SIMULA

73 6 1
                                    

"Mahal na prinsipe! Hindi kayo pwedeng umalis!" Narinig kung sigaw ng aking punong tagapagbantay. "Mahal na prinsipe! Masyado ng gabi para lumabas pa kayo!" Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

Maya-maya ay tuluyan ng natahimik ang buong paligid dahilan para makahinga naman ako ng maluwag. Habang naglalakad ay bigla namang napunta sa buwan ang aking paningin. Sobrang liwanag nito ngayon kahit na sobrang dilim na ng gabi. Nagpatuloy lang naman ako sa paglalakad hanggang sa hindi ko namalayan at masyado na pala akong napalayo sa palasyo. "Ayaw ko pang bumalik." Mahinang saad ko at sandaling napasandal sa gilid ng tulay habang pinagmamasdang muli ang buwan. Dahil sa liwanag na binibigay nito ay halos makita ko na ang paligid ko. Wala sa sariling napunta bigla ang paningin ko sa lawa na nasa ilalim lamang ng tulay. Napakunot ng bahagya ang noo ko dahil sobrang dami ng lotus. Halos mapuno ng lotus ang buong lawa.

Dahil sa kuryusidad ay unti-unti na lang naglakad ang aking mga paa papunta doon. Tinahak ko ang daan papunta sa gilid ng lawa hanggang sa tuluyan ko nga itong marating. Agad na lang akong napahanga at humigpit ang kapit sa dalang pamaymay. Ngayon ko lang napuntahan ang lugar na ito. Siguro dahil palagi lang akong nasa palasyo at gabi lang ako kung maglakad-lakad kaya hindi ko pa nakikita ito noon.

Nakikita ko ng klaro ang mga lotus na magaganda. Parang nagiging mahiwaga ang lugar dahil sa mga iyon. Dinagdagan pa ng mga alitaptap na nagliliparan. Parang maliit na bombilya ng ilaw ang mga ito. Dahil sa kinaruruunan ko ay nakikita ko ng maayos ang kagandahan ng lawa na nasa harapan ko ngayon.

Kung alam ko lang na may ganitong lugar pala rito ay noon ko pa sana pinuntahan ito.

Napangiti na lang ako at nanatili pa roon. Nakikita ko ang imahe ng buwan sa tubig. Para bang nagyayakap ang buwan at ang lawa. "Kay gandang tingnan." Kusang lumabas na lang iyon sa bibig ko.

Kahit na matagal kung titigan ang lawa ay hindi talaga ako nagsasawa. Ang ganda lang talaga nito.

Ayaw ko pang umalis...

Gusto ko pang manatili dito ng ilang mga sandali. Hating gabi na ngayon at wala akong bantay na kasama maski isa. Ayaw kung palagi na lang may nakasunod sa akin. Para akong hindi makagalaw ng maayos. Kahit alam kung gusto lang nila akong protektahan ay gusto ko rin na mapag-isa minsan. At sa mga oras na ito lang talaga ako nakakapag-
lakad-lakad at nagiging payapa.

Dahil sa katayuan ko sa buhay ay maraming gustong manakit at pumatay sa akin. Ang iba ay may galit sa pamilya namin at ang iba naman ay dahil sa inggit. Kaya palagi na lang akong may kasamang mga guwardiya para bantayan ako. Sa umaga ay halos palagi ko silang kasama kaya mas pinipili ko na lamang na huwag masyadong lumabas. At kung lumabas man ay hindi ako masyadong nakakalayo sa palasyo. Pero kapag may trabaho o importanteng pupuntahan ay hindi na lamang talaga ako nagrereklamo kapag sasamahan nila ako dahil para naman iyon sa aking kaligtasan. Kaya kapag dumating ang hating-gabi at natutulog na ang mga guwardiya ay tumatakas ako. Palagi akong nahuhuli ni Kudan, ang aking punong tagapagbantay, pero ayos lamang naman dahil hindi niya ako sinusumbong sa kahit kanino pero panay rin ang pigil niya sa akin pero sa huli ay napapagod din ito at hinahayaan na lamang ako.

Napatingin naman ako ulit sa buwan na sobrang liwanag pa rin. Napataas naman ang isang kamay at nagkunwaring hinuhuli ang buwan. Napangiti na lang ako at ibinaba rin ang kamay ko saka napatingin na lang ulit sa lawa na nasa harapan.

Ang ganda talaga...

Nagpatuloy lang ako sa pagtingin doon habang nakatayo pa rin. Habang patagal ng patagal ay mas lalong gumagaan ang pakiramdaman ko.

Makaraan ang ilang sandali ay tuluyan na akong nakapagdesiyon na lisanin na ang lugar para bumalik na sa palasyo. Pero laking gulat ko na lang ng may isang tao na biglang umahon sa lawa. Dahil sa pagkagulat ay napako na lang ako sa aking kinatatayuan habang deritsong nakatingin sa taong iyon na ngayon ay deritso na rin na nakatingin sa akin. Kagaya ko ay mahaba rin ang buhok nito at lalaki rin ito. Walang saplot maski isa. Puti ang mahabang buhok. Deritsong nakatingin sa akin ngayon ang mga mata nito habang naglalakad siya palapit. Kinabahan naman ako. Biglang kumabog ng malakas ang puso ko at nagsisimulang bumilis iyon. Gusto kung magsalita pero hindi ko maibuka ang bibig ko. Gusto kung umalis pero ayaw gumalaw ng mga paa ko na parang napako na ito sa kinatatayuan ko ngayon. Mas lalo naman akong kinabahan nang halos isang dipa na lang ang layo nito sa akin. Doon ko lang tuluyang natingnan ng maayos ang mukha nito. Dahil sa maliwanag na sinag ng buwan ay nakikita ko ng klaro ang mukha niya. Mga asul na mga mata. Matangos na ilong at mapupulang mga labi. At maaamoy ko din sa kaniya ang amoy ng lotus.

SINESTRO Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ