Kabanata 22

7 0 0
                                    

Matapos na makarating sa palasyo ay dinala ko na ang mahal na prinsipe sa kaniyang silid para ito'y makapagpahinga na dahil tiyak na inaantok na ito lalo na at nakainom na siya.

Tinulungan ako ng punong tagapagbantay sa pagdadala kay Gin-hoo sa kaniyang silid. Mukhang huli ng tumama ang epekto ng alak dahil ngayon lamang ito umakto na parang isang tunay na lasing. Hindi na siya makalakad ng maayos kaya kailangan na siya naming tulungan. Nakapikit na rin ang kaniyang mga mata at panay ang kaniyang pagsinok.

Ang kaniyang mga kaibigan kanina ay lasing na ng iwan namin pero ito siya at ngayon lamang tinamaan. Parehong alak lang naman ang kanilang ininom. Marahil ay ganoon lamang talaga siya?

Agad na binuksan ng punong tagapagbantay ang pintuan ng silid ng mahal na prinsipe at ako naman ang nagpasok sa kaniya. "Ako na ang bahalang umasikaso sa kaniya, punong tagapagbantay. Puwede ka ng magpahinga." Saad ko habang nakatingin dito.

"Sigurado ba kayo, ginoo?" Paninigurado pa nito kaya ngumiti naman ako at tumango.

"Magpahinga ka na sa iyong silid. Alam kung ika'y pagod at inaantok na, punong tagapagbantay." Kahit hindi niya sabihin ay kitang-kita iyon sa kaniyang mukha.

"Maraming salamat, mabait na anak ng buwan na aming ginoo. Ako'y aalis na kung gano'n." Paalam nito at tumango pa bago tuluyang lumabas ng pintuan at siya na rin ang sumarado niyon.

Pero nabigla na lamang ako nang biglang gumalaw ang prinsipe at yumakap sa akin. "May problema ba, mahal na prinsipe?" Tanong ko rito pero hindi ito sumagot. Naramdaman ko na lamang na hinahalik-halikan na niya ang aking leeg. "Ikaw ay amoy alak pa, mahal na prinsipe." Naramdaman kung tumigil ito sa ginagawa dahil sa aking sinabi.

Hinarap ako nito at may kakaibang kislap na ang kaniyang mga mata. "Ayaw mo ba sa aking amoy, mahal ko?" Namamaos na tanong nito habang ang paningin ay nasa aking labi.

"Hindi naman sa ganoon--"

Bigla na lamang nitong inangkin ang aking labi at hinigit ang aking katawan upang mas lalong malapit sa kaniya. Napapikit na lamang ako at napahawak sa kaniyang dibdib lalo na ng bumaba ang kaniyang labi sa aking leeg.

"Gusto kung markahan ang iyong katawan gamit ang aking labi, mahal ko. Puwede ko bang gawin iyon?" Pabulong na tanong nito sa mismong tainga ko dahilan para manindig ang aking mga balahibo. Ang mainit nitong hininga na tumatama sa aking balat ay pinapabilis ang tibok ng aking puso at ganoon din ang namamaos nitong boses.

Hindi ko ito sinagot. Sinapo ko ang magkabilang pisngi nito at binigyan ng marahang halik sa labi at nagmulat ng mga mata dahilan para magtama ang mga mata naming dalawa.

"Isa ka ngang anak ng buwan." Hinaplos nito ang aking labi ng marahan gamit ang kaniyang hinalalaki na para bang isang babasaging bagay ang aking labi na kailangan ay puno ng pag-iingat ang bawat hawak mo rito para hindi mabasag. "Ang ganda mo ay kagayang-kagaya sa kagandahan na mayroon ang buwan." Pagpapatuloy pa nito at inalis ang daliri at pinalitan iyon ng kaniyang labi.

Napapikit akong mula ng bumaba ang kaniyang labi sa aking leeg samantalang ang kaniyang kamay ay ibinaba ang aking damit dahilan para lumantad ang aking mga balikat. Napadaing na lamang ako ng sipsipin nito ang maliit na balat sa aking leeg at kinagat iyon. Nagsimula ng bumigat ang aking paghinga at patuloy sa pagdaing dahil sa ginagawa nito sa aking katawan. Hindi ko na namalayan na nakahiga na pala ako sa sahig. Nawawala na ako sa tamang pag-iisip dahil sa mga ginagawa ng mahal na prinsipe sa aking katawan.

Nanginginig kung pinakawalan ang aking hininga at napamulat ng maramdaman ang kamay ni Gin-hoo na pumasok na sa aking suot na pantalon. Unti-unting  gumagapang ang kaniyang kamay papunta sa aking binti. "Gin-hoo..." Tawag ko sa pangalan nito dahilan para magtaas naman ito sa akin ng tingin at sandaling itinigil ang kaniyang ginagawa sa aking leeg.

SINESTRO Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang