Kabanata 21

10 1 0
                                    

"Matagal ka na bang namamalagi rito sa Duwan, Sin?" Tanong ni Wooyoung na kasama kung umiinom ng mainit na tsokolate at kumakain ng masarap na tinapay na may minatamis na melokoton na palaman.

"Medyo matagal na rin naman akong nandito." Sagot ko at inihiga ang aking ulo sa balikat ni Gin-hoo. Nakikipag-inuman ito sa ibang mga kaibigan habang nag-uusap.

"Paano kayo nagkakilala ni Ging?" Interesadong tanong nito at ang mga mata ay sabik na malaman ang sagot.

"Iniligtas niya ako sa bingit ng kamatayan. Dahil sa kaniya ay andito pa rin ako ngayon at kausap mo, Wooyoung." Kumurot ako ng kaunting piraso ng tinapay na hawak ko at sinubuan si Gin-hoo na hindi naman nagreklamo at kinain iyon.

"Kaya ba minahal mo kaagad siya?" Bakas sa boses niya ang panunukso.

Pero dahil sa tanong na iyon ay natigilan ako. Sandali akong napatitig sa hawak kung tinapay at hindi kaagad nasagot ang tanong. Napaisip ako kung ano ba dapat ang isasagot ko. Kung dapat ko ba na sabihin sa kaniya na hindi gano'n ang nangyari o magsisinungaling na lamang ako at sasabihin na tama ito.

At mas pinili kung sabihin na lamang ang totoo. Umayos ako ng upo at inalala ang unang beses naming pagkikita ni Ging sa lawa. Para akong hinihigop ng mahal na prinsipe ng mga oras na iyon. Na kailangan ay makalapit ako sa kaniya kahit anong mangyari. Na dapat ay makita ko ng klaro ang mukha niya. Kusa na lamang na gumalaw ang katawan ko ng mga oras na iyon at parang nawala ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Para bang siya na ang magiging susi ko para makaligtas mula sa aking kamatayan. Pero mas lalo akong naging interesado sa kaniya nang tuluyan ko ng makita ang mukha niya. Nang mga panahon na iyon ang unang beses na humanga ako sa isang tao lalo na sa pisikal na anyo nito. Sobrang guwapo nito sa kaniyang suot na hanbok at gat. Kumikinang ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin na hindi na naalis-alis. Bahagyang nakabuka ang maganda niyang labi. May bigla na lamang bumulong sa akin ng panahon na iyon na kailangan kung maramdaman at malaman kung anong klaseng labi ang mayroon ito. At nalaman ko nga. Matamis at 'kay sarap halikan. "Naging interesado ako sa kaniya noong una ko siyang nakita. Sobra akong naging interesado." Nakangiting sagot ko pero natatakot na lingunin ang katabi dahil baka hindi niya nagustuhan ang aking naging sagot. Baka malungkot ito dahil hindi ko sinabi na minahal ko na kaagad siya ng una ko siyang nakita sa lawa.

Pero bago pa lumalim ang pag-iisip ko ay naramdaman ko na ang mainit na halik ni Ging sa aking sentido. "Gano'n din ako. Hindi na nawala sa isip ko ang labi mo simula nang gabing iyon, mahal ko." Bulong nito sa tenga ko at hinalikan ulit ako sa aking sentido.

"Ngayon ko lamang nakitang ganito si Ging. Simula noon ay palagi lamang itong seryuso at minsan lamang kung bumakas sa kaniyang mukha na masaya ito. Mas interesado pa ito sa libro kesa sa mga babaeng umaagilid rito. Minsan nga pati rito ay nagbabasa pa siya ng mga hilig na libro. Pero simula kanina hanggang ngayon ay hindi na nawala sa mukha niya ang kasiyahan. Kumikinang ang kaniyang mga mata tuweng titingnan ka. Hindi man lang nito naisipan na magdala ng libro dahil kasama ka niya. Masaya ako na makita ang kaibigan kung masaya at maligaya." Nakangiti na si Wooyoung habang nakatingin sa aming dalawa ni Gin-hoo. "Bagay talaga kayong dalawa para sa isa't-isa."

Hindi ko na napigilan ang masayang ngiti na kumuwala sa aking labi. Nagpatuloy ako sa pag-inom ng aking tsa habang patuloy na nakikipag-usap kay Wooyoung pero kinalaunan ay namalayan na lamang namin na nakikipag-usap na rin kami sa iba pang kasama. Masaya naman silang kausap at hindi sila masama sa akin o maski kay Gin-hoo kaya ayos lang siguro kung makipag-usap din ako sa kanila sa maayos na paraan at tono.

Tumagal pa kami ng mahigit dalawang oras na kasama sila bago kami tuluyang nagpaalam ni Gin-hoo. Malapit ng maghating-gabi. Nakainom na ang kasama ko pero maayos pa naman siya. Pero inalalayan ko pa rin siya para makasigurado dahil baka bigla na lamang itong matumba mamaya.

SINESTRO Where stories live. Discover now