Kabanata 01

22 5 0
                                    

Nagpatuloy ang mga araw ko kagaya ng dati. Pero masyadong umugong ang balita tungkol sa lalaking may puting buhok. Siya na ang halos pinag-uusapan ng lahat dito sa palasyo.

Palagi ko namang naiisip ang mga nangyari nung nasa lawa pa kami at hindi na maalis-alis sa isipan ko iyon kahit na anong gawin ko. Simpleng pagdikit lang naman ng mga labi iyon. Hindi din naman masama na gawin iyon kahit pa na magkapareha pa kami ng sekswalidad. Pero iba talaga ang pakiramdam niyon. Alalang-alala ko pa rin ang pagtigil ng mundo ko ng mga oras na iyon.

Napabuntong-hininga na lang ako at itinigil ang ginagawa. Kasalukuyan ako ngayong nagbabasa ng mga aklat. Pero halos hindi rin naman pumapasok sa utak ko ang mga nababasa ko dahil labis na inuukupa ako ng pag-iisip.

"May problema po ba, mahal na prinsipe?" Tanong ng punong tagapagbantay sa akin.

"Wala naman." Isinagot ko at sinubukan na i-pokus ang aking atensiyon sa binabasa at hindi na nag-isip ng kung ano-ano pa. Ikinalma ko ang sarili at ipinanatag ang loob at nagtagumpay naman ako. Nagpatuloy na lang ako sa pagbabasa hanggang sa hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras. Masyado na akong nawili sa aking binabasa ngayon. Pero agad din akong natigilan nang mapagtanto kung ano ang binabasa ko.

Tungkol iyon sa mga anak ng buwan na bumababa sa lawa ng lotus. Agad kung nabitawan ang hawak na libro dahilan para mapatingin sa akin ang punong tagapagbantay. Agad ko naman dinampot ang libro at nilagay iyon sa iba pang mga libro.

"Tapos na ba kayo, mahal na prinsipe? Gusto niyo bang ipahanda ko na ang inyong tanghalian?" Tanong nito sa akin.

"Kamusta na ang lalaking sugatan?" Tanong ko sa kaniya habang kunwaring nagbabasa ang panibagong libro.

"Nagpapagaling pa rin siya, mahal na prinsipe. Nagising na siya kahapon pero nanatili lang siya roon sa kwartong inuukupa niya. Siguro ay hindi pa maayos masyado ang kaniyang pakiramdam kaya hindi pa siya nakakalabas."

"Pinapakain niyo naman ba siya?" Tanong ko pa ulit.

"Kaninang umaga ay kumain naman siya ng pagkaing dinala ng kawal." Napatango-tango naman ako saka sinarado na ang libro at tumayo. "Ipapahanda ko na po ba ang tanghalian niyo?"

"Oo, ipahanda mo na at nagugutom na ako." Tumango naman ito at nagpaalam na mauuna na para ihanda na ang magiging tanghalian ko ngayong araw. Kasama niyang ginagawa iyon ang mga katulong dito sa palasyo na ninilbihan sa akin. Paglabas ko sa kuwarto ay agad ko namang nakita ang apat na kawal na naghihintay sa akin. Hinayaan ko lang naman sila na sumunod. Hindi muna ako dumeritso sa hapagkainan. Naisipan kung daanan na lang muna ang lalaking sugatan. Titingnan ko lang ang lagay nito.

Maya-maya lang ay narating ko naman ang kuwarto nito kung saan may dalawang kawal na nagbabantay rin sa kwarto. Siguro ay para walang makapasok na ibang tao ro'n lalo na at madami ang mausisa na gustong makita ang anak ng buwan.

Bahagyang yumuko pa ang mga ito sa akin nang makita ako. "Nais niyo po bang makita ang anak ng buwan, mahal na prinsipe?" Tanong ng isang kawal at tumango lang naman ako bilang sagot. Agad naman nitong binuksan ang pinto kaya pumasok na ako. Hinintay ko pa muna na sumarado ang pinto bago ako maglakad papunta sa natutulog na lalaki sa kaniyang higaan na nasa sahig. Halos tatlong beses ko pang inutusan ang mga katulong na palitan ang kutson dahil halatang hindi komportable ang dalawang mga nauna niyang kutson. Hindi nakaayos ang buhok nito hindi kagaya ng sa akin. Nakalugay lang ang mahaba at puting buhok nito. Naupo naman ako sa gilid niya at hinawakan ang ilang hibla ng buhok nito. Tinitigan ko pa iyon ng ilang sandali bago mapunta sa mukha nito ang paningin ko. Naaalala ko pa ang asul na mga mata nito na deritsong nakatingin sa akin ng gabing iyon. Bumaba naman ang paningin ko sa ilong nito at napataas ang daliri ko para haplusin ito. Sobrang puti rin ng kaniyang balat. Bumaba ng tuluyan sa labi nito ang paningin ko at agad na hinaplos ng maingat iyon habang tinatagilid ng bahagya ang ulo para matitigang maigi ang labi nito.

SINESTRO Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora