Kabanata 19

7 1 0
                                    

"Galit ka ba sa akin?" Bigla na lamang lumitaw ang mukha ni Sin sa aking harapan. Nakanguso na ito at mukhang malungkot. Pero hindi naging hadlang iyon para magmukha pa rin siyang maganda.

Hinawakan ko ang kamay nito at hinila siya paupo sa akin kandungan at niyakap ito mula sa likuran. "Hindi ako galit sa iyo. Kinakalma ko lamang ang aking sarili dahil baka may magawa akong hindi maganda sa'yo." Nakapikit na ang aking mga mata at humigpit ang aking pagkakayakap sa kaniya.

"Bakit mo kailangan na pakalmahin ang iyong sarili? May problema ba?" Bakas ang pag-aalala sa kaniyang boses.

"Ikakagalit mo kapag narinig mo ang dahilan."

"Subukan mo ako." Kumuwala ito sa pagkakayakap at paharap na naupo sa aking kandungan. Seryuso itong nakatitig sa aking mga mata pero bakas pa rin sa mukha nito ang pag-aalala.

"Puro kahalayan na lamang ang laman ng aking isipan. Kahit anong gawin ko ay kusa talagang bumabalik ang mga isipin na iyon na pilit kung kinakalimutan. Gusto ko na talagang tigilan pero ang aking isip ay ayaw talaga akong tantanan. Pasensiya ka na at hindi na kita ginalang. Hindi ko mapigilan ang aking utak na mag-isip ng kung ano-anong kahalayan na ikaw ang pangunahing tauhan." Pag-amin ko sa aking pagkakamali at tiyak na bakas sa aking mukha ngayon na may ginawang mabigat na kasalanan.

"Sinabi ko na sa iyo na ako'y sa iyo, Gin-hoo. Hindi kasalanan ang pag-iisip ng gano'n tungkol sa akin. Pinapayagan kita at natural lamang na mag-isip ng mga ganoong bagay--"

"Hindi natural iyon, mahal ko. Ang pag-iisip ng kahalayan sa taong hindi kasal sa iyo ay isang mabigat na kasalanan, Sin. At iyon ang aking pinaniniwalaan." Putol ko sa kaniyang sinasabi. Alam kung sinabi niya lamang iyon para pagaanin ang aking loob. O kay buti ng kaniyang puso. Samantalang ito ako at nag-iisip ng kung ano-ano tungkol sa kaniya.

Nabigla na lamang ako nang bigla itong dumukwang at hinalikan ang aking labi. Hindi nito inalis kaagad ang labi niya sa labi ko. Ang ginawa niya ay hinawakan ang magkabilang pisngi ko at sinimulang galawin ang labi niya sa labi ko habang nakapikit na ang mga mata at pinag-iigihan ang ginagawa.

Kailangan mong magpigil, prinsipe. Ang dami ng kahalayan ang iyong inisip at iniisip tungkol sa anak ng buwan kahit hindi pa kayo kasal. Ang dami na ng iyong kasalanan. Huwag mo ng dagdagan.

Maingat kung hinawakan ang pisngi nito at inilayo ito ng bahagya sa akin dahilan para matigilan siya sa kaniyang ginagawa. Mababasa sa kaniyang mga mata na nasaktan ito dahil sa aking ginawa. "Mahal kita, Sin. Gusto kung respetuhin ka. Ayaw ko ng dagdagan ang kasalanan ko sa iyo." Hinaplos ko ang malambot niyang pisngi habang nakatitig sa kaniyang magandang mga mata.

Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko habang nakatingin din ng deritso sa aking mga mata. "Wala kang kasalanan sa akin, Gin-hoo. Lahat ng ginagawa mo sa akin ay akin ring gusto. Sa tingin mo ba ay hahayaan kitang gawin at isipin ang mga bagay na iyon kung ayaw ko sa mga iyon? Gin-hoo... Tandaan mo palagi na ako'y sa'yo at ikaw ay sa akin." Binigkas niya ng klaro ang bawat salita na para bang pinapaintindi nito ang mga iyon sa akin.

Lumakas ang kabog ng aking dibdib at para akong nakalutang sa ulap dahil sa mga sinabi niya. Hindi ko napigilan ang mapangiti pero unti-unti rin iyong nawala ng may maalala ako bigla. Mukhang napansin niya iyon kaya agad akong nag-iwas ng tingin.

"Sabihin mo naman sa akin ang laman ng iyong isipan, mahal na prinsipe. Gusto kung matulungan ka at gusto ko na makita kang masaya. Kaya puwede ba na sabihin mo sa akin ang iyong mga problema?"

Ibinalik ko ang aking tingin sa kaniya. Napatitig ako sa umaasa niyang mukha. Siya pa lamang talaga ang nilalang na dahilan para mag-isip ako ng mga ganoong bagay. Siya pa lang talaga ang nilalang na nakapagparamdam sa akin ng mga emosiyon na hindi ko pa nararamdaman noon. Siya ang una at natitiyak ako na siya na rin ang magiging huli. Siya lamang ang aking mamahalin hanggang sa mamatay ako.

SINESTRO Where stories live. Discover now