Kabanata 03

15 6 0
                                    

"Ano ang pangalan mo?" Tanong ko sa kaniya habang tinitingnan siya. Napatingin naman ito sa akin at nilunok muna ang nginunguya bago sumagot.

"Sinestro. Pero Sin ang tawag sa akin ng mga malalapit sa akin. Puwede mo akong tawaging ganoon dahil ikaw naman ang nagligtas sa akin." Saad nito at nagpatuloy sa pagkain ng bulaklak ng lotus.

Ang ganda ng lawa kapag gabi pero mas maganda pala kapag sa umaga. Kumikinang ang tubig. Matitingkad ang kulay ng mga halaman. Sobrang ganda ng lawa ngayon. Kanina pa ako nabibighani ng ganda nun.

"Anong maitutulong ng bulaklak na 'yan sa'yo?" Tanong ko.

"May maganda at pangit na naibibigay sa'yo ang bulaklak na 'to. Doon tayo sa maganda. Napapabilis nitong naibabalik ang kapangyarihan ko. Pinapagaling rin nito ang mga pinsala sa katawan ko ng bahagya at ganoon din ang tubig. Kaya ako nakakalangoy ng maayos dahil hindi na sumasakit ang braso ko. Pero ang likod ko ay kumikirot pa rin. Siguro dahil masyadong malaki talaga ang sugat ko ro'n." Pagpapaliwanag nito kaya napatango-tango naman ako.

"Ano naman ang pangit na naibibigay ng bulaklak na 'yan?" Tanong ko.

"Nalimotan ko na eh." Sagot nito dahilan para mapakunot naman ang noo ko. Hindi ako naniniwala na nakalimotan na talaga niya iyon pero na lang rin ako nagpumilit pa. Baka may dahilan naman siya para hindi sabihin iyon.

Makaraan ang ilang sandali pa ay nagsimula na naman itong lumangoy sa lawa. Ang gandang tingnan ng buhok nito kapag lumalangoy siya sa tubig.

Nang tuluyang umahon ay agad ko naman kinuha ang tuwalya na dala at itinapon sa kaniya iyon. "Hindi mo pwedeng suotin ang hanbok mo na basa pa 'yang katawan mo. Ayusin mo rin ang buhok mo." Utos ko sa kaniya habang nakatingin pa rin sa lawa.

Maya-maya ay bigla naman itong lumapit sa akin pero hindi pa rin ayos ang buhok nito. "Nasaan ang binyeo mo kanina?" Tanong ko sa kaniya. Agad naman nitong ibinigay iyon kaya kinuha ko naman iyon mula sa kaniya saka agad na pumunta sa likod nito at inayos ang buhok niya. "Sa susunod na maghubad ka pa sa harapan ko ay hindi na ako mananatili sa isang tabi ng walang nangyayari, maliwanag ba?" Bulong ko sa tenga nito at agad na lumayo at kinuha na ang mga gamit ko. "Umalis na tayo." Saad ko at nilingon siya.

"Tinatakot mo ba ako, prinsipe?" Tanong nito habang nakatingin sa akin.

"Binabalaan lamang kita, anak ng buwan." Seryusong saad ko.

"Tss. Parang magagawa mo naman talaga 'yon. Kaya kung ipaglaban ang sarili ko kapag nagkataon." Saad nito at naglakad para sana mauna pero pinigilan ko naman ang braso nito.

"Talaga? Sa ganiyan ang kondisyon mo ngayon? Sa tingin mo ay mananalo ka sa akin?" Tanong ko sa kaniya.

"Kaya kitang patumbahin gamit lang ang kamao ko, kamahalan." Bawi naman nito dahilan para tumaas naman ang sulok ng labi ko.

"Kaya naman kitang patumbahin gamit lang ang labi ko, anak ng buwan." Saad ko dahilan para matigilan naman ito at bumaba ang paningin sa labi ko. "Mauna ka ng maglakad. Baka mamaya ay matumba ka na naman." Dagdag ko pa dahilan para samaan naman ako nito ng tingin at sinugod ng suntok pero agad din na napadaing ng sumakit ang balikat nito. Agad naman akong lumapit para tulungan siya.

"Huwag mo akong hawakan!" Singhal nito.

"Hindi na kita bibiruin. Umalis na tayo. Hayaan mo na tulungan kita." Saad ko at inalalayan ito. Suminghal pa ito ulit pero hinayaan naman ako nito na tulungan siya. Natahimik naman ulit kaming dalawa pero binasag ko rin naman iyon ng isang tanong. "Anong mangyayari sa'yo ngayong andito ka na sa mundo ng mga tao?"

"Doon lang dapat ako sa lawa. Pero mamamatay ako kapag hindi ako humingi ng tulong. Siguro ay magpapagaling lang ako sa inyong palasyo at tuluyan ng aalis kapag gumaling para bumalik sa lawa para doon na manirahan ulit." Hindi ko mawari pero parang hindi ko kinatuwa ang sinabi nito. Dapat ay maging masaya na ako, hindi ba? Dahil wala na akong aasikasuhin pa kapag wala na siya sa palasyo.

SINESTRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon