Kabanata 25

9 0 0
                                    

Umuwi kagabi si Ging pero nang sumapit ang umaga ay agad din itong umalis dahil may kailangan itong gawin sa kabilang bayan. Hindi na ako sumama sa kaniya dahil tiyak na mas lalo lang siyang mapapagod kapag sumama pa ako. Todo alaga pa naman ito sa akin.

Mas pinili ko na lamang na manatili rito sa palasyo at nagpaturo sa mga tagaluto kung paano magluto ng mga pagkain na paborito ni Gin-hoo. At kasalukuyan ako ngayong narito sa kusina at tinitingnan ang ginagawa ng mga tagaluto. Kapag alam ko na ay ako naman ang magpapatuloy ng nasimulan nila.

Mababait ang mga tagaluto kaya magkasundong-magkasundo kaming lahat. Hindi nila ako pinapabayaan at panay rin ang kuwento nila sa akin ng kung ano-anong mga bagay para hindi ako mabagot. Hindi rin nila nakakalimutan na pakainin ako sa tamang oras. Nilulutuan o binibigyan nila ako nang mga pagkain na paborito ko at gusto kung kainin. Minsan ay sumasabay rin ako sa kanila na kumain dahil masaya silang kasama. Tumatanggi sila at sinasabi na hindi raw all puwede na sumabay pero sa huli ay wala na rin silang nagagawa at hinahayaan na lamang ako.

Anong punong tagapagbantay ay andito rin at binabantayan ako imbis na ang kaniyang amo. Inutusan kasi ito ni Gin-hoo na bantayan ako.

Palagi talaga akong iniisip ng lalaking iyon.

"Anong oras nga darating ang mahal na prinsipe, Kudan?" Tanong ko sa punong tagapagbantay na nakikipag-usap sa mga tagapagluto.

"Mamayang tanghali pa darating ang mahal na prinsipe, anak ng buwan." Sagot nito at lumapit para punasan ang aking pawis.

"Ilang oras pa iyon mula ngayon?"

"Marahil ay nasa apat na oras pa bago siya makarating pabalik dito sa palasyo."

"Kung gano'n ay hintayin na lamang natin siya." Nakangiting sabi ko at ipinagpatuloy ang aking ginagawa.

Pero hindi rin nagtagal ay may dumating din na guwardiya at tinawag ang punong-tagapagbantay. Ilang sandali lang ay bumalik din ito at sinabi na nasa labas ang prinsipe ng mga Lee na si Seok.

"Bakit naman kaya siya nandito? Tungkol pa rin kaya ito sa pagkuha sa akin mula kay Ging?" Tanong ko sa punong-tagapagbantay

"Ang sabi niya ay gusto ka raw niyang makita. Pero ano ang aking gagawin, anak ng buwan? Sinabi sa akin ng prinsipe na huwag hahayaan ang kahit sinong prinsipe na lumapit sa'yo lalo na ang prinsipe ng mga Lee." Bakas sa mukha nito na nag-aalala siya sa desisyon na kaniyang gagawin.

"Ako na ang bahalang magpaliwanag kay Ging. Huwag ka ng mag-alala." Sabi ko at naglakad na papunta sa labas para harapin si Seok. Nasa likuran ko naman si Kudan at nakasunod lang sa akin.

Iniwan ko na lamang ang ginagawa sa mga tagapagluto. Tapos ko na man iyong ihanda at isasalang na lamang iyon sa apoy para maluto. Sila na lamang daw ang bahala ro'n.

"Bakit ka naririto, Seok? Ikaw ba'y may kailangan sa akin?" Tanong ko sa prinsipe nang makalapit ako rito.

Inalis nito ang abaniko na nakatabing sa kaniyang mukha saka nginitian ako ng sobrang tamis. Kuminang ang kaniyang mga mata na para bang ipinapakita nito kung gaano siya kasaya.

"Gusto ko lamang bisitahin ang aking kaibigan. Huwag kang mag-alala dahil ako'y nakapagpaalam na kay Gin-hoo bago pa man ako pumunta rito." Sagot nito at may isenenyas sa kaniyang mga kasamang kawal.

Nagkatinginan kami ni Kudan at parehong nakahinga ng maluwag. Hindi na namin kailangan na magpaliwanag pa kay Gin-hoo mamaya tungkol sa pagbisita ng prinsipe ng mga Lee.

"Pinayagan ako ni Gin-hoo na pumunta rito sa dalawang kondisyon. Una ay kung ikaw ay dadalhan ko ng mga pagkain na gusto mo. At pangalawa ay hindi ako magtatangka na kunin ka mula sa kaniya. Hindi mahirap gawin ang una kaya pumayag na kondisyon na ibinigay niya." Nakangiting sabi pa nito habang nakatingin sa akin.

SINESTRO Where stories live. Discover now