Kabanata 08

8 4 0
                                    

Napagdesiyonan na ng Hari at Reyna na magpahinga sa kanilang silid. Napagod siguro sa biyahe at sa ginawa naming paglalakad kanina. Kami naman ng anak ng buwan ay pumunta na sa aking silid.

"Napagod ka rin ba?" Tanong ko sa kaniya nang mahiga ito bigla sa sahig.

"Inaantok lamang ako." Sagot naman niya. Napatitig naman ako sa kaniya ng ilang sandali bago tuluyang lumapit at nahiga rin sa tabi nito. "Marumi ang sahig, mahal na prinsipe. Doon kayo matulog sa inyong hinagaan." Saad nito pero nanatili lang ako sa kinahihigaan ko at hinalikan ang batok nito.

"Kung sasamahan mo ako ay pupunta ako roon." Bulong ko sa tenga nito at hinalikan ang leeg niya.

"Anong gagawin natin doon pagkatapos?" Tanong nito at humarap sa akin. Napatitig naman ako sa mukha niya dahilan ng ilang sandali. 

"Depende." Sagot ko naman.

"Anong depende ang iyong tinutukoy?" Tanong niya ulit.

"Masyado ka talagang matanong minsan, anak ng buwan." Saad ko at hinaplos ang labi nito at marahan iyong hinalikan. Napunta naman ang kamay ko tenga nito at masuyo iyong hinaplos. Nang magmulat ay napatitig naman ako sa mukha niya. "Hindi pa rin ako makapaniwala na kayang maging ganito kaganda ng isang lalaki."

"Maniwala ka na. Andito na sa harapan mo ang pruweba." Saad nito at hinalikan ako. Napangiti na lang ako at hinigit siya dahilan para mapaupo ito sa mga hita ko. "Bakit ang tamis ng labi mo?" Tanong nito at bahagya pang sinipsip ang labi ko.

"Siguro dahil sa tsa kanina. Marami ako kung maglagay ng asukal." Sagot ko at hinawakan ang baba nito at saka hinalikan ang labi niya na agad niya namang tinugon. Nagpatuloy lang ang halikan naming dalawa at lumalim na ang halik na iyon. Tuluyan lang tumigil para maghabol ng mga hininga.

Napahiga ito sa leeg ko at hinayaan ko lang naman siya. Pero maya-maya pa ay napansin kung hindi na siya gumagalaw kaya tiningnan ko naman ang mukha nito at mahinang natawa ng makitang nakatulog na pala ito.

Maingat na binuhat ko naman ito at dinala sa aking higaan at doon inihiga. Naupo sa gilid at bahagya pang tumigilid ng ulo para titigan ang mukha nito na ngayon ay sobrang himbing na ng tulog. Balak ko na sanang umalis pero napatigil din ng mapansin na nakahawak pa rin ito sa aking hanbok. Napangiti na lamang ako at maingat na nahiga sa tabi nito. Braso ko ang ginawa kung unan at nanatili lang na nakatitig sa kaniya ngayon habang nakatagilid ng higa. Pero hindi ko inaasahan ang bigla nitong paggalaw. Bigla na lang itong sumiksik sa akin. Pinigilan ko naman na matawa at iniyakap na lang ang braso sa kaniya at ipinikit na ang mga mata ko. Makaraan lang ang ilang sandali ay naramdaman ko naman ang pagka-antok at tuluyan na rin na nakatulog.

Hindi ko alam kung ilang na akong nakatulog, basta nagising na lang ako bigla. Wala na sa tabi ko si Sin. Agad naman akong bumangon at nagpalinga-linga sa paligid pero wala talaga siya sa buong silid. Lumabas naman ako at agad na tumama ang paningin ko sa lalaking nakatayo sa bubong ng isang bahay. Inaanod ng hangin ang buhok nito na wala na namang binyeo. Marahil ay kinuha niya na naman. Nakatingin siya sa buwan at wala ng iba. Tahimik na naglakad naman ako papuntang sa gawi niya at naririnig itong kumakanta. Kanta na palagi kung naririnig mula sa kaniya. Kanta na sobrang gusto kung pakinggan.

Hinayaan ko lang siya sa ginagawa at nagpatuloy lang sa pakikinig sa kaniya habang nakapikit ang mga mata. Ang ganda ng boses nito kapag kumakanta. Mas lalo ka na hahanga sa kaniya.

Unti-unti kung naiintindihan ang kanta. Tungkol iyon sa taong nagmahal ng isang buwan. Siguro ay kanta iyon ng Ina niya noon. Siguro ay gusto niya ng makasama ang kaniyang Ama at Ina.

Gusto ko siyang makasama ulit ang magulang niya pero para magawa niyon ay kailangan niyang mamatay dito. Hindi na siya makakabalik pa dito kapag namatay siya. Kukunin na siya ng buwan.

SINESTRO Where stories live. Discover now