Kabanata 06

15 2 0
                                    

"Awitan mo ako." Utos ko sa anak buwan ng mabagot dahil wala akong ginagawa.

"Dito?" Tanong nito at napatingin sa paligid. Andito pa ang punong tagapagbantay at ang mga katulong dahil kakatapos lang naming kumain at kasalukuyang nagpapahinga. Senenyasan ko naman ang mga ito na umalis dahilan para maiwan kaming dalawa. Itinaas ko naman ang isa kung paa at itinukod doon ang siko at ipinahinga ang baba sa likod ng palad ko habang deritsong nakatingin sa kaniya. Nagsimula naman itong kumanta dahilan para mas lalong akong napatitig sa kaniya. Ayaw ng umalis ng paningin ko sa anak ng buwan na kumakanta ng sobrang ganda ngayon sa harapan ko.

Mula sa mata nito ay bumaba naman ang paningin ko papunta sa labi nito. Tumigil naman bigla ito sa pagkanta kaya bahagya namang tumagilid ang ulo ko. "Bakit ka tumigil?"

"Bakit ka nakatitig sa aking labi?" Balik na pagtatanong nito.

"Gusto mong malaman ang sagot?"

"Oo." Mabilis na sagot nito.

"Kung ganoon ay lumapit ka." Saad ko at agad naman itong tumayo at lumapit papunta sa harapan ko. Naupo ito sa mismong harapan ko at kaunti lamang ang distansya ng aming mga mukha sa isa't-isa.

"Sagutin mo na ang aking tanong. Bakit ka nakatitig sa aking labi?" Tumingin pa muna ako sa kaniyang mga mata bago pumunta sa labi niya ang paningin ko.

"Naaalala ko lang ang nangyari sa lawa ng nakaraan. Hindi na mawala-wala iyon ngayon sa aking isipan." Saad ko at itinaas ang daliri at hinaplos ang labi nito.  "Akalain mong pwede pa lang magtaglay ang isang lalaki ng ganito kalambot na mga labi. Nakakamangha." Ramdam ba ramdam ko ang kalambotan ng kaniyang labi. At parang mala-rosas ang kulay nito. Napapahanga na lamang ako.

"Wala ka pa bang nahahalikang labi noon na mas malambot pa kesa sa akin?" Tanong nito kaya napabalik naman ang paningin ko sa mga mata nito.

"Wala pa." Sagot ko at hinigit ang kamay nito dahilan para mas lalo naman itong mapalapit sa akin. "Ikaw pa lang." Agad kung inilapit ang labi ko sa labi nito at ipinikit ang mga mata.

Ang inaasahan ko ay itutulak ako nito papalayo. Handa na ako roon pero hindi nangyari iyon. Nanatili lang itong hindi gumagalaw.

Labis akong binabagabag ng unang halik na iyon doon sa lawa. Ilang araw ng pumapasok iyon sa isip ko at hindi na mawala-wala. Para bang gusto ko ulit maranasan na mahalikan ang mga labing iyon. Kaya ito ngayon at nagawa ko na nga.

Napamulat naman ako at nagtama naman ang mga mata naming dalawa. "Tutugon ka ba sa halik kapag hinalikan kita ulit?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi ko alam... Hahalikan mo ba ulit ako?" Bahagyang nakabuka ang kaniyang labi at ang mga mata ay nakatingin din sa mga mata ko.

Tumaas naman ang sulok ng labi ko. "Ano ba sa tingin mo?" Tanong ko at hinawakan ang batok nito at hinalikan ulit ang labi nito. Pero sa pagkakataong ito ay ako naman ang nakamulat at siya naman ang nakapikit ng maririin. Ginalaw ko naman ang labi ko sa labi nito para hikayatin siya na igalaw rin ang mga labi. At nagtagumpay nga ako. Agad itong bumawi ng halik dahilan para mas lalo ko namang pag-igihan ang ginagawa ko habang sinisimulang haplusin ang tenga nito.

Nang tuluyang maghiwalay ang labi naming dalawa ay pareho na kaming naghahabol ng hininga. Nadilaan ko naman ang sariling labi habang nakatingin sa labi nito na mas lalong namula. Balak ko na sanang halikan ito ulit pero hindi pa man ako nakakagawa ng galaw ay narinig ko na ang boses ng punong tagapagbantay. "Mahal na prinsipe oras na po para sa inyong pagbabasa."

"Wala ako ganang magbasa ngayon. May mas importante pa akong ginagawa kaya huwag niyo akong isturbuhin." Sagot ko at inilapit ang labi sa leeg ng lalaking nasa harapan ngayon.

SINESTRO Where stories live. Discover now