."

"Ginoo? Aming mahal na ginoo?" Tawag ng punong tagapagbantay sa akin dahilan para matigil ako sa aking ginagawa. Nalaglag ang mga unan pabalik sa kama. "Kayo ay may bisita, aming mahal na ginoo." Dagdag nito dahilan para ako'y magtaka.

"Sino ang aking bisita?" Tanong ko at tumayo at agad namang pumulupot ang braso ni Ging sa aking bewang. "Anong--"

"Mukhang alam ko na kung sino ang iyong bisita." Seryuso na ang kaniyang ekspresiyon at mababakas sa kaniyang mata ang inis.

Dumeritso kami sa labas ng silid at agad na nakita ang isang magandang karwahe sa hindi kalayuan. Mukhang mayaman ang sakay niyon.

"Sigurado ka bang ako ang may bisita at hindi ang mahal na prinsipe, punong tagapagbantay?" Tanong ko rito dahil baka nagkamali lamang ito at si Gin-hoo talaga ang pakay ng bisita at hindi ako.

"Sigurado ho ako, aming mahal na ginoo." Sagot nito matapos na tumango.

"Sino kaya ang aking bisita? Wala naman akong inaasahan na pupunta ngayon." Nagtatakang tanong ko habang tinatanaw pa rin ang karwahe.

"Kunin mo ang aking espada, Kudan."

Agad kung nilingon ang aking katabi pero seryuso pa rin ito pero mababakas sa kaniyang mukha ang pag-igting ng kaniyang panga.

"A-Anong problema, Gin-hoo?" Kinakabahang tanong ko at napahawak sa braso niya.

"May isang lapastangan na prinsipe na balak talagang kunin ang aking buwan mula sa akin." Saad nito at kinuha ang espada mula sa punong tagapagbantay.

"Huminahon ka lamang, Gin-hoo." Pagpapakalma ko rito pero nanatili lamang ang paningin nito sa harapan. Masyadong seryuso ang kaniyang mukha.

"Magandang umaga, mahal na buwan."

Nilingon ko ang pinanggalingan ng pamilyar na boses at nakita ang prinsipe ng mga Lee. Matamis itong nakangiti at halos hindi na makita ang kaniyang mga mata. Halatang mamahalin ang kaniyang kasuotan at pinapakita rin ng mga ito kung gaano ito kama-
kapangyarihan na tao.

"Ibigay niyo ang mga regalo para sa anak ng buwan." Utos nito sa kaniyang mga tagapagsilbi na agad namang tumango at lumapit sa amin dala-dala ang basket ng mga prutas, tinapay, damit at kung ano-ano pang mga bagay.

"Para saan ang lahat ng ito, prinsipe ng Lee?" Tanong ko rito.

"Nais ko sanang---"

Hindi na nito natapos pa ang kaniyang sasabihin matapos na itutok ni Ging sa kaniyang lalamunan ang dulo ng kaniyang hawak na espada. Habang ang isa nitong kamay ay hinigit ako para mas lalong malapit sa kaniya. "Ano sa tingin mo ang iyong ginagawa, Seok?" May halong inis ang seryusong boses ni Gin-hoo.

SINESTRO Where stories live. Discover now