Kabanata 20

7 1 0
                                    

Makaraan ang mahigit kalahating oras ay narating na naming tuluyan ang Gidel. Kasama pa rin namin ni Sin ang punong tagapagbantay at limang kawal pero nakasunod lamang ito sa amin, nasa likuran namin ang mga ito. Pagpasok sa unang palapag ay agad na tumango ang mga taong aming nadadaanan kapag nakikita ako. Matataas mang tao o normal na mamamayan. Inilagay ko ang aking kanang kamay sa bewang ng aking mahal nang mapansin na dumadami ang mga matang humahanga sa kaniya habang dumaraan kami. Mapalalaki man o babae ay napapako sa kaniya ang paningin matapos na tumango sa akin. Inaasahan ko na iyon pero hindi ko pa rin mapigilan ang sarili na ipamukha sa mga taong iyon na akin lamang ang aking Sinestro. Pero hindi ko rin naman talaga sila masisisi dahil sobrang ganda ng aking mahal. Kahit na yung pinakasimpleng itim na hanbok lamang ang kaniyang suot ay kumikinang pa rin ito sa ganda at naaagaw ang mga mata ng mga madla.

Oh mahal ko... Bakit ang ganda-ganda mo? Nandito pa lamang tayo pero marami na ang tumitingin sa'yo, paano pa kaya mamaya kapag nandoon na tayo?

Bigla na lamang akong kinalabit ng aking katabi at nagtaas sa akin ng tingin. "Puwede ba ulit tayong bumalik sa labas mamaya?" Ang ganda ng kaniyang ngiti at umabot iyon sa kaniyang mga mata. Tila masaya talaga ito dahil nakapunta rito.

"Oo naman. Puwede tayong dumaan mamaya sa labas at mamasyal sandali bago umuwi." Sagot ko at inilagay ang ilang hibla ng kaniyang buhok na napunta sa kaniyang pisngi pabalik sa likuran ng kaniyang tainga.

Marahil ay nabighani rin ito ng magagandang ilaw at palamuti sa labas. Tinatawag na entertainment district o aliwang distrito ang lugar na ito na nasa gitna ng bayan. Kagaya ng pangalan nito ay isang aliwan ang lugar na ito at mas maganda kapag gabi dahil sa mga ilaw at palamuti sa bawat kalye. May mga nagtitinda rin ng pagkain at kung ano-ano sa gilid-gilid ng mga kalsada. Parang lagging may pista kapag ika'y nandirito lalo na at palaging nagkakasiyahan ang mga tao rito.

"Puwede mong masaksihan ang ganda ng entertainment district mula sa ikalawang palapag, mahal ko. Tiyak na magugustuhan mo ang tanawin na iyong makikita." Saad ko dahilan para mamilog ang kaniyang mga mata at pati na ang kaniyang labi dahil sa paghanga. Wala pa man din at mukha na itong natutuwa.

"Hindi na ako makapaghintay na makita ang tanawin na tinutukoy mo, mahal na prinsipe." Yumakap ito sa akin at marahang tumawa dahil sa tuwang nararamdaman.

Napangiti na lamang ako at hinayaan lamang itong yumakap sa akin. Nakakaganda talaga ng araw ang kaniyang mga ngiti at tawa. Nakakahawa kapag siya'y masaya.

Ilan pang sandali ay narating na namin ang hagdan na magdadala sa amin papunta sa ikalawang palapag. Deritso lamang ang aking tingin at hindi na inabala pang pansinin ang mga babae na aming nadadaanan na halos lumabas na ang kanilang dibdib mula sa kanilang mga suot. Paminsan-minsan ay tinitingnan ko si Sin at hindi maiwasan na hindi matawa dahil sa reaksiyon nito habang nakatingin sa mga babaeng nadadaanan. Bakas sa mukha nito na parang gustong sabihan ang mga babae na ayusin ang kanilang pananamit.

Nang makarating sa ikalawang palapag ay naglakad pa kami sandali sa isang pasilyo bago narating ang kuwarto kung nasaan ang ibang mga prinsipe at aking mga pinsan na puro ko mga kaibigan. Inutusan ko ang punong tagapagbantay at nga kawal na manatili na lamang sa labas ng silid. Habang kami naman ni Sin ay pumasok na sa loob matapos na pagbuksan ng pinto ng dalawang babaeng tagapagsilbi.

"Mabuti at nakarating ka, Gin-hoo. Kami'y kanina pang..."

Natigil sa pagsasalita si Wooseok ng mapunta ang kaniyang paningin sa aking katabi. Lahat ng mga mata nila ay nasa kasama ko na ngayon. Hindi na namin iyon masyadong pinansin at dumeritso na lamang sa isang parte ng sahig na wala pang umuukupa at naupo sa malambot na tila. Nakapalibot kaming lahat sa isang malaking mesa na mababa. Pare-pareho kaming nakaupong lahat.

SINESTRO On viuen les histories. Descobreix ara