Kabanata 16

7 1 0
                                    

Kakabalik lang namin ngayon mula sa lawa ng lotus. Sinamahan ko si Sin sa pagpunta ro'n. Naging maayos naman ang lahat sa aming paglalakbay. Wala namang tulisan na gusto na naman akong patayin.

Kasalukuyan kami ngayong nasa aking silid at nagbabasa ng libro. Ito ay nakaupo sa gitna ng aking mga hita habang kumakain ng tinapay at nakikinig sa aking binabasa. Suot ko ang aking sombrero at nakaayos na ang aking buhok pero ito ay walang suot na kahit ano. Kahit ang kaniyang binyeo ay hindi niya suot.

Pero kahit ganoon ay hindi maiisip na isa lamang itong simpleng mamamayan sa bayan na ito. Bukod sa kaniyang anyo ay may tinataglay rin itong aura na kakaiba kesa lahat. Iyong tipong ipinapakita na mas mataas siya kesa sa mga tao. Ipinapakita na anak siya ng buwan.

"Nag-iisa lamang at hindi kayang pantayan nino man." Naiusal ko habang nakababa ang tingin sa kaniya.

"Mali ang iyong pagkakabasa, Ging. Wala iyan sa libro." Nagtaas ito ng tingin sa akin at mahinang natawa kinalaunan. "Ngayon alam ko na ang iyong tinutukoy."

"Pasensiya na. Naaagaw mo lamang talaga ang aking atensiyon." Paghingi ko ng paumanhin at inayos ang kaniyang buhok. "Ako'y magpapatuloy na sa pagbabasa."

"Hindi ka ba nauuhaw? Mula pa kanina simula ng ika'y magbasa." Tanong nito sa akin pero kumuha na ito ng tubig para sa akin.

"Ako ay nauuhaw na nga. Mabuti at itong pinaalala." Nakangiting saad ko at kinuha ang isang baso ng tubig mula sa kaniya. "Salamat."

Parang hindi lang namalayan. Patapos na ang tagsibol ngayon. Magiging masaya lalo kapag nagsimula ng maglaglagan ang niyebe, kapag nagsimula na ang taglamig.

"Alagaan mo ang iyong sarili, mahal na prinsipe." Pangangaral nito sa akin bago bumalik sa posisyon at nagpatuloy sa pagkain.

Bigla naman akong may naalala na dati ko pang gustong itanong sa kaniya. Nag-isip naman muna ako kung itatanong ko ba sa kaniya iyon ngayon at sa huli ay mas pinili ko na lang na itanong dahil binabagabag talaga ako niyon. "Sin."

"Ano 'iyon?"

"May gusto akong itanong sa'yo. Puwede mo bang sagutin para sa akin?"

"Oo naman. Ano ba ang iyong tanong?"

"Ano ang pangit na naibibigay ng bulaklak ng lotus sa'yo?" Tanong ko at naramdaman ko naman kaagad kung paano ito matigilan.

Bakit kaya ganito ang nagiging reaksiyon niya? Masama ba ang aking tanong? Dapat ba ay hindi ko na lang iyon itinanong sa kaniya? Galit ba siya sa akin?

"Hindi mo kailangang sagutin ang tanong na iyon kung hindi mo gusto, anak ng buwan. Hindi kita pipilitin." Saad ko kaya napalingon naman ito sa akin at ngumiti.

"Ayos lang. Sasagutin ko ang iyong tanong." Saad niya at bumalik sa puwesto niya kanina at inihiga ang ulo sa dibdib ko. "Maraming pangit na naibibigay ang bulaklak ng lotus sa akin. Una na roon ay habang parami ng parami ang kinakain kung bulaklak ay siyang palayo naman ako ng palayo sa daan ko pauwi sa buwan. Ang sabi ng aking Ina ay sa bawat bulaklak na kinakain ko ay siyang paunti-unting pagsara ng pintuan na siyang daan para makabalik ako. Kadalasan ay hindi na nakakabalik pa sa buwan ang mga anak ng buwan na napupunta rito sa mundo ng mga tao. Pero merong isa na nakabalik doon kahit hindi pa siya namamatay. Dahil naging malakas ito at pinatunayan na karapat-dapat siyang mapunta sa buwan. Pero hindi na mangyayari pa iyon sa akin dahil masyado akong mahina. Umaasa pa rin ako sa kapangyarihan ng aking mga magulang. Ang lawa ng lotus ay lugar na siyang ibinigay sa akin ng aking mga magulang para aking tirahan para manatiling buhay rito. Puno ng kapangyarihan nila ang lugar na iyon. Ang totoo ay dapat hindi ako umaasa sa kapangyarihan ng lugar na iyon... pero wala akong magagawa dahil kapag hindi ako pumunta roon ay tiyak na mamamatay ako." Pagkukwento nito.

SINESTRO Where stories live. Discover now